SALAMAT ( Sa mga teacher ko sa High School )
Salamat sa iyo
sa iyong pagturo,
sa mga bagay-bagay
dito sa mundo.
Isa kang halimbawa
ng bayaning moderno,
tumutulong sa kapwa
na walang hinihingi na kung ano.
Isa kang tulay ng isipan
ng mga batang walang alam,
puso mo'y nakalaan
para sa kanilang kinabukasan.
Heto ka't nagtuturo
kahit kanino,
talo mo pa
ang isang kandidato.
Ikaw ang nagbigay
ng liwanag sa buhay,
sa mga batang walang malay
ikaw ang naging gabay.
Tunay ka kung magturo
minsan nga'y nakikipaglaro,
sa mga bata'y mapagbiro
kahit luha mo ay tumutulo.
Tingnan mo kami guro
taas noo kahit kanino,
iyan ay dahil
sa pagtuturo mo.
Hindi ka maikukumpara
di maaalis sa ala-ala,
dahil ikaw ang dahilan
kaya kami nagkaroon ng pag-asa.
Tunay kang dakila
tunay kang makata,
tunay ka kung magmahal
sa iyong kapwa.
Kaya sana'y makita mo
at marinig ang tula kong ito,
Pagkat alay ko lamang ito
sa isang katulad mo.
Sana'y marami pa
ang iyung mapasaya,
kahit kapalit nito, ay luha
sa paglisan nila.
Kaya aking guro
sana'y maging masaya ka,
kahit na minsan
ay nahihirapan na.
Huwag niyo sanang ipagkait
ang natutunan niyo ina't ama,
bagkus ay ituro
ito sa darating pang mga bata.
salamat
salamat po sa comment..ako rin po ay naalala ko rin yung mga guro ko noon pati na yung guro ko sa highschool sa 4th year kung di dahil sa kanya may teacher na sanang napaalis sa school namin dahil sa akin... kaya laking pasasalaamt ko dahil ginawa niya ang lahat na di ako mapagsambihan ng sipsip ng ibang guro at hambog.... pero kung tutuusin karapatan ko rin ang gumawa ng ganun dahil bawal naman talaga ang mga pinanggagawa niya..
kay na inspired ako dahil sa teacher ko na ito.... kay maam estanda! thank you po..
Thank you po kuya jons
mark,


Naalala ko ang aking
Naalala ko ang aking paboritong guro noon.. kay sarap i-alay sa kanya ang tulang ito....
Salamat sa iyong tula...
Jonsdmur