Sa Muling Pagputok
Sa Muling Pagputok
Danny Diaz/dodie
29 Dec., '09
Lumipas na naman
ang araw at buwan,
Taon na dadaan
panibagong laban.
Kung mahihirapan
sana'y makayanan,
Kasama ka mahal
na aking hinintay.
Sa Iyong pagbalik
sulit na ang inip,
Aking pananabik
sarap ang kapalit.
Mga panaginip
di na kathang isip,
Ang ating daigdig
lagi muna'y silid.
Kapag nakapiling
tunay na ang aliw,
Wala man'g lutuin
sabay sa pagkain.
Kahit umagahin
ating uulitin,
Hindi mabibitin
parang nasa hangin.
Sa lakas ng tunog
nginig man ang tuhod,
Hindi matatakot
sabay magpasabog.
Palad nuo'y dakot
pareho nang tukod,
Sa muling pagputok
ikaw ang kayupyop.
... DcD/dodie

