Salamat Noreine…Paalam…
Alam nating lahat na maliban sa ating mga registered members ng filipinowriter.com, daan-daang mambabasa pa ang naliligaw sa site na ito. Mahigit isang taon na rin akong naglalagi sa site na ito at marami na rin akong nakasalamuha dito. Tuwing makakatanggap ako ng emails mula sa mga guest readers, hindi ko maintindihan ang dapat maramdaman. Natutuwang-nahihiya ako. Ngunit wala na atang mas tatapat pa sa naramdaman ko nang makilala ko si Noreine at ang asawa nitong si Arvin…
Sa araw-araw kong pagdaan sa vigil room ng San Sebastian Cathedral bago pumasok sa trabaho, madalas kong nakakasabayan ang isang babaeng naka-wheel chair at ang binatang kasama nito. Sa tantiya ko, nasa twenties pa ang edad ng dalawa. Minsan, sa kalagitnaan ng pagdadrama ko dahil sa isang problema, nilapitan ako ng babaeng naka-wheel chair. Inusisa ako ng kung anu-ano hanggang sa tanungin niya ako kung mahilig akong magbasa. Tumango lang ako. Nagkwento siya ng mga librong nabasa niya at pagkatapos noon, ini-recommend niya sa akin na bisitahin ang isang site, ang filipinowriter.com. Itinikom ko muna ang madaldal kong bibig nang mabanggit niya ang site. Buong puso niyang ibinibida ang mga paboritong niyang akda at writers ng site na ito. Na-inspire siya ng todo sa mga tula nina Ruth Mostrales, Pauline Hernandez at Pmel, na-inspire sa mga kwento nina Dyeppri, Spikewest, Rom26factolerin at Noel Barcelona. Naaliw sa mga akda nina Patrickman, Love, Adlesirc, Jonsdmur, Talulot at Eloisa. At ang hindi ko kinaya…noong sinabi niyang binasa niya lahat ng nobela ko at mga kwento ko. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa mga sinabi niya. Inulan niya ng papuri ang filipinowriter. At dahil parte ako ng site, lubos akong nagalak sa mga feedback mula sa kanya.
Noong mga sandaling iyon ay binalak kong ilihim na isa ako sa mga natukoy niya. Daig ko pa ang nanalo sa lotto habang naririnig sa kanya kung gaano napasaya ng mga manunulat ng site na ito ang isang paralisadong tulad niya. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit patuloy akong nagsusulat. Gusto kong magpasaya ng iba.
Lubos ko na sanang mailihim ang katotohanan nang manghiram sa akin ng ballpen ang kasama niyang binata na si Arvin. Pagbunot ko ng ballpen sa bag, sumabit ang id holder ng company id ko. Ayan tuloy nabisto ako! Ngiti lang at abot langit na pasasalamat ang tanging naibalik ko sa kanila. Iyon ang unang encounter ko sa isang guest reader ng site.
Ngunit pagkalipas ng ilang linggo, tanging si Arvin na lang ang naabutan ko sa vigil room. At noong huling linggo ng Nobyembre, natanggap ko mula kay Arvin ang isang nakakalungkot na balita. Pumanaw na ang pinakamamahal niyang asawa dahil sa Chronic Aortic Dissection. Nanlumo ako habang ikinukwento ni Arvin ang nangyari. Muntik pa akong mapaiyak nang sabihin ni Arvin na ang huli palang hiling ni Noreine bago mamatay eh sana makita niya ng personal ang iba pang manunulat ng site na ito. Ngunit hindi na ito natupad pa.
Kaya bilang pasasalamat at pamamaalam kay Noreine, tinanggap ko ang hamon na isulat ang kwento nilang mag-asawa sa tulong ng aking one and only writer partner na si Eloi. Bago matapos ang taon na ito, ihahabol namin ang isang madramang kwento ng isang babaeng may sakit at isang gagong lalaki. Doon ipapakita kung paano nabago ng pagmamahal ang buhay ng isang taong nag-iisip na wala na siyang pag-asa sa mundo.
Inyo po sanang abangan…. Sa Kanlungan ng Iyong Wedding Gown- A true story
| Attachment | Size |
|---|---|
| 6-Wedding-Gown.jpg | 30.22 KB |
tama ka ate
abangan mo iyong kwento nila... sobrang nakakaiyak talaga... pinipigilan ko ngang wag umiyak sa harap ni arvin habang nagkukwento siya. ang hirap kasi sa isang writer, napakataas ng emotion!
napakalaking challenge para sa akin ang pagsulat ng kwento nila.
Alam kong gusto nilang magpasalamat sa atin... at ganon din tayo sa kanya...
Grabe, nakakatouch naman yan
Nakakakatuwang isipin na talagang marami ang nagbabasa at napapadaan sa site na ito. Katibayan lang ito na napakaraming may dugong manunulat sa atin at talagang mga talentado ang mga Pilipino.
Marami na rin tayong napasaya, nabigyan ng inspirasyon, naimulat sa lipunang kinabibilangan natin at naturuang kung paano mailabas ang kanilang kakayahan. At si Norreine ay isang pagpapatunay nito.
Naway patuloy na lumago at yumabong pa ang samahan at site na ito. Mahikayat ang iba na magbasa at gumawa ng akda. At sanay magpatuloy ang magandang samahan ng mga mambabasa at mga manunulat dito.
At para sa iyo Norreine, alam kong nasa magandang lugar ka na ngayon kapiling ang ating Poong Maykapal. Tanggapin mo ang taos pusong pasasalamat at panalangin.
Salamat uli
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
dahil kay noreine
ipinaalala niya sa akin ang tunay na rason kung bakit sa kabila ng magulo kong sched ay nagsusulat pa rin ako... sayang at hindi na niya nahintay ang pagtatagpo-tagpo nating lahat. isasama ko dapat sila kapag nakipagtagpo kami sa iyo... lam mo kuya, sabi niya sa akin iyong mga kwento mo about relationship kay God ang nagpalakas ng loob niya na lumaban until the end...
araw-araw ko siyang pinagdarasal. pustahan pa, doon sa langit nagbabasa pa siya ng mga gawa natin... hangad ko rin na malagpasan ni Arvin ang nangyari... 2 weeks palang silang kasal nang mamatay si noreine.
Salamat Norraine
Hihintayin ko ang kwento ni Noraine....
Hindi ako makapaniwala na isa ako sa magugustuhan niya... akala ko nagbibiro ka lang.... At nilagay mo lang name ko hihihihihihi
Salamat sa iyo Noraine! Kung saan ka man naroroon alam kong masaya ka... God bless you always.....
Salamat sa pagbabasa mo ng mga akda ko...
Jonsdmur
salamat
hindi ko akalain na may napapasaya din pala tayo sa mga ginagawa natin dito. mas lalo tuloy na tumitindi ang hamon na mas pagbutihin pa natin ang mga gawa natin. patunay na nakaka apekto ang mga kilos natin sa mga mambabasa. salamat sa pagtitiwala Noraine, sana na meet ka namin. at sana mag meet na rin tayo lahat sa pagbubuo ng libro para lalo pa dumami ang maabot ng mga gawa natin lalo na yung mga wala naman kakayahang magkaroon ng computer.
salamat sa inyong lahat
check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com
kuya rom
iba talagang maglaro ang tadhana. iyon ang masasabi ko... di natin alam na nakakaapekto na pala ang mga sinulat natin sa iba... kagaya ng nangyari kay Noreine. Sigurado akong may mga iba pa diyan na guest readers na nag-eenjoy sa mga akda ng mga manunulat ng site na ito...
regarding sa book kuya, musta na po ba ang plano? May plan B na ba? basta sabihan nyo po ako kung may maitutulong po ako.
ingats po,
melay
Hi Melay
kung kakayanin sana maka attend lahat para makapag-usap kung ano ang magandang dapat gawin. kasi doon tayo mag appoint ng tatayong ad hoc committee para mamahala ang compilation book. tapos gugulong na iyon. start lang ang kailangan natin, kaya sana pagbigyan natin ng konting panahon maka attend sa umpisa tapos kontakan na lang sa cel or YM.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Hi!
I just wanted to drop by and express my gratitude. I wasn't aware of this reader ... would have been glad to know if I had the chance to speak with him/her. In any case, thanks.
Looking forward to that new story you've got up your sleeves! ;)
hello Pmel
sometimes we touch someone's heart without knowing it... Sad to think that its late to find ways to meet Noreine...
let's just be thankful for being part of her life in simple way that we did.
Hello Melay...
Ang totoo niyan Melay, na-touch ako sa sinulat mo... Hindi araw-araw na may mga ganitong pangyayari, lubhang mapalad ka dahil nakapiling mo siya nang kahit sandali lang bago siya tuluyang mawala. Mapalad ka at nakita mo ang ningning sa kaniyang mga mata habang kinukuwento kung paanong sa mga sinulat mo ay napasaya mo siya bagamat sa sandaling iyon ay alipin ang kaniyang lupang katawan ng karamdaman...
Ngayon ko lang ito nabasa at napagtanto ko na marami rin palang tagasubaybay ang FW... maging ang simpleng pag-post ng mga akda o tula ay isang malaking responsibilidad.
More power sa yo Melay, at bagamat hindi na ako laging nakakadaan, sana maging successful ang mga plano mo patungkol sa iyong pagsusulat....
Salamat. Mabuhay ka. :)
Ruthie
Maki-comment na rin...
Tama, ang laki talaga ng naitutulong ng FW sa atin lalo na sa mga tips na binibigay ni Sir Noid on how to make a good story.
Honestly, ang laki talaga ng naitutulong sa aking pagsusulat ang site na ito lalo na sa tuwing may nagkokoment sa iyo, sa gawa mo na marami pang kulang at dapat baguhin at dapat e-improve
'Yon bang nalalaman mo ang mga point na dati hindi mo pa na-encountered. Kaya para sa akin, blessings talaga ang pagkakaroon ng ganitong site at salamat kay Sir Noid na naging daan tungo sa pinapangarap nating pag-unlad sa larangan ng pagsusulat.
Thank u din melai!
maraming salamat fhearl
sau ring mga akda may natututunan din ako... kust keep on writing na lang tayo para lalong mas maraming mapasaya sa mundo...
melay
hello ruthie
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Hi Fhearl... oo nga pansin ko laki talaga ng improvement mo... kakainggit ka naman... nabasa ko ung niyog.... mamaya komento ako...
jons
ruthie maraming salamat
sa totoo lang, mula nang makilala ko ang mag-asawa, lalo akong na-inspire at nachallenge sa pagsusulat... Iba yung feeling na maririnig mo sa ibang tao na, natuwa sila, nainspire, naantig, natawa, sa mga sinulat mo. Mas mabigat pa iyon kaysa sa sweldo mo buwan-buwan!
Iyon kasi ung pinaka-achievement na maipagmamalaki mo biloang isang writer. iyong tipong, "Bilang writer, may napasaya ako."
ilan lang ang mag-asawa sa readers natin... marami pa iyan... minsan nga nakakatanggap ako ng email, nagpapagawa ng kwento nila ng syota niya, o kaya iyong kwentong pampamilya nila... nakaka-flatter un at the same time, nahihiya ako....
maraming salamat at ingats ka palagi mare,
melay
Melay, ang babaeng pinanganak na may panulat na sa kamay
Hello mare!
Ingatz ka rin mare, at happy new year. nga pala, hindi naman sa NBSB ako, hehehe, pero marami tayong pagkakatulad sa mga bagay-bagay, trulily! Maiba ako, I truly hope na marami ka pang mapasaya sa pagsusulat mo!
To Fhearl and Jons, Hello rin sa inyo. Ganun din, sana lalo pa nating pagbutihin ang pagsusulat, hindi dahil maraming tagahanga kundi dahil ito ang buhay natin... (hmm, masyadong heavy) hehehe.
Ruthie
Nasaan ka?
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Morning Ruthie! Punta ka sa meeting? Malayo ka ba? Sayang kung hindi ka makakapunta walang maglilibre ng burger sa akin hahahahahah!
Schedule ng check-up ni Melay ngayon... tagal kasi gumaling sakit niya... saka namatayan uli sila.. after ng lolo niya... tita niya... sana okay na siya ngayon....
Godbless!
jons
Nandito lang Jons, pero...
Hindi ako makakapunta. Saturdays and Sundays are my busiest days eh. May commitment ako sa church (whole day) at bihirang malibre ako. Teka muna, dapat yata ikaw ang manlilibre ng burger sa akin, pumapayagpag ka dito eh!
To Melay: Mare, pagaling ka jan, at wag kang mag-alala, sa buhay ng tao, darating ang panahon na ang landas natin ay medyo magdilim. Pero hawak ka lang sa Kanya, dahil Siya ay tapat at tunay na gumagabay sa atin... (kanta na yun Mare...) Take care.
Ruthie
ano ginagawa mo sa church?
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Kumakanta ka sa simbahan or during mass? Sayang naman... di bale marami pa namang oras eh...
Godbless!

jons
Medyo...
Actually, nagtuturo ako ng Sunday School. Kumakanta rin, tsaka nagtuturo ng kanta sa mga kabataan. :)
Ruthie
parang Music Teacher ka?
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Wow! galing naman... sana sumasali ka sa mga singing contest.... sana kumanta ko uli... like Pmel... i-post mo uli ang golden voice mo....
Gusto ko uli marinig ang boses mo... Una kong narinig ang boses mo sa kanta ni Pmel....
Aabangan ko yan...
Alam mo noong nag-aaral ako hate ko ang music subject..... hehehehe
jons
Salamat Musika...
Sabihin na nating parang all-rounder ako, kung saan kelangan, dun sumusulpot, hehe. Minsan tagalinis din, tagabuhat ng upuan, haha. Sumali ako nun, second lang, kumanta ako ng kundiman, heheheheheh.... Minsan naman sumali ako sa church, yung first time, pumiyok ako pero nanalo pa rin (grabe kakahiya). Hmm ewan ko lang ngayon kung mapagbibigyan kita, nasira yung mic ko e, sumuko, hahaha.
Hate ko rin ang music na subject, at mahina ako sa pagbasa ng notes, kaya nakikinig na lang. Pero love ko talaga ang music per se, especially singing for God.
Sige Jons, salamat. Take care always and God bless you. Ikamusta mo na lang ako sa mga pipol na kasama sa the crow quill meeting, okei? Ciao.
Ruthie
hi Ruth kahit di ka
hi Ruth kahit di ka makakapunta asahan ko mga gawa mo ha. di kumpleto kapag wala ang mga gawa mo.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Tama!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Kung sa shobiz... isa ka na sa mga superstar na hindi dapat mawala... Kaya ihanda na ang mga obra....
Goodluck sa duty sa church.... Ingat u lagi Ruthie
jons
Hmmm... :)
Kaw talaga Jons, wag ganyan baka may maniwala. Pero magpapasa ako ng gawa ko, at kung patok sa ating editor eh di go, diba? Thanks.
Godbless you bro. At yup, sana nga maging maganda ang presentation ng mga bata sa Sunday. :)
Ruthie
talagang idol na kita
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
hindi lang sa pagiging writer kundi sa pagiging singer mo... Ang swerte ng mga bata at ikaw ang nagtuturo sa kanila... Bravo talaga!
Bakit kaya di kayo mag-concert ni Talulot....? Ako ang unang matutuwa....
jons
Wala ka bang blog na kung saan maririnig ang mga kanta mo?
Habol ko lang.. pa out na ako... hindi ako nambobola ha... talagang taga hanga ako ng mga writer at singer.. para kasing multi talented.... kaya idol na idol kita.... kung artista ka lang.. bubuo ako ng fans club.....ihihihihih
Gards din kay talulot
blog? hayaan mo Jons, darating tayo jan...
yung kapatid ko kasing nasa baguio, may maganda siyang program para jan, ako sound recorder lang ang ginagamit (olats diba?). pag nagkataon at nagkaroon ng concert, ako na lang ang baback-up kay Talulot. medyo harmony kasi ang linya ko (or enjoy kong part).
Ruthie
Bye Jons...
Wala ka nang inatupag kundi mang-encourage ng tao. Hehehe... Glory belongs to Him... Ingat ka.
Ruthie
Kakahiya sa yo Kuya Rom...
...dito mo pa nalaman. Ite-text sana kita kanina, pero eto na nga, hindi ako makakadalo. Pasensiya na. Di bale, asahan mong magpapasa ako. Salamat po.
Ruthie
sus naman wala ka dapat
sus naman wala ka dapat ikahiya, tsaka di naman obligasyon ito Jamming nga lang e, anyway babalitaan kita update ko kayong lahat na di makakadalo. palagay ko simula ito ng pagkakaroon ng healthy community ng mga writers kahit sa site lang na ito. sana may manggaling sa site na ito na sisikat at magiging proud tayo na minsan nakasama natin siya, kung sino man yun.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Sige po Kuya...
Ayos na ayos, agree ako jan. Salamat Kuya. Iba ka. :)
Ruthie
wow, special mention!
hehe, ngayon ko lang nakita itong article na ito... nalabas na ba yung story na yun?
I'd love to turn you on...
oo napost ko na
check mo na lang po, Sa Kanlungan ng Iyong Wedding Gown 1 & 2
Ingatski
melay
hehe, sowee...
andami ko nang na-miss dito sa FW... um... meron ka bang link/url nung kwento mo? ang hirap maghanap e, hehe... thanks! Ü
I'd love to turn you on...
eto po kuya
http://www.filipinowriter.com/sa-kanlungan-ng-iyong-wedding-gown-part-i
http://www.filipinowriter.com/sa-kanlungan-ng-iyong-wedding-gown-part-2
mejo hindi lang pulido ang pagkakasulat ko ng kwento...
maraming salamat po.
melay
salamat po, ate...
yan, thanks! basahin ko sila tomorrow. salamat!
pakibasa rin po ang aking bagong gawa: IMK#20
I'd love to turn you on...









isang inspirasyon
tunay na inspirasyon ang tulad ni Noreine sa atin, lalo na sa akin na baguhan pa lamang. Nakapagpapagaan ng loob ang malamang naging bahagi tayo ng malayang kaisipan niya noon at kahit saglit ay nakapagdulot ng konting aliw sa kanya ang site na ito.
salamat Noreine sa inspirasyon.
isang panalangin ang nais kong ialay para sa kanyang naiwang pamilya.
God bless melay. ty sa post na ito.