"San ako Nagkamali"
San nga ba talaga ako nagkamali???yan ang madalas kong itanong lalo na tuwing ako'y nag-iisa....
Isa lang akong ordinaryong tao,,,nabubuhay ng simple at payak....Namulat sa totoong karalitaan ng buhay..
Musmos pa lang ako ngunit kay layo ng nilalakbay ng aking isip...Mga pangarap na gusto kung maabot, Kayamanang gusto kong makamtan at higit sa lahat ang pag-ibig. Isang batang ni hindi inisip ang maglaro....
Batang sa murang edad ay natutong maghangad ng mataas...Minsan tinanong ko ang aking sarili "bakit kailangan kong maghirap"?samantalang and iba'y nagpapakasasa sa kanilang yaman,ang iba'y kayang bilhin ang kanilang kapwa...ito nga ba talaga ang totoong mundo?mundong walang pag-kakapantay-pantay?
At ako na din mismo and sumagot sa aking murang katanungan... Sa mundo pa lang ito, Kapag pinanganak kang mahirap lalaki ka ding mahirap...
Magbabago lang ang kapalaran mo kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan...
Sinikap kong mag-aral kahit sa twina'y ni hindi ko kayang unawain ang mga aralin...Dahil alam kong ginagawa ng aking mga magulang ang lahat ng paraan para magkaroon ako ng magandang kinabukasan... Salat man kami sa yaman ngunit punong puno naman kami ng pagmamahal
Ngunit hindi pala sa lahat ng panahon magiging masaya at makulay ang pagsasamahan ng isang pamilya..Dumadating ang isang unos at pag hindi mo ito na lagpasan hindi mo na ulit kayang ibalik ang naganap....
Nagka-hiwalay ang aking mga magulang sampung taon lamang ako noon ngunit batid ko na ang dahilang ng kanilang pag-hihiwalay...Nagtaksil ang aking ina,,
Gusto kong magalit ngunit alam kung hindi nila ako kayang unawain...Naawa ako sa aking ama,, walang araw na hindi nya magawang pigilin ang pagtangis...
Gusto ko man syang aluin ngunit alam kong wala pa ako sa tamang edad para gawin yaon...dahil alam kong batid nyang hindi ko sya kayang unawain..
Lumipas ang panahon, nakatagpo rin ng panibagong mamahalin ang aking ama.Nalulungkot ako dahil may kaagaw na ako sa atensyon nya...Pero sa kabilang banda masaya na din ako dahil muling nagbalik ang kasiyahan sa kanyang mga mata..
Salamat sa isang taong muling nagbigay ng panibagong buhay sa aking pinakamamahal na ama....Umasa akong magiging katulad ng buhay namin noon ang buhay namin ngayon..
Ngunit umasa ako sa isang imposibleng bagay..Hindi kami nagkasundo ng aking pangalawang ina malimit nya akong saktan...Dun ko natutunang maging suwail...Ngunit alam kong sa huli sya pa din ang mag-wawagi.
Pinilit kong mag-pakabuti at sundin ang lahat ng inuutos nya..Nag-aral ako ng mabuti dahil alam kong walang patutunguhan ang pagrerebelde ko...
Dumating ang araw ng aking pagtatapos kung gaano ako kasaya ng araw na yun ay napalitan ng sobrang kalungkutan.....Nuon ko nalaman na isa lang pala akong ampon....Paulit-ulit ko pang naririnig sa munti kong isip ang tinig na nagpapahiwatig na akoy isang ampon...
Ngunit kaydali pa lang tanggapin ang bagay na yun...Dala na rin marahil ng aking kamusmusan..
Lumipas ang maraming taon,,, Natuto akong umibig, masaktan at makagawa ng isang kasalanan...isang kasalanang di ko lubos ma-isip kung paano ko nagawa... Oo maaga akong namulat sa mundo ng kamunduhan...Malinaw na pagkakasala ang aking ginawa at hindi ko alam kung ano ang magiging kapalit nang aking pagkakamali...
Ibat-ibang lalaki ang ngpasasa sa aking katawan...hinayaan kong marungisan ng kahit na sino ang aking kaluluwa....Nagawa ko yun ng walang pag-aalinlangan...Nagawa ko dahil sa ibig kong mag-higanti...Ibig kong patunayan na kaya kong kumuha ng maraming ka-uri ni Adan sa isang kumpas lang ng aking kamay...Magsisi man ako ng ilang libong beses.. hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan.
Humingi ako ng isa pang pagkakataon sa Maykapal...Humingi ako ng kapatawaran...Alam kong Sya lamang ang makakapagpatawad sa akin...Pinilit kong magbagong buhay, lumayo sa at magpakabuti...
Tunay ngang napakabuti ng Panginoon,,,Hinirang nya ako ngayon bilang tagapaglingkod Niya..
Saan nga ba talaga ako nagkamali????Napatunayan kong gaano man kalaki ang nagawang pagkakamali ng isang tao kayang kaya syang patawarin ng Panginoon.. Ngunit hindi ito nangangahulugang kailangan nating ulit-ulitin ang magkamali dahil lahat ng ating mga kasalanan ay may katumbas na kaparusahan...
hanggang sa muli
dimples_whayne
thanks
base on a true stories...salamat sa comments...


hello po...
para akong nakinig sa El Shadai tuwing linggo...ang pagpapatotoo..
tuloy mo lang po ang pagbabago at para sa'yo din 'yan.tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."