sa totoo lang
Submitted by auau on September 3, 2010 - 9:55am.
Filipino | Poetry | tula sa overpass ng isang walang kaholding hands
kahit na tumatawid sa overpass
umuulan, madulas ang hagdan,
at nakikita ang mga magkapares
nakaalalay sa isa't isa...
sa totoo lang,
kaya naman na magpanggap
na hindi pag-asam
ng iyong presensya
ang nararamdaman.
na hindi,
'sana, sana andito ka
nakaalalay, para di ako madulas
habang umuulan,
habang tumatawid sa overpass
sa gitna ng sampu, sandaang
magkahawak-kamay,
magkaalalay...
habang ang tanging nakadikit sa palad ko
hawakan ng payong.
payong. panlaban sa basa
ngunit hindi sa lamig...
at lalong hindi sa pag-iisa.
-auau
-also posted in
» login to post comments | 255 reads


