SAAN BA NAGMULA ANG PANiTiKAN :) SiR ViLLANUEVA michie de dios pu to :D nde lang halata haha
ayon sa aking nabasa , pinamagatang " Saan ba nagmuLa ang PANiTiKAN" ni VirgiLio S. Almario ay pangunahing makata, kritiko, tagasalin, editor, guro at tagapamahalang pangkultura ng Filipinas. Itinampok siya sa Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura noong 2004, at ngayon ay maibabangga sa pangunang hanay ng magagaling na makata sa ibang bansa.
Lumikha ng daluyong si Almario bilang makatang Rio Alma na nagpasimuno ng ikaapat na agos ng modernismo sa panulaang Filipino, pagkaraan ni Francisco Balagtas; nina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Reyes Regalado, at Benigno Ramos; at nina Alejandro G. Abadilla at Ildefonso Santos. Samantala, ang kritikong Almario ay lumikha naman ng matalim na panunuri sa mga makabagong tula at itinaas ang antas ng kritika at diskurso ng panulaang Filipino. Bumuo rin ang nasabing kritiko ng sariling teorya at pagdulog sa panulaang Filipino, na tinagurian niyang "Bagong Formalismong Filipino." May ilan naman na nagpatotoo na isang bagong konsepto lamang ang "panitikan" sa ating kasaysayan. Noon pa man ang "panitikan" daw ay isa lamang salitang likha. Mula ito sa ugat na "titik" o mas nangangahulugan lamang ng pagsulat.Nagsimula na rin gamitin ang "titik" katumbas ng "letra" sa alpabeto.Laganap na rin ang paggamit ng "panitikan" bilang pamalit sa salitang ginagamit na "literatura" mula sa Espanyol. Hindi ko masasabing mahalaga ang panitkan para sa mga ilang tao sa mundo. Marami sa atin ay hindi alam kung ano nga ba ang ibig sabihin at importansya ng panitikan. Ayon din sa aking nabasa mas pinalawak pa ni G. Almario ang panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay diin at importansya sa panitikan. Ang panitikan ay lagi natin ginagamit , araw-araw, minuminuto, at bawat segundo ng ating buhay. Tama diba ? Pero ang karamihan sa atin hindi nila alam ang kahulugan nito kahit araw araw ginagamit ang panitikan sa ating buhay :D

