SA TINGIN NYO?
I'm not a vocal person.. most of the time lahat ng saloobin at paghikbi ko tanging papel at ballpen lng ang nakakaalam at nakaririnig.
Noon pa man ninais ko na ang magsulat ng magsulat..
Sabi nga ni mama puede daw akong writer.. kasi noong liham pa lamang ang daan para makausap ang papa sa ibang bansa.. ang dami ko ng naisusulat..
Naging libangan ko rin ang paglikha ng mga tula...
Nangarap ako na sana minsan may makabasa din ng mga likha ko..
At kahit papaano'y may makapansin at makilala sa larangan ng pagsusulat.
Noong nasa sekondarya ako.. sumubok akong ipakita ang mga tulang nagawa ko...
Umaasa na sana kahit isa man lang sa mga yaon maisama sa buwanang peryodiko sa aming paaralan...
Napapangiti ang guro ko habang binabasa ang mga likha ko..
Nagustuhan nya kaya? ang tanong ko..
Marahil nga'y hindi...!!!
Sapagka't natapos ang apat na taon ko sa paaralang yaon..
Ngunit kahit isa'y walang nakakita sa mga tula ko.
Maraming mga tanong sa isipan ko...
Mali kaya ang mga katagang ginamit ko?
Muli akong sumubok at nagbakasakali nung magkolehiyo ako.
Matagal...
Ngunit sa wakas! isa sa mga tula ko nai-published din...
Marami ang natuwa, Marami ang nagtanong...
Para ba kanino ang tula mo?
Tanging ngiti lang din ang itinuran ko...
Ngunit hanggang ngayon may agam-agam pa rin
At tanong ang isipan ko..
'Di ba maganda ang mga tula ko?
hi
Hi daimustlive! thanks for brighten up my day.. 
Tama ka nga... as long as enjoy ako magsulat at naipapahayag ko ang saloobin ko.. go!go! go! 
'Di ka naman corny... aus nga po eh... thanks sa comment ha and for your sincerity... naappreaciate ko tlga!!
no prob. sabi ko nga sayo
no prob. sabi ko nga sayo diba, i had the same sentiment. ^_^
this filipinowriter site is good for you. i'm looking forward to seeing more of your writings.
goodluck buddy!
:)
Oo nga eh... kaya nga nung makita ko ang filipinowriter site.. sobrang excited ako... 
Not only for the sake na makapagsulat... kung di para may matutunan din sa ibang writer at makakilala ng mga bagong kaibigan...
I'm glad to know you daimustlive! 
thanks again!
Makikidaan lang... mahilig
Makikidaan lang... mahilig ka ba sa dagat? nakita ko sa pic mo nakatayo ka malapit sa dagat... alam mo hilig ko ang tumambay sa dagat dati... tahimik kasi at payapa... masaya ako kapag nakakakita ako ng dagat....
'di masyado....
Hi jonsdmur!!! ang totoo takot ako sa dagat.... hehehehehe
Natatakot kasi ako sa ingay ng alon nito...
Pero masarap mag-isip sa tabing dagat... tama ka payapa at tahimik...
haaayyyy...
Ganun ba? kala ko di ka
Ganun ba? kala ko di ka takot sa dagat.... ako takot lang kasi di ako marunong lumangoy heheheh pero kung pagmamasdan ko ang dagat masaya ako... pangarap kong gumawa ng nobela kung saan isusulat ko sa tabi ng dagat.... payapa kasi isip ko kapag nasa dagat....
Same here jon! di rin kasi
Same here jon! di rin kasi me marunong lumangoy...hahahaha
Nobela? pa-join ako.... hihihihi
Pero siguro di muna ngayon.. marami pa akong dapat matutunan... heheheehe
makikidaan din
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
"nagsisimulang maging maganda ang tula
kung ang unang magmamahal dito ay ang may-akda"
hello aireen,
ang masasabi ko lang, may sariling hininga ang musa, hayaan mo silang huminga, at araw-araw sabihin mo, sumusulat ako para marinig ang kanilang paghinga, at maipadama ang init nito sa iba..
mas mainam din na minsan sa pagpili ng salita, sumangguni muna sa mga aklat, nakakadagdag din ito sa pagasasanay. wag mong bitiwan ang tula, lalabas iyan, kapag hinahanap mo.
dati ako din eh, sabi ko tagtuyot kasi di ako makagawa ng tula, at na-ookray ng husto ang gawa ko, kesyo ganito at ganyan, pero mainam iyon para lalo pang galingan di bah...
tama si jon, kahit hindi sa may pampang(ngunit sa akin mas marami akong nagagawa sa tabi ng dagat) basta dun sa lugar na nagpapatibok ng puso mo.
maganda ang tulang hinabi ng puso...
maniwala ka sa mga akda mo.....
Salamat talulot... Tama ka
Salamat talulot...
Tama ka minsan nga tagtuyot... sapagka't di ka makagawa ng mga tula o kahit ano pa man...
Salamat sa ideya na sumangguni din muna sa libro...makatutulong nga ito.
Gandang umaga aireen... son
Gandang umaga aireen... son mo ba ung nasa pic... alam mo gusto ko ung pic nyo... maganda ang pagkakakuha...
Have a nice day!
good mornin' jonsdmur! Anak
good mornin' jonsdmur! 
Anak ko nga ang nasa larawan..
Kuha namin yan noong nagbakasyon kmi nung isang taon sa boracay..
salamat at naibigan mo ang larawan.. 






hi aireen! i had the same
hi aireen! i had the same sentiment. sa tingin ko, sa dami nang manunulat ngayon, talagang di na madali ang mapansin. minsan, mas maganda rin na hindi lang ang magkaroon ng pagkakataon na mabasa ng iba ang isaalang-alang mo, kundi pati na rin ang kagustuhan mo lang na magsulat. para sa sarili mo lang.
maging payak lang sa adhikain na magsulat at maipahayag ang sarili, dahil walang kasiguraduhan kung may mapapala mula sa iba.
enjoy mo lang. sa tingin ko, di naman dapat na mabahala kung walang bumabasa ng sinulat mo, ang mahalaga, mayroong milyong ideya na patuloy na dumadaloy mula sayo. darating din ang panahon, mayroon ding ideya na magugustuhan ng iba. manalig ka lang.
hehe, sorry kung corny ako, sincere naman. ^_^