sa paningin nila

talulot's picture

sa mata ng isang paslit

itong paligid

niya'y palaruan

sa gitna ng usok, aso'

at bulubnduking dumi

paraiso ang dampang mumunti

at ang liksi dito binbuhos

sa paghuhukay, pag-asa

kapit kamay hinahaplos

 

sa mata ng mga paslit

laro ang paghihikahos

parang tagu-taguan

'Pong' kung ulam ay matagpuan

'Taya"  kung wala -pagkalam ng tyan

Parang patintero sa lawak ng daan

isa-isang nag-uunahan

sa pagtuhog ng basurang

sa buhay nila'y tangan

 

sa isang sako o isang supot

sa butas nilang saplot

sa madurungis na mukha

sukdulan lang ang paghiyaw

kapagdaka'y sasayaw

dahil sa balintataw

kapiling nila

ang paraisong

ikinubli ng mabahong pananaw....

 

 

 

----isang pagdalaw sa sta.lourdes, sanitary landfill

october 3, 2008