Sa Pusod ng Kagubatan
Malakas ang kabog ng aking dibdib. Tumatagaktak ang pawis. Kakaunting liwanag lamang mula sa haring araw ang tumatagos sa lugar kung saan ako naroroon. Wala akong ideya kung paano ako napadpad sa estrangherong lugar na ito. ANg alam ko lang gusto kong maglakbay upang tuklasin ang aking sarili. Nais kong buksan ang pinto kung saan ang pagsusulat ang naghihintay sa akin.
Sa totoo lang, wala akong ni katiting na ideya kung ano nga ba talaga ang pagsusulat. Para akong isang gagamba na humahabi ng sapot upang may mapatunayan sa larangang ito. Subalit di tulad ng gagamba na organisado, ang sa akin ay tila bikitma ng nakakakilabot na unos. Muntik na akong bumigay. MUntik ng mabuwag ang gangga-kurot ng pag-asang natitira sa akin para sa sining na ito.
Hanggang ngayon, wala pa ring direksiyon ang aking buhay manunulat (kung matatawag nga ba akong isa). Wala akong kaibigan sa mundo ng literatura. Walang maka-ut-utang dila. Walang nagsasabi na mali 'yan. 'Di maganda. Magulo ang konsepto. Walang konsepto. Matabang. Boring. Walang dating. Hindi tuloy ako magkaroon ng pagkakataong mahubog ang aking talento (mayroon nga ba?) sa larangang ito. MAy mga pagkakataong gusto kong sumabak sa isang workshop upang makasalamuha ang mga taong may kaparehas na interes subalit laging kinakain ng takot ang aking pagtatangka. Pagtatawana ka lamang nila. Ang bulong ng tinig sa aking isipan.
Naririnig ko ang tibok ng aking puso. Bahala na. Andito na ito. Kung anu't anuman ang kalabasan, ang mahalaga sinubukan ko. Kung hindi talaga ako para rito, wala na akong magagawa.
Ngayon, sinong may mabuting puso ang hahawak sa aking mga kamay upang samahan ako at akayin dito sa Pusod ng KAgubatan? Hinihintay kita kaibigan, kung sino ka man.
Sure... contact mo? number?
malugod kong tinatanggap ang iyong paanyaya... matagal ko ng gustong magkaroon ng kaibigan na may parehas na hilig... kung gusto mo.. pwede mo ako itxt sa number ko 09193519880
CPMA
naalala ko lang ang one-act play na nanalo sa carlos palanca awards na pinamagatang sa pusod ng dagat din na di kalauna'y isinapelikula.
nabasa mo na ba yun?
hindi pa
hindi ko pa un nababasa.. maari mo ba akong bigyan ideya tungkol sa nasabing play?



hi! hindi ko masasabi
hi! hindi ko masasabi magaling akong manunulat, pero, aside from rom na paborito kung basahin ang mag posting nya dito at sa blogger, wala na akong kakilalang manunulat din. (although i cannot say if he is my friend,) at saka si dcarlos din pala, kaya kung mamarapatin mo, i can bve your friend and we can shre insights on writing, and how to be better writers...
http://child-raising.blogspot.com/
http://child-raising.blogspot.com/
angel (with real halo! he he he)