Sa Pagiging Lambat

jeNadriano's picture
|

At kahit isa ako
sa nauna
sa pagkakakila
sa ngalan mo,

          huli pa rin ako

          sa pagkakakilala
          sa 'yo.

 

 

Ang
pakiramdam
ko
ay panapos ako
ng listahang
pahaba ng pahaba

ng mga bisig
at tenga
nais mong yumakap
at makinig
sa'yo.

 

At ngayon
na wala sila,

at ngayon
na hindi mo sila
kasama,

at ngayon
na nag-iisa ka,

 

sa akin mo
inaasa
ang pagsalo

ng mga luha,

     ng mga buntong-hininga,
          ng mga pangangalumbaba,

               ng pagkatigalgal,
                    ng pag-iisip ng malalim,

patungkol
sa pagkakakilala
nila sa'yo

na ako
dapat
ang nauna.

jeNadriano

Ang inspirasyon ay nanggaling kay Al na masugid na nagsisilbing lambat ng pighati ng kanyang kaibigan.
Sa'yo na tila walang kapaguran.