Saan ako tatakbo?
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kunting kirot sa aking puso. Hudyat na ba ito ng aking pagsuko sa hamon na isinulong ng sarili kong desisyon kung saan hindi ko iyon pinag-isipan ng mabuti? Kailan ba ako nagdesisyon ng tama? Lagi ko na lang sinasabi sa aking sarili na dapat akong maging masaya. Sa lahat ng ginagawa ko, dapat maging masaya lang ako. Pero bakit sa tuwing nagiging masaya ako pakiramdam ko may mali sa akin at sa nangyayari sa akin. Nang pinapakita ko ang ngiti ko sa ibang paraan, naitatanong ko sa aking sarili kong totoo ba itong mga ngiting pinapakita ko sa harap ng ibang tao at mismo sa akin na rin. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Wala akong mapaglabasan ng hihinakit ng aking puso. Wala akong mapaglabasan ng inis at kung anumang bagay na nararamdam ko. Asar ako! Bakit ba ako nagkakaganito! Natatakot ako ngayon kasi baka mabigo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Nahihiya na akong lumapit sa Kanya sapagkat lagi ko naman Siyang binibigo.
Isa pang kinakatakutan ko ay kung may nakakaintindi ba sa akin. Meron ba? May nangahas bang intindihin ako? Ewan ko! Minsan iniisip ko na sana lamunin ako ng kadiliman. Lamunin ako hanggang wala akong naririnig kung anu-anong bagay na nagpapasakit sa utak ko. Lahat ng bagay kaya kong gawin through multi-tasking pero pagdating ng decision making… nahihirapan ako ng husto. Kung pwede lang isumbat ang utak na meron ako ginawa ko na kanina pa.Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko. Kung ano ang gustong sabihin ng utak ko. Subalit napapaurong na lang ako bigla. Waring nalalaman na kahit sabihin ko pa… magiging malabo pa rin. Bawat tao may mga kanya kanyang problema kayat bakit ko pa dadagdagan.
Gusto kong sumigaw. Pagkatapos… umiyak ng umiyak. Hindi sa harap ng tao kundi mismo sa aking sarili at yun ang pinakamasakit sa lahat. Walang taong na pagagaanin ang loob mo ngunit tulad ng sinabi ko kanina kahit umiyak ka man sa harapan nila… ang tanong… maiintindihan ba nila ang kahulugan ng bawat patak ng iyong luha? Kayat mabuti pa sigurong iiyak ko na lang sa aking sarili. Sa paraan na iyon, baka gumaan ang kalooban ko. Sana nga.


