Sana Naman
Kapag tayo ay binibiro nila
Ang pisngi mo ay namumula sa hiya
at ang puso ko ay lumulundag sa tuwa
dahil ang sabi nila ako at ikaw ay para sa isa't isa
Sana naman.... Sana naman
Di sila magsasawang magbiro
Dahil ako ay umaasa na ikaw at ako
Ay magiging tayo
Biro nila ay sana ay magtagal
Dahil umaasa ang puso ko
Na sana naman ang biro nila
Ay paraan para madevelop ka sa akin
Sana naman... Sana naman
Ako ay mapansin
At sana naman ay magkatotoo ang biro nila
Na ako at ikaw ay magiging tayo
Alam kong mahirap ang umasa
Pero sana naman sa biro nila
ay mapansin mo ako
Sana naman sa biro nila
Ma-develop ka sa akin
Kapag tayo ay binibiro nila
Ang pisngi mo ay namumula sa hiya
at ang puso ko ay lumulundag sa tuwa
dahil ang sabi nila ako at ikaw ay para sa isa't isa
Sa inyong lahat ‘wag na ‘wag titigil
Sa pagbibiro dahil ang puso kong ito
Ay umaasa na ang biro n'yo ang paraan
Para ako ay mapansin
Sana naman......
Sana naman......
Sa biro nila, ika'y madevelop
Sana naman....
Ako ay mapansin
Hindi ako bihasa sa
Hindi ako bihasa sa teknikalidad ng isang tula pero sa nilalaman nito masasabi kong maganda ang pinapahiwatig mo.
Isang love story ko ay nagsimula sa biruan noon... tuksuan ng mga kaklase namin.. sabi nila uy sweet sila... close sila.. mukhang bagay sila... sila na... mga ganyang biruan hanggang sa na develop ako sa kanya....
Mag-kaibigan kami hanggang ang biruan ng mga kaklase ay nagkaroon ng kilig sa aking puso... kapag binibiro kami.. nagagalit siya sa nagbibiro at medyo nahihiya siya pero ako gustong gusto ko... hihihihihihi
Magandang kanta ito kapag naayos ng mabuti.. pwede itong ihanay sa mga kanya ni Tootsie Guevarra.. mga ganung tono tulad ng mahal na mahal o pasulyap sulyap o kaba....
Salamat sa iyong nabahaging tula....
Keep on posting
Jonsdmur
buti po nagustuahn nyo ang
buti po nagustuahn nyo ang tula ko. ginawa ko to noong in love pa ako. para aksing di maganda ang pagkakasulat
salamat po
di rin ako expert sa tula
isa siyang free verse na prosa... iyon ay kung tama ako... naintindihan ko naman ang mensahe ng tula... siguro mas laruin mo pa iyong salita para mas maging klaro iyong emosyon ng tula... iyon lang masasabi ko...
hindi rin kasi ako expert sa tula....
ingatski,
melay
salamat
salamat po... ngayon lang po ako nakabalik ng FW. Basahin ko po mga nobela pa ninyo




sana naman maitama ko ang
sana naman maitama ko ang mga teknikal error sa tulang ito... kinakanta ko to... well... minsan masarap biruin ka o tuksuhin ka ng mga kaibigan mo lalo pa kung feel mo ang itutukso sayo... tulad ng ex ko.. nagsimula sa pagbibiruan ng mga kaibigan.. well na debelop din siya sa akin dahil sa biruan... yun bang sasabihin nilang wow bagay kayo.. sana kayo na lang....