sana'y ako na lang...

talulot's picture

naninibugho ako sa sinag ng araw

sa kanyang unang halik sa pulahan mong

pisngi..

sa kumot na humahagod sa iyong kabuuan..

sa silid mong magdamag kang pinagmamasdan..

 

higit sa lahat naninibugho ako

sa kwerdas ng iyong gitara

na kinakarinyo ng iyong bawat daliri

sa musikang matagal mo nang minamahal

 

naninibugho ako sa maigting mong

paglaya

sa sining mong mapang-akit

at sa pilosopiyang iyong nais makamit

 

naninibugho ako, naninibugho ako

sa mga simpleng bagay na maaari kong

ibigay...

ngunit hindi mo maaaring tanggapin.....

hindi maaaring angkinin.


Adlesirc's picture

Hi talulot!

good job.. ang ganda..

talulot's picture

musta criselda. or Adlesirc

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

salamat!!

malaya kang iwan ang iyong marka sa aking munting himlayan ng musa...