Sa Paghinto ng Ulan ay May Bagong Araw...(maikling-kwento.)
“Himala, may sakit ka ba? Bakit bihis na bihis ka anak? Saan ang lakad mo?”
“ Sa PRC po magpa-file para sa board exam. Pautang muna ng pambayad ha?”
Kitang-kita ko ang pagkabigla ni mommy na akala mo ay nakakita ng isang sikat na sikat na artista ng lumabas ako sa kwarto. Ang reaksyon nito ay hindi bunga ng kadahilanang naligo at nakaporma ako ngayon. Hindi rin dahil sa na-gwapuhan siya sa bago kong ayos na buhok na nakaponny-tail pa; sigurado din akong hindi rin malamang sa pagkaahit ng kumapal ko ng bigote at balbas. Nagmistula na daw akong isang batang-ermitanyo na namamalagi sa bundok. Sigurado ako na ang totoong dahilan ng pagngite niya at kaaliwalasan ng mukha na matagal ko na ring hindi nabanaagan sa kanya ay ang simpleng lumabas na ako sa kwarto ko.’Yun nga lang, ang makita niya akong lumabas na.
Sino ba naman ang inang hindi mag-aalala sa anak nito kung nakikita lamang niya itong lumalabas sa kuwarto tuwing kumakain, tumatae o iihi lamang. Minsan ay sinubukan na niya akong ipakunsulta sa isang doktor na espesyalista sa sakit sa utak ngunit wala naman daw akong sakit at nasa stage lamang daw ako ng depression. Lilipas din daw iyon at normal lamang daw iyon sa sinapit ko. Anak ng teteng at mukhang kinaawaan pa ako. Ayaw ko nga ng kinakaawaan kaya masminabuti ko na lamang hindi magpakita kahit kanino. Sabi ni Dok ay ipainum lamang daw sa akin ang mga niresetang gamot niya at makakatulong daw iyon.
Palagay ko ay hindi siya magaling na doktor. Hindi naman kayang maibsn ang sakit ko sa
pamamagitan ng gamot na pilit niyang ipnainum. Tumatawa na nga ako ngunit sa loob ko ay hindi naman. Gusto pa nga yata niya akong maging addict sa gamot na ipinagbabawal sa lipunan. Sheet.
Sabagay, wala naman talaga akong sakit. ‘Yan nga ang gusto ko at matagal ko ng pinagdarasal.Sana ay magkasakit ako. ‘Yung sakit na tuluyan ng hindi magpapabangon sa akin. Sakit na papawi ng sakit sa akin. Kung kaya ko nga lamang tapusin na ito ay matagal ko ng ginawa ngunit takot ako eh. Duwag.
Duwag akong harapin ang problema at bagkus ay pinili kong ikulong ang sarili ko ng halos isang taon na sa apat na sulok ng maliit kong kuwarto. Wala akong ginawa kundi ang isiksik ang lahat ng bawat salitang laman ng mga libro ko, araw at gabi ay pilit ipinapasok sa memorya ang human anatomy at kinesiology, pinag-aaralan kung papano gumagana ang utak at kung papano nito napapagalaw ang bawat himaymay ng kalamnan; gayundin ay pinag-aaralan ang ibat-ibang karamdaman mula sa ibat-ibang virus, bacteria at parasites, ibat-ibang kundisyong magbibigay ng kahinaan upang mabuhay tulad ng abnormal na atay, bato, puso, diabetes, cancer, arthritis at mga sakit sa isipan; ngunit tila sa dinami-daming sakit na nadiskubre ay ni-isa ay walang makapagpaliwanag kung ano ang dahilan at papano malulunasan ang sakit sa puso na dulot ng pagkabigo... ang pagkabigo lalo na sa pag-ibig na katulad ng nararamdaman ko.
“Anak alam mo ba kung anong nangyari sa EX mo? Anak si Abby na...”
“Inay...kaya nga ho ayaw ko ng lumabas eh disin nga lamang at kelangan talaga.”
“Ah...eh...oo anak. Pasensya na. Kasi kung bakit ba sobrang daldal ko eh.”
“Sige na ho at aalis na ako. Akin na muna itong one thousand ha.Bye.”
Nagsisikip ang dibdib ko at parang napakabigat sa tuwing maririnig ko ang pangalang dati rati naman ay naghehele sa akin kapag nababanggit ito. Putang Inang pangalan iyan, sabi ko sa loob-loob ko... Akala ko noong una’y anghel siya sa akin... demonyo pala at sasama at magpapahindot lamang sa isang bertdeyan. Sheet s’ya. Kakayanin ko ito at ipapakita ko na malaking pagkakamali ang ginawa niya.
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep sa kanto at nalalapit na ako sa bahay nila ay tila nanghihina’t nangangatog ako. Para bang gusto ko ng bumalik. Wala naman akong magawa dahil ito lamang kantong ito ang madaraanan palabas sa iskinitang ito. Ito lamang harap nila ang sakayan ng jeep palabas sa amin.
“Uy pare...kamusta ka na? Putcha. Tagal mo nawala ah. Nagbakasyon ka ba?”
“OO, kababalik ko lang. Sige at nagmamadali ako.”
Kung hindi nga lamang nakakahiya ay tumakbo na ako at parang sinisilaban ako sa mga titig nila sa akin ng mga sandaling iyon. Para nila akong pinagtatawanan at bumubulong sa akin, natorotot namin ang syota mo!
Ang tagal ng jeep. Pakiramdam ko ay ang bawat isang minuto ay katumbas ng isang oras. Nakayuko lamang ako at miminsan-misa’y sumusulyap kung may paparating na at may may biglang humawak sa braso ko. Tila napakalamig ng may-ari ng kamay na ito na tuluyang nagpatigas sa buo kong katawan. Matigas...matigas na matigas na animo’y naging isang rebulto ako sa kinatatayuan ko. Malamig naman ang hangin at nagbabadya pa nga ang isang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagsimula akong pagpawisan ng mga sandaling iyon lalo na ng marinig ko ang tinig ng boses niya...
“Jeff, pwede ba tayong mag-usap kahit ilang minuto lamang. Magpapaliwanag ako.”
Hinila niya ako papasok sa gate ng bahay nila. Naiwan ng nakabukas ang pinto na para bang wala kaming lakas na itulak pa iyon para muling isara. Ang mga ugong ng mga sasakyang dumaraan at ingay ng mga nagtsitsismisan sa nag-aabang ng jeep ay parang hindi sapat upang mapawi ang katahimikang dinulot ng pait ng nakaraan. Hindi magawang bumuka ng bibig ko. Kahit gusto kong sumigaw sa kanya, gusto kong manumbat, gusto kong ipaalam sa kanya ang sakit na dinulot niya ay hindi ko magawa.
Ilang araw. Ilang buwan ko ng gustong alamin ang mga kasagutan sa mga tanong ko kung bakit nagkaganoon pero bakit ngayong naandito na siya sa harap ko at isa-isang sinasabi ang mga kasugutang ito ay tila wala akong maintindihan, wala akong marinig, walang pumapasok sa utak ko. Nabingi na nga yata ako sa kanya.
Beeep...Beeep.
Huminto ang jeep sa kanto. Nakita ko ang mga taong kanina pa nagtsitsismisan na isa-isa ng nagtayuan sa kinauupuan nila. Lumakad.Pumila sa pagsakay ng jeep.
“Sige na. Aalis na ako at baka maiwan pa ako ng jeep.”
“Sige Jeff. Ingat ka.”
“Hindi na maibabalik ang lahat Abby. Nangyari na ang nangyari. Ayusin n’yo na lamang ‘yan at bumalik ka na sa kanya. Ingat ka rin. Bye.”
Nakasakay na ako at papalayo sa kanya ngunit kitang-kita ko parin sa mukha niya ang pagsisisi, ang pagpatak ng bawat luha niya. Mga luha na dati rati’y bunga lamang ng kaligayahang dulot ng aming pagmamahalan ngunit ngayon ay luha ng pagsisisi, kalungkutan at panghihinayang.
Noon akala ko kapag nakita ko na siyang umiiyak habang sinasabi ang lahat ng kanyang kamalian ay gagaan na ang pakiramdam ko ngunit ngayon masasabi kong hindi pa pala. Siguro darating din iyon. Darating din na matatanggap na namin pareho ang mga nangyari sa amin. Hindi ko man lubos na naunawaan ang lahat ng sinabi niya ay ang mahalaga ay alam ko na kung saan ako magsisimula dahil natuldukan na ang dapat matagal ng wakas.
“Pwedeng pakisara po noong trapal kasi umaampiyas ang ulan sa bintana.”
“Ay, sorry!”sabay ngite.
“Hi, I’m Carol.”
“I’m Jeff. May pasok ka ngayon.”
“Oo, sa FEU sa Recto.”
“Uy, sa Recto din ako sa PRC kasi magpa-file ako ng board exam.”
“Ay talaga! Sige sabay na tayo para malibre mo ako.”
“Sure. Kahit pa bukas ulit o sa isang araw o sa isa pang araw ay okey lang. Kaya lang sa susunod dala ka ng payong ha.”
“Bakit takot ka ba sa tubig, ayaw mong mabasa at baka dumami ka?”
“Sabagay mabilis lang naman ‘yan. Hihinto din agad ‘yang ulan at may bagong araw na sisibol.”
“Ang lalim mo ha.Anong ibig sabihin noon?”
“Wala.”
end.
dyeppri
...May kasabihan nga na : Kung kaya nila ay bakit hindi mo ipagawa sa kanila! ahihi
Kasi may mg pirata...
Sinadya ko na gawing pangalan na kilala ako sa site na etechh kasi may kumakalat na mga pirated works dito, iyung pinapalitan lang ang title. Sa akin masasasabi kong hindi lang title ang pinalitan ko pati yung mga name ng mga characters dito. Ahihihi! Yung carol ay ewan ko ba kung saan ko nakuha iyon, siguro spirit pa rin ng christmas pangangaroling.hehehe. Kaloka iti. Ahihihi.
Kababasa ko lang (habang naglalaba) yung gay works mo. Ano na nga ba title nuon. Yung si Drake na girlalooo! (D2 ko na iabot comment ko ha kasi busy me---)Maganda talaga at very effective ang paglalatag mo ng istorya. Swak talaga. Tumayo ang balahebs ko habang binabasa iti. Chuvanessi! Naimagine ko si Papa Piolo na nakatuwad kay Yull Servo.Ahihihi. Kaloka ang Lola mo na si Manay Lolit! Ahihihi.... Sana hindi kan nahiya at ginawa mo ng garapal ang mga eksena. Katchi masmagiging makatotohanan sya! Promis!!! (like---wala na yung talong, gamitin mo na talaga yung titi, burat, tarugu o wat ever pa. babushhhh! nyebahhh!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Pahabol pala:
greetings to Spikewest. Hi-Hello!
Nagtatampo na 'yung Lolo ko kasi wala na daw akong nagagawang assignment todits. Ito para sayo 'pre.Alay ko etech sa'yo.babushhh!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
blank_page A Collection of
blank_page
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
tumayo talaga ang mga balahibo mo ihhihihihi
naglalaba ka pala? bumubula ba ang sabon?
Kala ko chikas mo si carol...
O diba llife story mo yong gay story ko.. yan ha... naisulat ko na heehheheeh.. sana nabigyan ko ng justice hahahahaahahah
may maniwala kaya?
Ingat sa paglalabada.... part time mo ba yan hiihihihi
Tagal mo ring walang short story ah....
Ay sus...
Kung ito ang istorya ko Jonds at ako ang magiging si girlaloo eh baka matuwa pa ako noong pinatuwadski ako noong mga papaness na binayaran ni Ana. Ahihihi. May tip pa sigurado sila sa aken! Kaloka ka talaga! Charing!!!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Okay sya bro
Okay yung kwento yun nga lang parang kulang ng emosyon, hindi nabigyan ng madramang background story ang bida para naman mas lalong maramdaman ang mambabasa ang emosyon niya. Pati na rin ang daloy ng istorya ay tila may kababawan, kulang sa bigat ba!! Palagay ko hindi mo pa naranasan ito kaya medyo may kulang. hehehe.
Pero sa kabuuan okay naman, basta kulang lang sa pagbubuild ng emotion sa bawat tagpo pati na rin sa mga dyalog ng karakter. mas lalo sanang mararamdaman ng mambabasa ang kwento kung bibigyan ito ng melodramatic na atake (tutal madrama naman ang kwento). Medyo nabitin ako, kumbaga plit akong nageemote pero hindi ko maabot dahil may kulang sa kadramahan.
Ingat bro
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Uy,,,
Uy, ganoon ba. Wala talaga kasi akong balak pahabain ang kwentong ito. Sa palagay ko nga napahaba pa eh! Isa kasing mapait na alaala. hehehe.Parang ganito lang kasi kwento ko noong nagrereview ako noon pero syempre dinagdagan ko ng konti para naman magkabuhay. Ngunit hanggang ngayon pala ay ako para sa iyo ay isang sawi! ahihihi ....
Salamat sa pagbasa po. mwah!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Nice may ganun
Bro, sigurado kang naranasan mo na ito noon, uhmmm. medyo kaduda duda naman yun,kasi mababaw ang emosyon. Siguro bahagi ng alalala mo yun kaya wala ng pait. Pero kasi sa taong nagdurusa dahil sa ginawa ng kasintahan nya medyo hindi ganun kadali yun, na parang ganun ganun na lang yun. Sorry bro, pero kung ilalagay ko ang sarili ko sa bida, hindi ganyan kadali ang mararamdaman ko kahit nagmumukmok pa ako ng 3 buwan sa kwarto. Kaya ako nakulangan sa drama
Pero bro, panalong panalo ka naman eh. ewan ko nga kung may bearing ang sinabi ko sa iyo.hahahha
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Ito ang mga kuwentong
Ito ang mga kuwentong masarap basahin at kilatisin nang paulit-ulit. Behind the lines, or within the lines, the writer is hiding something, and I want to find it out.
ganda ng
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Behind the lines, or within the lines, the writer is hiding something, and I want to find it out.
dyepp, maganda ito
dyepp, maganda ito kitang-kita yung part na hango sa tunay na pangyayari kaya lang pagdating sa dulo parang minadali matapos. yung parallel comparison nung nararamdamang katahimikan at lamig ng hawak sa braso ni abby kay jeff at sa mga nagdaraang sasakyan at ingay ng paligid gusto ko. simbolismo siya at puno ng hidden images.
sana lang yung eksena sa loob ng jeep medyo na expound pa kasi redemption yun e. parang sa tinagal-tagal ng hibernation niya hindi agad basta-basta kayang basagin ang yelo na bumalot sa buong pagkatao niya. mas may magandang twist pa na pwedeng mangyari dun.
anyway nakaka hook ang istorya--nice post!
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Namulot...
Namulot lamang kasi ako kuya Rom ng ee-ending ko. Salamat sa kumento at nakatulong ito. Napansin ko nga iyon na pabagsak ang dulo. Hindi ko kasi alam kung anong salita ang maaaring ilatag sa nagpupumilit ngumite kahit sa kalooban niya ay umiiyak siya....tnx
(hayaan mo at eedit ko kapag may naisip ako.)
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."






maganda ang kwento
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
bagay ito sa mga nabigo sa pag-ibig.... dapat bumangon sila... kasi may bagong umagang maghihintay sa kanila...
Kaw na naman ang bida sa kwento mo hihihihihi
At sino si Carol? siguro ginawan mo siya ng kwento....
Maganda ang paglalarawan....