Sa Likod ng Maangas na Comment--Make-up Artist din Ako!
Malaki ang dilemma ng isang single parent, gaya ng kung paano ang magpalaki ng dalawang babaeng teen-ager. Wala naman kasing university na pwedeng magturo sa atin na in case maging single parent ka at magsabing ito at ito ang dapat mong gawin. Hindi rin naisama sa curriculum ito nung elective subject mo sa high school at lalong hindi rin itinuro ng nanay at tatay mo.
Wala akong reklamo dun, halos lahat naman ng bagay sa buhay kong ito natutunan ko by "oido" kapa-kapa lang. natuto akong magdrowing hindi sa eskwela, natuto akong magpinta sa kapapanood ng nagpipinta sa dating PHILTRADE sa Roxas Boulevard nung bata pa ako. Madalas akong nagpapa balik-balik sa pwesto nung isang pintor doon sa labas ng studio, sinisipat kong maigi ang mga "technique" niya at tinatandaan ko ang mga gamit na hinahawakan niya. Kapag nakaipon ng konti papasyal ako ng National Bookstore at isa-isa ko iyong bibilhin, ang mga hindi mkakayang bilhin ililista ko ang presyo at pag-iipunan sa maliit na baon ko. Ito ang pinagkaka abalahan ko noon habang ang ibang ka-edad ko ay nahuhumaling sa kabibili ng tapes ng Duran-Duran at Spandau Ballet.
Natuto din akong tumugtog ng gitara sa sariling pamamaraan. Wala sa pamilya namin ang may alam ni humawak ng gitara, Nakadampot ako ng kauna-unahang issue ng Jingle Magazine, yung naninilaw na at wala nang cover. Beatles, CCR, Led Zeppelin, Eagles, Crosby, Stills Nash and Young, John Denver at Woodstock. Kahit di naman ako lumaki nung era nila sila ang unang natutunan kong tugtugin sa sintunado kong gitara na napulot ko sa bakuran ng simbahan nung isang gabing nagawi ako dun. Inayos ko ito at nagpursigeng matutong tumugtog.
Sa isang pagkatuto lang talaga ako nakaramdam ng kaba-ang pagiging single parent nung panahong magkipag hiwalay ako sa dati kong asawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mismong araw ng JS prom ng anak ko, kasi ba naman ako ang ni request niya na maglagay ng make-up nya samantalang siya ang host ng event.
"anak, magtiwala ka ha" sabi ko, habang pinapahid ko ang foundation sa likod ng kamay ko para malaman kung bagay ang kulay sa balat ng anak ko. Sinumulan kong basain ng kaunti and foundation sponge, ikinalat ko ito ng manipis hanggang sa leeg niya at likod ng tainga. Kinakabahan ako. Ano ba'ng alam ko sa pag make-up?
Naalala ko bigla ang monochromatic painting na ginagawa ko dati at ang harmony ng kulay, pati ang tapering shadows at triangle principle sa composition ng pagpipinta.
At dahil medyo hugis inverted triangle ang mukha ng anak ko, in reverse triangle ang apply ko ng make-up. Manipis lang ang foundation para bagay sa isang teen ager, mapusyaw na lipstic at glossy, ayaw ko ng masyadong mapula-hindi bagay. Kinapalan ko ng konti ang eyeliner para ma emphasize ang bilugang mata ng anak ko, nilagyan ko ng pitik hanggang sulok ng mata. Eye shadow na close sa kulay ng balat nya pero mapula ng konti o pinkish. Dinampian ko ng kaunting lipstick ang pisngi niya at ni-rub ito ng daliri paitaas bilang blush on. At pang-huli, kinortehan ko ng medyo dark na make-up ang bridge ng ilong niya with tapering shadow paitaas para magkaroon ng illusion na matangos ang ilong nya.
Pagdating ng alas-tres ng madaling araw, nag tex ang anak ko nagpapasundo na. nakita ko ang saya sa mga kwento niya. "hindi daw ako nakilala ng teacher ko, ang ganda ko daw" bagay na mas natutuwa ako ng palihim kesa sa anak ko. "syempre, ako nag make-up e..."
Salamat na lang at di na ako single parent ngayon.
Rom
Haha, you remind me of someone ...
Ang sarap ng feeling kapag ginawa mo ang isang bagay na clueless ka tapos ang resulta eh superb.
Yung kakilala ko parang ganyan din ang kwento niya sakin, painter din kasi siya at inaaplay niya ang skill niyang ito sa anak niyang, sasali ng santacruzan...
I find it very sweet!
http://wattuduyanie.blogspot.com/
Yien
Yien, oks lang kung iapply ko sa anak ko wag lang sa akin haha!
pasalamat ako at present ako sa mga highlights ng buhay ng mga anak ko gaya nung una silang magka mens at ako ang tinakbuhan nila nang kung ano ba ang gagawin. taranta ako di pa kasi ako nakaranas magka mens e. muntik pa nga to the point na tutulungan ko sya maglagay nung adhesive hehe...
salamat sa pagbasa!
Thumbs up kuya! bilib ako
Thumbs up kuya!
bilib ako sayo.. certified dadi ka talaga.. TAMA! ang tunay na lalaki marunong mag-make-up hehehe
sa susunod di ka na kakabahan kasi nandiyan na si ate teena para alalayan ka... wohooooo....
cheers!
Ai,
actually yung tatlong girls na anak namin, tuwing may school occassion ako na nagme make up. karaniwan yung mga pageant at party sa school. hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa pero yung mga anak ko kapag tinatanong sila ng mga kaklase nila kung sino ang nag make-up sa kanila mabilis at walang ka gatol-gatol nila sagot: "tatay Ko!"
mukhang di naman sila nahihiyang malaman ng mundo na ako ang make-up artist nila e hehe...
nakakatuwa din at kahit ganito na ako may nadadagdag pa sa nalalaman ko.
Astig kaya yun.. kung ako
Astig kaya yun.. kung ako ang anak mo.. ipagmamalaki ko rin yun.. it shows lang na talented ang tatay ko.. 
kahit ganito na ako may nadadagdag pa sa nalalaman ko. <--- hmmmm...
extra ordinary ka kuya Rom... swerte ni ate teena... 
Saludo ako sa iyo kuya
Si kuya pag di mo sya kilala talagang matatakot ka sa kanya. Akala ko isa syang warfreak nun, noong di ko pa sya nakilala at nakikita. Pero nung nakita ko sya sa Grand EB lahat yun nawala. Mabait na tatay kasi itong si kuya. Makikita mo talagang mahal na mahal sya ng mga anak nila.
KAya nga kung bago ka sa site eh talagang mahihintakot ka kay kuya rom, pero sa pagdaan ng panahon eh maiintindihan mo sya. Mabait talaga yang si kuya talented pa. Ang ganda ng mga paintings nya grabe. Mabait na asawa, at tatay! The best pang kuya at pwede na ring magsideline si kuya bilang make-up artist. hehehe
At dahil puro papuri itong sinabi ko sa iyo, pag uwi ko bibigyan mo ako ng isang painting! Sige na kuya!hehehhe
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
.
salamat spike, sige pag uwi mo bibigyan kita ng isang bangkay na mineyk-apan ko haha!
nag iisip nga akong magnegosyo o funeraria ba o salon. sabagay parehong parlor lang naman yun funeral parlor at beauty parlor haha! basta sa akin kayo magpaayos ha patay man o buhay.
Pwede
Sige magandang business yan kuya , Funeraria, tapos magtatayo ako ng gotohan at isawan sa tabi. Tapos karienderya na rin , tyak mabenta ang dinuguan ko, kasi magaling akong magluto nyan.Hahahaha
Ano kelan natin sisimulan?
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Wagi..
rom, pwedeng kumikitang kabuhayan ang talent na yan... hehehehe
wag kang pipikit...
haha!
gawin talagang canvas ang mukha ng anak mo? sabagay, talent lng ang kailangan. konteng pahid, konteng blending, konteng dark, konteng light. bongga nah!!! haha...
cute. sweet. fabulous. ok na bonding moment un ah :)
bravo!
wow, ang galing mo talaga kuya rom.
magaling ka pa sa akin mag-make-up.
Bongga ka 'day!
aba amang, mas marunong ka pang mag-apply ng make-up kesa sa akin. ibang make-up kasi ang alam ko. ung pang halloween party ba. hehehe. iyon ang epekto ng pagti-theatro, marunong akong magconvert ng buhay para magmukhang patay! speaking of patay, aapela ako sa posisyon sa negosyo nyo. si sani tagakanta, ako tagaiyak? pwede bang tagasayaw na lang? aba, unique un, kabukod-tangi kayong nag-offer ng song and dance sa funeral service. hehehe... o kung ayaw mo naman, taga-gawa na lang po ako ng kabaong! nice! hehehe.
*****
"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."
ang galing naman..
buti ka pa kuya Rom..ako walang ka alam-alam dyan.. sana kapag nagkita tayo balang araw ay ma-sampolan mo ako hehe.
ang bait mo talagang ama kuya Rom at hanga ako sa iyo.
God bless. miss ko na kayong lahat hehe..
miss ka na rin namin Jha
Hi Jha, miss ka na rin namin dito kulang na ang makukulit e hehe.
sige ba sampolan kita minsan ano ba gusto mo? water color, oil, acrylic o charcoal? hehe...
Galing...
Di ko alam applicable yun sa tao hehe. Ang galing talaga. Kahit noon pa may bilib na ako sa mga single parents. Nalulungkot ako sa kanilang naging estado dahil hindi talaga maganda ang nangyari ngunit di maiiwasan iyon pero ang nakatutuwa ay they try to do both parts - as Mom and Dad. Sa case mo, talagang naabot mo yung both parts na iyon. Di kaya ng powers ko yun. Cooking, changing diapers at pagpapaligo ng baby lang ang kaya ko. Pero di natin alam...
SIge make-up pa.
=== Nahalungkat niyo na ba?

















Haha... nawindang naman po
Haha... nawindang naman po ako sa tapering shadows at triangle principle niyo. Pag namaster niyo na po ang pagmemake-up, patutor po ha?
(Buti pa kayo marunong gumamit ng foundation at eyeliner!!!
)
Huhulihin ko ang buntot ng cold front...