sampu_sampera
Sampu sampera, ilan na lamang ba
ang laman ng aking bulsa?
Punyeta! Syete na lang pala!
Sakto lang para sa isang byaheng pauwi...
Pero paano na ang pangalawa?
Pesteng buhay 'to,
ganito na lamang ba ng ganito.
Kelan babangon tayong mga
uring Obrero?
Kung ang syete sa bulsa ay
mawalan na ng halaga?...
O kung tayo mismo,
bilang tao
Mawalan ng kwenta?
....Huwad_na_Makata
ahm..
tnx po at nagustuhan nyo...
nung sat night ko po yun naisip, habang nakikipag-inuman sa officemates ko... then pinost ko po sunday na yata..hehehe, may hang-over pa po yata aq nun eh..
...Huwad_na_Makata
!
Simple pero astig!
Sumasalamin sa mga problemang kinakaharap ngayon ng masa:
- kahirapan -
- kaliit ng sweldo ng proles
- pagtaas ng produktong petrolyo
- hindi pagbibigay ng malaking importansya sa nagtatrabahong masa
tama po kau jan... daan taon
tama po kau jan...
daan taon ng pinagsasamantalahan ang uring proletaryado...
bata pa po ako, naririnig ko na ito...
lumaki po ako malapit sa mendiola..malapit sa Malacañang...
nasaksihan ko ang Mendiola Massacre (6 yrs.old na ako noon)...at kahit noong nag-aaral na ako, nakita ko ang pagmamalupit ng Uri na nailuluklok sa estado laban sa mga ka-uri ko..
kailan kaya tayo makakabangon sa kinasadlakan natin ngayon?
kailan natin mapagtatagumpayan ang labanan ng makauring interes?
kailan?...mahirap sagutin ito ng iisa lang...
salamat po sa pagbasa ng aking tula...
...Huwad_na_Makata
wow.... ang galing
wow
.... ang galing ha....
pardeda lasing ka pa ng gawin mo yan..
hehehee...
keep on writing... para marami pa akong mabasa hehehe yon lang ang kaya kung gawin ei.... wala akong talent sa pagsusulat
ngat....
okay ah!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Galing ng tula mo... Okay ang nilalaman ng tula.
Salamat sa pagbahagi!
jons
ayos!
simple pero may dating...
galing!
Ingatski,
Melay
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.






nice!
ang galing!
:D
I'd love to turn you on...
Videoke the Radio Star