Sampung Taong Gulang

d-younker's picture

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

            Mumunting patak ng ulan ang gumising sa aking pagkakatulog. Isang kalawang na lang ang pipirma at tiyak na babagsak na ang bubungan ng aming tahanan. Galit na hinahampas ng hangin ang gula-gulanit na pader.

            Lumalakas ang paghagulgol ng kalangitan. Nangangaligkig na ang payat kong katawan sa ginaw. Hindi sapat ang init na nagmumula sa manipis kong kasuotan –tanda ng kalumaan-.

            “Anak…”, ani Inay. Pinukaw ng kanyang salita ang lumilipad kong diwa. “…giniginaw ko. Pahingi ng kumot”. Nakalimutan yata ng aking ina na wala kaming kumot. Tinupok ng apoy ang lahat ng gamit namin noong nakaraang buwan. Iniyakap ko na lang ang yayat kong braso sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung sapat ng balabal ang nanginginig ko ding katawan.

            Maputlang-maputla na ang magandang mukha ni Inay. “’nay, ibibili ko ho kayo ng pagkain. May bente pesos pa akong natira mula sa nalimos ko kahapon”. Naiiyak kong sabi. “’wag na anak. Hindi pa naman ako nagugutom. Pahingi na lang ng isang basong tubig. Mas gusto kong matulog na lang.” Ang mahaba niyang lintanya sa pagitan ng matinding pag-ubo.

            Ilang taon na simula ng magkasakit si Inay. Hindi ko alam ang tunay niyang karamdaman. Ayaw niyang magpatingin sa manggagamot.

            Hindi ko kilala ang aking ama. Biktima ang aking ina. Biktima ng isang mayamang grupo na hayok sa laman.

            Ako si Myla at ito ang aming buhay. Nalulunod sa kahirapan. Sinasakal ng problema. Ang mga lalaking lumapastangan sa aking ina ay nasa mataas na dako ng lipunan. Hawak ang batas. Yakap ang kayamanan at kapangyarihan.

            Pagkainom ng tubig, hinayaan ko si Inay na ipikit ang pagod niyang mga mata. Ilang sandali pa at tuluyan na siyang nahimbing. Sumabay na ako sa pagdadalamhati ng kalangitan.

            Ako si Myla. Sampung taong gulang. Nag-iisa sa lipunang pinamumugaran ng mga buwitre.


jonsdmur's picture

nakaka sad naman

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

maikli pero buo ang kwento... 

sa pagkakaalam ko... kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay... humihingi ng tubig...

salamat sa pagbahagi.....

school writer ka pala sa school ninyo.... Goodluck!

jonsdmur

d-younker's picture

salamat

salamat sa komento.

sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na nahingi pala ng tubig ang isang tao 'pag malapit ng mamatay. hehe.