Sa pagkagat ng dilim
Submitted by prettyfhe on November 11, 2008 - 11:45am.
TULA/POEM
Pagod ang katawan sa buong maghapon
Buong araw ang ginugol na panahon
Sa trabaho na puno ng tensyon
Kaya dapat ibaling ang atensiyon
Malalim na naman ang gabi
Dilat pa rin sa isang tabi
Tila pusa na di mapakali
Tayo, upo sa bawat sandali
Dinig na ang tilaok ng manok
Tanaw na ang araw na paputok
Liwanag ay handa ng manubok
Walang magawa kundi ang maghimutok
Mamayang gabi babawi na muli
Pagkatapos ng mahabang pagmumuni-muni
Iisipin ko na lang lagi
Kapiling ka at nasa ‘king tabi
Bubuo ng imahe sa balintataw
Ito’y paraan upang abot tanaw
Sikatan man ng hating araw
Gabi ko’y ‘di gaanong mapusyaw


