Sa ngalan ng toMA, ng alAK , at ng masasamang Espiritu sa kanto...Amen

love's picture

 

Anak ng butete oh! Kung may pakpak lamang ako ay mas nanaisin kong liparin ang daan mula sa bahay papunta sa labasan. At ‘wag nang lumapat ang mga paa ko sa daan kung saan nagtitipun at namumugad ang mga lasenggo ng bayan. Kung pwede lang diretso na ang aking lakad nang hindi na masilayan ng mga mata ko ang hagikgikan at namumulang mata ng mga halimaw na ‘yon. Na pagkayari tumoma ay uuwi sa mga asa-asawa at merong pasalubong na isang supot na mag-asawang sampal..Aray!

Eh kung may super powers lang ako ay gagawin kong sariwang gatas ng ina yung alak na pinagsisikapan pagkasyahin sa bituka nilang hangal! Ang alak ..inutang lamang nila ke Aling Ising kasabay ng pulutan na “ding-dong” at isang platitong dilis.

Kung mayroon lamang akong “divine gift” ay ‘pagpepray-over ko sila habang nakapatong ang mga palad ko sa noo nilang nagpapawis-pawis at malagkit! Nang sa gayon ay mawala na nang tuluyan ang masamang espiritung dumadapo sa kaluluwa nilang nagpipyesta sa kalasingan dala ng matinding espiritu ng alak.

Sa ngalan ng toMa, ng alAK at ng masasamang Espiritu sa kanto…Amen.

 

 

Inaalay ko ito ke Mang Romy na numero unong tomador na malakas ang tama kada totoma. Mabuhay ka! Sana kada suka mo dahil sa matinding pagkalasing ay may halong isang dambuhalang dragon na may nakapasan na balyena sa likod.. bwiset!!!

 


Adlesirc's picture

dragon na may balyena hahaha

mukhang inis na inis ka talaga dun sa mang Romy na yun ah.. hehehe. ang mas nakakainis pa sa mga nag iinuman sa kalye ay ang mga videoke na pagkalakas lakas. masakit sa tenga (literal) at masagwang pakinggan (brutal) =)

ako, I drink once in a while din pero hindi sa daan at kalsada at yung hanggang sa kaya ko lang at wala naman saking sumasampal dahil diretso tulog lang ako pag may amats na ko hehehe =) hindi ako nangungulit or nagti-trip. do u drink?

love's picture

yeah

yeah i drink 8 glasses of water a day hehe... Noon oo na try ko din ..San miguel beer pah! at take note katropa ko sa inuman ang tatay ko. Panu kasi hrap ako makatulog nun' dalagita pa ako eh maka-isang bote lang ako noon bagsak na'ko.. Pero sandali lang iyon kasi boyfriend lang pala ang katapat hahaha! Mula nang magboyfriend ako nakakatulog nako ng mahimbing at secret yun ha hindi lam ng tatay ko. Naku bka mbsa ito nang mga bagets dyan gayahin ako..wag nyo po ako tularan!

 

tnx adelsirc !

 

Godbless!

rom26factolerin's picture

Hi Jha!

 

 Yan ang pinoy! hehe wala nang makain nakukuha pang uminom.

maraming pamilya ang winasak nyang bisyo na yan marami ding krimen ang nagmula dahil dyan. lahat kasi ng bagay na SOBRA sa itinakdang limitasyon ay nagiging masama.

naalala ko noon 18 years old pa lang ako naospital ako dahil sa Pancreatitis nagulat ang doktor ng PGH kasi sakit lang daw yun ng mga tomador, ang tanong niya sa nanay ko "misis, umiinom ba itong anak mo?" sagot naman ng nanay ko "aba, hindi po, mabait na bata yang anak ko"  ...di nya lang alam...

salamat na lang at di na ako 18 anyos...

drink moderately 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

hi kua!

 

Agree ako sa'yo. Wala na ngang asenso sa buhay ang mga taong lasenggo tulad ni Mang Romy ..ala na ngang permihang trabaho ay ipinapangutang pa ang panglaklak niya.

Maiba ako kuya, nalinlang mo din pala ang nanay mo hihi.. mabait ka naman talaga siguro nararamdaman ko eh "i can feel it" hahaha!

tnx!

Godbless.

 

tashyrowie26's picture

sino ba naman nakaimbento kasi niyan...

I totally agree, bakit kasi naimbento pa ang alak? bakit ba may mga taong nalululong sa alak... ano ba ang napapala pag lasing ka? wala naman... ako ayaw ko ng pakiramdam na lasing kasi nasusuka ka, wala ka sa sarili kasi NAPAKALAKAS ng loob mo, makapal mukha mo, nasasabi mo dapat na di na sabihin... magaling mamerwisyo sa kapwa! hay! biktima ako niyan!

 

 

☼rowie☼

love's picture

rowie

 

 

Rowie sabi nga nila kausapin mo yung tao kung lasing at mas kumbinsidong hindi nagsisinungaling ..kesa sa taong hindi bangag sa puspos ng alak.

kung sino ang nakaimbento? ewan ko rin. Pero ang alam ko noong matagal na panahon ay uso na ito at madalas tangkilikin sa mga pagdiriwang. 

 

slamat uli. Godbless. 

rom26factolerin's picture

di naman talaga masama ang alak

 

kapag lasing ang isang tao  lahat ng defenses niya nawawala, doon lumalabas ang totoong saloobin niya walang harang at walang pagkukunwari pero mas nahahaluan na ng mga bagay na dulot ng kawalang kontrol ng emosyon.

kung masama ang loob ng naglalasing na tao malamang mailabas niya ito ng pabigla-bigla sa taong kina iinisan niya ang resulta?   away!

di naman masama ang alak e, noong panahon ni Kristo siya mismo uminom nito at ginawa pa niyang alak ang tubig. may alak kasi na matapang at may alak na di naman nakakalasing gaya ng wine--gawa sa ubas.

minsan masarap ang jamming at kwentuhan kung meron nito, bilang social spice sa samahan, pero anything na sobra sabi nga ay masama. 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

tama po

 

 

Tama po lahat ang sinabi ninyo. Salamat sa patuloy na pagdaan kuya..marami akong natutunan sa inyo. Godbless.