Sana, Hindi na Lang Kita Nakilala

twenty0ne's picture
| |

Sana,hindi na lang kita nakilala,
kung ang pinakamasakit na mararamdaman ng isang nilikha'y sayo ko makukuha.
. . .
Sana,hindi na lang kita nakilala,
kung ang dahilan ng mga pasakit at paghihirap mu ngayo'y ako ang may sala.
. . .
Sana,hindi na lang kita nakilala,
kung ang magagandang pangarap nating nabuo nuo'y mananatili na lang na magandang alaala.
. . .
Sana,hindi na lang kita nakilala,
kung ang kapalit ng saglit na ligaya'y habambuhay na pagbabayaran ng hinagpis at luha.
.
.
.
Pero sa kabilang banda...
.
.
.
.
.
Kung hindi kita nakilala,
hindi ako nagkaron ng pag-asa nung mga oras na ang mundo ko'y halos gumuho na.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ako nagkaroon ng dahilang magmahal muli ng tapat sa kabila ng naranasang kabiguan.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ako nakadama ng kakaibang ligaya sa tuwing ibinubulong mong ''mahal na mahal kita''.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ko naranasan ang kakaibang saya ng pagsusuyuan pagkatapos ng tampuhan.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ako nagkaron ng kompiyansa sa sarili na gawin ang isang bagay na akala ko'y 'di ko kaya.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ko nalaman na ang magmahal ng sobra'y totoo palang nakasasama.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ko napagtanto na ang langit ay 'di pwedeng humalik sa lupa.
. . .
Kung hindi kita nakilala,
hindi ko ako nakagawa ng isang tulang tulad nito para ialay sayo melba.
. . .
At kung hindi kita nakilala,
hindi ko napatunayan sa sarili ko na walang pag-ibig na wagas na naghihintay sa dulo ng aklat ng isang tulad mong tala at sa isang tulad kong basura.

twenty0ne

twenty0ne's picture

Baguhan.

Baguhan lang po akung manunulat. Pakipuna na lang po kung anung mali sa sa aking gawa. Kagabi ko lang po eto ginawa. At ngayon ko lang inayos.
.
.
.
.
sex, drugs, and rock n roll,
speed, weeds, and birthcontrol.
life sh*ts and then you die.
so f*ck the world and lets get high!

Adlesirc's picture

aw

 this is very sentimental.

 

 

maganda ang mga salita. maramdamin. nagustuhan ko ito. =)

twenty0ne's picture

Kagabi ko lang to nabuo.

Kagabi ko lang to nabuo. Nung kasalukuyang kami ay nagtatalo. Nagtatalo sa isang bagay na kung tutuusiy isang biro. 8th m0nthsary sna nmen ngeun. Pakibati na lang ako kung ayaw nyung magkumento..
. . .
Maraming salamat sa mga naglaan ng oras para mbasa ang aking likha.

Adlesirc's picture

aw

the number "ei8ht"..

 

dati importante din yang number na yan sakin. dati.

 

sige, hapi mantsari na lang. =)

twenty0ne's picture

Lasing lang.

Salamat.
Pero bkit qh pla nsbing batiin nyu qh ng hapi m0nthsary kgv eh ala n pla qng kasintahan. Nagbreak kme ng gabi bago sana yang 8th m0nthsary yan.
Paumanhin kaibigan.
Lasing lang.

jonsdmur's picture

Titulo pa lang

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

masakit na...

pero sa taong nagpaiyak sa'yo minsan masasabi mo talaga ang mga katagang iyon... Bakit mo pa siya nakilala kung sasaktan ka lamang niya... Sana hindi na lang...

Ganyan talaga ang love.. may nasasaktan.... may lumiligaya...

Sana okay ka na...

Godbless!

jonsdmur

twenty0ne's picture

Salamat po

Salamat sa pampalubag lo0b kuya jonsdmur.
Pero d p q ok eh. Twing pipikit kc q,xa ang nkikita qh. Sna my magandang khantungan t0ng ntitira pang pgasang taglay qh.

Alexander Dagrit's picture

 Sino siya? Sino

 

Sino siya? Sino siya?

Sana sabihin mo, nang makilala rin namin.

.... May pulot ang tulang ito. Ganito ang mga gusto ko.

 

twenty0ne's picture

Hmm

Si melba.
Nabuo ko to nung isang gabing nagtalo kami at naghiwalay.
Finorward ko pa nga sa kanya to via text msg.
Dahil hindi siya mahilig sa mga ganito.Nagulat siya kung bakit ako nagawa agad ng ganito. Iniisip nya malamang na pinlano ko ang lahat. Haaizt!

Ngayon ok na kame ulet.Kahit minsan nagtatalo dahil sa mga di pagkakaintindihan. =b

franzsorilla's picture

hmm...

 nice pero yung iba maxadong cliche at napaka imposible nang mangyari pero kung yun talaga ang nais mong sabihin ok lang.... i don't think they're romantic kasi heehe.. nababaduyan ako pero ok lang... taos naman sa siguro sa puso mo ang gusto mong sabihin kaya ok na rin so far....

 

 

sino si melba???

 

<<FrAnZsOrIlLa>>

twenty0ne's picture

Panu

Panu b umibig na nde korni?
Jeje

franzsorilla's picture

sa bagay.. haha

 panu nga ba???

 

<<FrAnZsOrIlLa>>

Ailem23's picture

tulang may emosyon

talagang malalim ang pinagkuhanan ng emosyon... ramdam ko un sa bawat linya... ung gravity ng emosyon sa bawat linya..iba talaga pag ang sinulat ay mula sa puso.lalo na kapag ang nagmamay-ari ng puso ay bigo.

sadyang ganon lang talaga maglaro ang tadhana.... minsan akala mo siya na pero hindi pala...may away, may gulo...pero kung kayo, kayo talaga.

ang buttom line diyan ay...at least nagmahal ka... at alam mong marunong kang magmahal...

keep it up!

 

ingatski,

melay

Amos Tarana's picture

maganda ang iyong

maganda ang iyong tula,mayaman sa pagninilay, aral at pag-ibig. ngunit hindi nga ba't walang ni katiting na panghihinayang sa puso ng taong wagas kung umibig? Innocent

nagustuhan ko haha

nagustuhan ko haha

twenty0ne's picture

Salamat sa pagbabasa.

Salamat sa pagbabasa. Nasi2yahan ako't nagus2han nyu.

aligaga's picture

sentimental

mahusay ang galaw ng mga salita.mahusay. mahusay

 

 

 

metapora na lang siguro ang kulang.

keira's picture

  parang naririnig kita na

 

parang naririnig kita na nagsasalita habang sinasabi mo ang mga nakasulat sa taas. nararamdaman ko ang lungkot.

 

 

 

 

 

 

 

 

hit me like a ray of sun

kapag nasasaktan ang tao

kapag nasasaktan ang tao natututong lumikha ng tula, ipagpatuloy mo lang, masaya o malungkot ka

manhater.xxiv's picture

:)

I super understand.

 

http://forcedengineer.wordpress.com