SA MULING PAGKABUHAY (my 8-day silent retreat last day poem)

augusta linnea valler abella's picture
| | |

Ngayon na magtatapos

ang linggo ng pagkilala;

ang linggo ng walang hanggang pagkakakilanlan;

ang linggo ng mga dasal at dasal-dasalan;

ang linggo ng mga paos na salita;

ang linggo ng mga luhang ikinukulong sa simbahan;

ang linggo ng mga naglalakad na panalangin;

ang linggo ng lumang rosaryo;

ang linggo ng mga hikbi sa bawat gunita;

ang linggo ng nakabibinging katahimikan sa likod ng mga sigaw kay Kristo;

ang linggo ng inuulit-ulit Nyang kamatayan;

ang linggo ng pag-iisa ng dugo at tubig na patuloy na aagos sa mga kasalanan;

ang linggo ng mga nakakabaliw na pantas;

ang linggo ng mga natutulalang isip sa iba't-ibang pangitain;

ang linggo ng mahihigpit na yakap sa imahinasyon;

ang linggo ng inuukit pa lang na pag-ibig;

ang linggo ng mga sumisibol na makata sa isipan;

at sa muling pagkabuhay magtatapos

 ang linggo ng mga 'di naisusulat na tula.