sana bukas ay may Happy Meal ako...(Mc Donalds)
i. Agahan
Tila nagkukulang na ang tamis
sa kapeng hain o masakit lamang talaga
ang lalamunan ko sa maghapong pagsasalita.
Hindi ko na maisawsaw sa nabasag na pula
ng itlog ang matigas na pandesal (malamang
na wala ang konsentrasyon).
Hindi rin mabasa ng mata ang babasahing
peryodiko kahit kanina pa tinititigan ito.
ii. Tanghalian
Ilang oras ko na ring napakuluan ngunit matigas
pa rin ang karne mula sa nilagang baka na
may kasamang luha mula sa sibuyas na nahiwa.
Hayaan ng mabasa ng sabaw ang
tutong na bahaw mula sa kaning hindi nagalaw
kahapon ng sandaling tumakas ako.
Sa tulong ng malamig na pepsi na siyang
magtutulak sa nabarahang lalamunan, salamat.
iii. Hapunan
Sapat na ang mainit na tsaa na aking hinanda
upang makatawid ang kumakalam na sikmura,
itutulog ko na lamang ang gutom---
at mangangarap na bukas ay may masarap
na hain sa hapag kainan.
*(nangangailangan pa ito ng mga rebisyon
)
dyeppri


