"Sana'y Ako Na Lang [Part Four End]

fhearl08's picture
| |

Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang  kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.

"Sana’y Ako Nalang"

[Part Four End]

            Samantala, palakad-lakad sa lobby si Chris at hinintay niyang makalabas si Monique sa room ni Zam, sa kakaisip niya kay Zam ay tila di niya napapansin ang mga taong dumaan sa tabi niya pati si Nikko na kakapasok lang din ay di niya napapansin. Nang mamataan niya ng tingin si Monica na palabas sa room ni Zam ay patakbo itong nilapitan. Pero mabilis siyang hinila ni  Monica papuntang canteen ng ospital  at doon niya kinausap ng masinsinan ang binata. Ayaw pa ni Chris na sumama pero nang mabanggit ni Monica ang pangalan ni Zam ay saka na siya nagka-interes at binigyan niya ng pagkakataon makapagpahayag si Monica.

“Kung ano man ano gusto mong sabihin ngayon sa akin ay sabihin mo na Monique, ayokong maloko mo pa Monique sa pangalawang pagkakataon kaya mas mabuting mag-ingat na ako.” giit nito na medyo matigas ang tono sa pagkasabi nito.

“Chris..! Napakasama ko na ba talaga sa paningin mo?! Wala ka na bang ibang sasabihin kundi puro mga maanghang na salita! Hanggang kailan mo ba ako saktan Chris! Hanggang kailan ba ang iyong paghihiganti sa amin!” ani Monica na naghihimutok ang kalooban nito sa mga masasakit na salita na pinakawalan ni Chris. “Oo, aminin ko, ako ang may kasalanan sa lahat pero pwede ba Chris, pakinggan mo naman ako kahit minsan kahit para lang kay Zam, kahit para lang sa kaibigan ko! Pwede!” bulalas ni Monica na di mapigil ang sarili at napataas na ang boses nito. Nasa kanila nakatuon ang lahat ng mga mata ng mga tao sa loob ng kantena kaya kumalma si Monica dahil napahiya sa kanyang inasal.

“Okay! Speak! Kung ano man ang kasinungalingan ang gusto mong sabihin ngayon, siguraduhin mo lang na wala kang masaktang tao!” madaiing sabi ng binata.

“Bakit biglang ganun na lang kalaki ang galit mo sa kin Chris! Hindi na ikaw ang dating Chris na nakilala ko noon, ang na maunawain at mapagmahal…” maluluhang  saad ni Monique.

“Kung ako lang sana ang sasaktan n’yo ay okay lang, pero kung pati damdamin ni Zam ay saktan n’yo, sisiguraduhin ko sa inyong di kayo magtatagumpay! No matter what.., I will protect her!” anito habang kinuyom ang mga palad at pinipigilan ang sarili sa galit.

“You love her!” bulalas ni Monica na nagpaigting sa pandinig ni Chris. “I said you love her!?” ani Monique na napataas ang tono ng boses nito.

“Yes I do! Then what?!” pabulyaw na sagot niya kay Monique. “Since I’ve met Zam, I felt that she’s the who heal the wounds you’ve created in my heart, since I’ve met her, I wonder if how stupid I was when I waste the time and day of my life because of you!” galit na dinuro ni Chris sa mukha ang dating nobya. Shock si Monique sa naging asal ni Chris kaya di niya napigilan ang sarili at tuluyan ng napaluha ang dalaga.

“C-Chris..?!” bulalas niya sabay yakap ng mahigpit  na mahigpit kay Chris. “I’m so sorry… I’m really sorrryyy…” aniya na lumuluha. “I know how much I made your life so miserable, but God knows everything, I was just forced to engage Nikko because of Zam?” ani Monique na nagpapitlag kay Chris. “But actually we never been engaged at that time when I urge myself to leave you…” dugtong pa ni Monica habang pahid ang mga luha sa pisngi niya.

“Dahil kay Zam? P-Paanong?..” bulalas ni Chris na may pagkalito at pagkabigla mula sa sinabi ni Monica. Naibuklat na ni Monique ang kabanata ng buhay nilang magkaibigan kaya tuluyan na niya isinalaysay sa walang kamalay-malay na si Chris ang lahat ng mga pangyayari. Pormal na umupo at nag-usap ng maayos ang dating magnobyo habang ikinukwento ni Monique ang lahat.

“Kakalipad  mo lang papuntang Dubai noon, naiwan akong mag-isa sa Condo na inupahan mo para sa akin. Dahil sa kalungkutan ay naisipan kong dumalaw sa matalik kong kaibigan at yon ay si Zam. Sa lahat ng problema at kalungkutan ko ay kay Zam ako sumasandal, sa kanya ako humihingi ng tulong at payo. Napadalas ang pagkikita naming magkabigan hanggang isang araw ay ipinakilala ako ni Zam sa nobyo niyang si Nikko. Tulad mo, mabait at maalalahanin din si Nikko, nakikita ko sa katauhan niya ang buong ikaw Chris. Mula nang magkakilala kami ni Nikko ay napadalas ang pagdalaw ko kay Zam. Hindi ko sukat-akalain na iyon pala ang daan para tuluyang mahulog ang loob ko kay Nikko, hindi ko sinadyang mangyari iyon pero unti-unti ng nawala ang pagmamahal ko sayo at napalitan iyon ng pagmamahal ko kay Nikko. Lingid sa kaalaman ni Zam ay lihim kong iniibig si Nikko, matalik kong kaibigan si Zam kaya sinikap kong ilihim sa kanya ang lahat. May tiwala sa akin si Zam sa lahat ng bagay kaya noong time na kailangan niyang personal na asikasuhin ang negosyo ng mga magulang niya sa Tsina ay napilitan siyang lumuwas at ipinagbilin niya sa akin ang kanyang apartment na inuupahan na paminsan-minsan ay dadalawin ko raw ito. Tinupad ko ang pangako ko kay Zam, habang wala si Zam ay madalas ang pagkikita namin ni Nikko, bagay na nilihim ko rin sayo. Oo, alam kong mali ang ginagawa ko dahil alam kong nagsisikap ka at tiniis na magkalayo tayo para sa katuparan  ng ating mga pangarap. Pero naging mahina ako, umiibig ako sa iba! At kay Nikko pa! Hindi ko sinadya iyon pero di ko mapipigilan ang aking puso. Hanggang sumapit ang kaarawan ko, sa bahay ni Zam ako nagtungo, doon ko sini-celebrate ang kaarawan ko kasama si Nikko. Masayang-masayang kami sa gabing iyon, uminom kami ng alak hanggang malasing at parehong nakalimot sa sarili namin. Huli na nang maabutan kami mismo ni Zam sa sarili niyang pamamahay sa kataksilang nagawa namin ni Nikko. At huli na rin ang pagpapaliwanag namin, wala ng Zam na nakikinig sa amin. Mahal ako ni Zam at mahal din niya si Nikko, pero isang desisyon ang ginawa, isang mabigat na desiyon na tuluyang magpapahirap sa kalooban niya. Mapapatawad lang kami ni Zam kung pananagutan ni Nikko ang pagkakamali namin. At nang magbalik ka ay tuluyan na akong nakipagkalas sayo bago mo pa malaman ang kalokohang ginagawa ko.” Pagtatapos ni Monica habang hikbi pa rin ito.

“Z-Zam..?” bulalas ni Chris habang ngumingit-ngit ang paningin nito. Hindi niya alam kung paniwalaan ba niya ang mga pinagsasabi ni Monique sa kanya pero batid niyang hindi ito nagbibiro. “Nagawa mo yan sa kaibigan mo Monique?! Anong klase kang kaibigan?!” galit na saad ni Chris.

“Oo, alam ko napakasama ko! Ako ang may kasalanan sa lahat pero please Chris..?” ani Monique habang nagsusumamo kay Chris. “Alam kong mahal mo si Zam and I know she feel the same way too. Ayokong  tuluyan ng maging malungkot ang kaibigan ko at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Matagal na kaming napatawad ni Zam at tanggap na rin ni Nikko na imposible ng mangyari na magbago pa ang isip ni Zam kaya napagkasunduan na namin ang tuluyang pag-iisang dibdib. Alam kong masaya si Zam para sa amin, kahit sa laki ng sugat na ginawa namin sa puso niya ay nagawa pa rin niya kaming mapatawad ni Nikko. Kaya please..? Chris nagsusumamo ako sayo… please make Zam completely happy, I know you are the right person for him, please..?” aniya habang hawak ang mga kamay ng binata.

“Para ano? Para saktan lang ako? Para paniwalain na mahal niya ako at gawing panakip-butas!? Damn! Don’t make me fool Monique! Zam and I were good friends, maybe that’s far enough from both of us!” galit na sabi ni Chris sabay iniwanan si Monique at mabilis itong naglakad palabas sa canteen at hindi na pinakikinggan ang mga pahabol na tawag ni Monica.

“Chris! Chris! Chris! O God! Chris...? bulalas ni Monique na napaupo sa silya ng kantena, laglag ang magkabilang balikat, pakiramdam niya ay tila wala na atang pagkakataon na lumigaya pa ang kaibigan niya, lalong nalulugkot si Monique.

            Samantala, sa mga oras na iyon ng pag-uusap nila ni Monica ay nagkataong sina Zam lang din at Nikko ang nasa loob ng kuwarto ni Zam sa ospital. Laking gulat na lang ng dalaga nang mapagsino ang panauhin niya. Pero sa pagkakataong yon ay tila normal na ang nararamdaman niya di tulad noong mga nakaraang taon, buwan at araw na nakapagdesisyon siya ng biglaan na siyang naging dahilan sa miserabling buhay at puno ng kalungkutan at pangungulila. Si Nikko ang kanyang naging panauhin, pero sa pagkakataong iyon ay maganda ang kanyang pagtanggap sa binata, dala na siguro na nakapagmove-on na siya at kapwa na niyang napatawad sina Nikko at Monica. Tinanggap pa niya ang mga paborito niyang prutas mula kay Nikko, ito kasi ang dating gawi ng binata noong sila pa lalo na sa mga time na magkaroon siya ng masamang karamdaman. Lubos pa siyang nagpapasalamat sa pagdalaw ni Nikko sa kanya, kahit papano ay naalala pa rin siya nito.

“Salamat ha? Naabala pa kita… Sana di ka na nagdala ng mga pasalubong na prutas? Pakiramdam ko tuloy lalo akong magkakasakit kung may mag-aalaga sa akin.” Kaswal na sabi ni Zam sa  binata na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

“Okay lang yon… Basta para sayo Zam, kaya kong gawin lahat makita lang kitang masaya. Kumusta ka na?” kaswal na tanong ng binata.

“Hmmm… eto…ganun pa rin… medyo marami lang akong iniisip this past few days kaya heto, sa ospital ang bagsak. Anyway, I’m fine now lalo na’t nandito kayo ni Monica para sa akin… I feel better now.” ani Zam na di pa rin nawala ang mga matamis niyang mga ngiti.

“Your lying..? I know you Zam more than  Monique, hindi ka magkakaganito if there’s something bothers your mind!”  Makahulugang saad ni Nikko. “You fall inlove to someone else, right?” direktang tanong ni Nikko na nagpamangha kay Zam.

“What?.. What are trying to say Nikko?.. How come? This is the first time I hear from you that I am lying?” sambot ni Zam na medyo napataas ang tono ng boses.

“Because that’s true di ba? I know you Zam , for the past ten years, who the hell can forget those memorable memories we both shared?”  pagtatapat ni Nikko.  “Hindi madali para sa akin ang kalimutan ka Zam, masakit… masakit na masakit Zam pero tinanggap ko ang lahat dahil mahal na mahal kita, dahil yun ang gusto mo, dahil yun ang alam kong pweding gawin para mapatawad mo kami ni Monica, at yun din ang alam kong gawin para makita kang masaya Zam… Di ba, yun naman talaga ang gusto mo?” ani Nikko na di mapigil ang emosyon niya at ang sama ng loob niya.

“Nikko..?” bulalas ni Zam na nahahabag sa hitsura ng binata.  “Ikakasal ka na Nikko, kayo ni Monique, and  I wish you all best and luck for both of you…” mapagkumbabang sabi ni Zam.

“That’s stupid!!!” anito na napataas din ang boses. “How can we be happy if you’re always look so sad Zam?! Your important from both me and Monique tapos ngayon sasabihin mong  maging masaya kami?” ani Nikko na nagpipigil sa sarili dahil ayaw niyang magalit kay Zam.

“Nikko..?!” tanging sambit ni Zam.

“If you want to makes us happy, then tell us who the hell is this guy who makes you feel sad?!” direktang tanong  niya kay Zam na nagpapitlag sa dalaga.

“N-Nikko?! Nikko kung wala ka ng sasabihin ay makakaalis ka na…please..?” ani Zam sa mahinang boses. “Buhay ko ‘to  and this is nothing to do to with you lalo na kay Monique!” dugtong pa niya  na halatang maiiyak na ito dahil totoo naman talaga ang sinasabi ni Nikko. Kahit anong klaseng pagkukunwari na gagawin niya para maitago kina Nikko at Monique ang tunay niyang nararamdaman pero talagang hindi niya ito maitago sa mga mata ng  kanyang kaibigan at kay Nikko.

“This is nothing to do with us?! Then who the hell can help you Zam?! Ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa amin? Kaplastikan lang ba talaga ang ng pagmamabuting loob na ipinakita mo sa amin ni Monique?!” pabulyaw na sabi ni Nikko dahil di na niya napigil pa ang sarili.

“Stop! Enough na Nikko..?” tuluyan ng nalaglag ang mga luha ng dalaga na kanina pa niya pinipigilan. “Hayaan n’yo na lang ako ni Monique, I can manage myself kahit wala kayo Nikko ang mahalaga ay ang makita ko kayong masaya ni Monica, tanggap ko na ang lahat sa sarili ko pati mga pagkakamali ko kaya wala kayong dapat alalahanin pa… I’m sorry Nikko…” nalulungkot na sabi ni Zam habang punas ang mga luha niya sa pinsgi.

“Yun ang mahirap sayo Zam, dahil inuuna mo pa yung iba kaysa sa sarili mo, sa palagay mo ba’y maging masaya kami ni Monique kung ikaw ay nalulungkot?” aniya habang kaharap si Zam at haplos-haplos niya ang mukha ng dalaga sabay punas sa mga maliliit na butil ng luhang nalalalag.

“Nikko..?” humihikbi pa rin.

“C’mon Zam, tell me? No one can help you kundi kami lang ni Monica…please..? Lend us your trust Zam kung gusto mong makita kaming masaya then make first yourself happy too.” Ani Nikko na bakas sa mukha ang kalungkutan at ang pagkahabag sa babaeng matagal na niyang minahal. “Zam, please..?”

            Di na mapigil pa ni Zam ang sarili dahil sa pangungulit ni Nikko kaya bigla na lang niyang niyakap si Nikko at umiyak habang napasubsob ang mukha niya sa dibdib ng binata. Sa mga oras na iyon, ramdam ni Zam ang gaan ng loob na may mapagsumbungan pala siya sa problema niya at hindi pala siya nag-iisa. Oo, aminado  siya sa sarili niyang may espesyal pa rin siyang pagtingin kay Nikko pero ito ay bilang isang kaibigan na lang. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting naghilom ang sugat sa puso niya umpisa pa noong una niyang makilala si Chris, ang taong kahit di pa niya lubos na kilala ay lihim na siyang umiibig dito. Si Chris na siyang nagbigay ng bagong lakas sa sarili para humarap sa bagong hamon ng buhay pero tila mailap sa kanya ang panahon kaya pakiramdam niya ay hanggang pangarap na lang ‘ata ang inasam niyang makasama si Chris. Habang subsob niya ang luhaang mukha niya sa dibdib ni Nikko ay unti-unti niya binanggit ang pangalan ni Chris.

“He always keeps me safe..., when I’m in trouble, he was always there to save me and protect me? As when the days pass by, I felt emptiness within me when I was not  able to see him. I swore to myself not to fall inlove again but when  I was first  met Chris, he totally change me at all, even my heart starts ponding. I think I’m fallen with him…” ani Zam ng buong katapatan.

Batid ni Nikko na nasaktan din siya sa mga sinasabi ni Zam, parang unti-unting tinitiris ni Zam ang kanyang puso. Ngayon, napatunayan na niyang hindi na  pala siya ang nagmamay-ari sa puso ni Zam. Habang yakap ni Nikko si Zam ay unti-unti niyang minulat ang kanyang isipan at  doon niya nakita ang katauhan ni Monica. Bakit nga ba winawalang-bahala na lang niya si Monica, gayong katumbas din naman nito ang katauhan ni Zam. Naisip ni Nikko na bakit kailangan pa niyang pahirapan pa si Monica, mahal siya nito at siguradong maging masaya ang maging pamilya niya kasama si Monique. Sa kaisipang iyon ni Nikko ay bigla siyang namulat sa matagal din niyang pagkabulag, mahirap turuan ang puso kung sino ang pipiliin at mamahalin pero ngayon hindi na nagdalawang-isip pa si Nikko, mahal na pala niya si Monica.

“Mahal mo siya?” Sabay angat ng mukha ni Zam. “Then what’s the matter?” makahulugang tanong ni Nikko na may panunudyo sa kausap.

“Nikko..?” bulalas niya. “How can I do that? I don’t want to betray you? Ayokong isipin mo na madali lang sa akin ang ipagpalit kita, ang kalimutan kita...”

“But you still did it, right? You’re nothing to hide Zam, bakit kailangan mo pang dayain ang iyong sarili? I want you to be happy Zam, if he will be the one to makes you happy, then go?” ani Nikko ng buong katapatan na walang kahit kaunting pagkukunwari.

“Nikko?..” aniya na lalong humigpit ang pagyakap sa binata. “Thank you very much Nikko…” ani Zam na humihikbi pa rin.

“Ssshhh!!..Enough na, kanina ka pa umiiyak e, kita mo, mugtong-mugto na yung mga mata mo.” Anito habang inaapuhan ang pisngi ng dalaga. “O ano? Are you okay now? Can I leave you na ba? Kailangan ko lang asikasuhin ang  nalalapit na kasal namin ni Monique, ayokong maudlot pa yon sa pagkakataong ito, I will never hurt Monica anymore, that’s a promise.” Pagtatapos ni Nikko sabay nagpaalam na kay Zam hinalikan pa niya sa noo ang dating nobya bago ito umalis.

            Pagkalabas ni Nikko sa room ni Zam ay tila bumibigat ang kanyang dibdib, hindi niya alam kung nasaktan ba siya sa mga ipinagtapat ni Zam sa kanya o masaya ba siya dahil malaya na siya. Pero iba ang nararamdaman ni Nikko, tila tinutusok ng karayom ang kanyang puso sa sobrang sakit, pero bakit nga ba siya nasasaktan? Mahal pa kaya niya si  Zam hanggang ngayon? Tila wala sa sarili si Nikko na naglalakad papalabas sa lobby ng ospital nang di sinasadyang magkabanggaan sila ni Chris.

“Oppss!!! S-sorry Pare?! Nasaktan ka ba?” tanong ni Nikko sa lalaking nabangga niya sabay abot ng kamay niya kay Chris na na-out of balance sa sobrang lakas ng pagkabangga niya kay Nikko kaya natumba ito, kamuntik ng  tumama ang kanyang ulo sa sementadong bakod ng lobby. Nang mag-angat ng mukha si Chris para abutin ang kamay ni Nikko na nag-offer ng tulong ay biglang natigilan si Chris at bigla niyang naalala ang  larawan ng lalaking kailan lang niya nakikita sa mga gamit ni Zam.

“If I’m not wrong… you are..?” ani Chris pero di niya tinuloy baka nagkamali lang siya pero nang tinititigan niya ulit si Nikko ng mabuti, ay biglang nag-iinit ang kanyang mukha. Hindi siya maaring magkamali  ito nga ang lalaking kinababaliwan ni Monica. “You Bastard!!!” sabay pakawala ng malakas na suntok ang magkabilang kamao nang makatayo ito. Nabigla si Nikko sa ginawa ni Chris kaya hindi niya naiwasan ang mga suntok nito.

“Hey! What’s wrong?! Who are you?” bulalas ni Nikko habang  apuhap ang kanyang kanang pangga na napuruhan sa suntok ni Chris.

“Shut up! Bastard!!! I will kick your ass!!! You’re the stupid  guy who hurts Zam! You must pay of what you did!” gigil na sinugod ulit ni Chris si Nikko pero nakahanda na ang binata.

“Hey! Ano bang problema mo?! Kung may problema ka, pwede bang idaan mo naman ito sa mabuting usapan!?” pigil sa sarili si Nikko sa pagsasalita niya dahil nasa kanila na nakatingin ang lahat ng tao sa lobby ng ospital. Nang magkaroon ng tsansang batikusin ang magkabilang balikat ni Chris at saka niya binulungan ito. “Pare, hindi ako eskandalusong tao, kung gusto mong kausapin ako, kausapin mo ako ng maayos!” pabulong na sabi ni Nikko kay Chris sabay hila-hila niya ito palabas ng gate. Doon niya ito dinala sa isang kainan sa may di kalayuan sa ospital at seryosong kinausap si Chris. “Ayokong hulaan kung sino ka  but if  I’m not wrong you are Chris, right?” direktang tanong niya kay Chris.

“Wala akong pakialam kong kilala mo ako ang gusto kong malaman kung ano ang ginawa mo kay Zam, bakit mo siya sinaktan?!” gigil na sabi ni Chris sa kaharap na di pa rin maalis sa mukha ng binata ang galit niya.

“Hahaha! You’re so funny, you make  laugh?” ani Nikko habang humahagikhik na lalong nakapagpaasar kay Chris. “No doubts if Zam fall in love a guy  like you, anyway I really admire your bravery Chris.” Seryosong sabi ni Nikko na nagpapabigla kay Chris. “Kung sana ipinaglaban ko lang si  Zam at hindi ako nagpadala sa aking kahinaan, maybe I am the luckiest person in this world. Pero it’s too late, nasaktan ko na siya at iyon ang hindi na mababago pa.” ani Nikko na bakas sa mukha ang lungkot. Nakita ni Chris na seryoso ito sa mga sinasabi niya kaya minabuti na lang niyang  kausapin ito ng maayos.

“My apologies… nabigla lang ako kanina kaya ko nagawa ang ganoong bagay. Gusto ko lang malaman mo na Zam is a precious friend of mine, hindi ko hahayaan ang sinuman para saktan si Zam. I will always be there for her and protect her, ganun siya kahalaga sa akin.” Ani Chris ng buong katapatan na siyang buong paghanga naman Nikko sa kanya.

“Mahal mo ba siya, kaya ganun na lang kalaki ang pagpapahalaga mo sa kanya?” direktang tanong ni Nikko.

“Yes I do, with all my heart and soul.” Ani Chris na buong tapang na sinagot ang tanong ni Nikko. “But I know, it’s  imposible na maging kami ni Zam…” seryosong sabi ng binata ng may kalungkutan sa mukha nito.

“But you now owe her?” bulalas ni Nikko.

“Don’t be stupid! Kung kaya ko lang agawin si Zam sayo ay matagal ko ng ginawa yon! Pero imposibleng mangyari yon dahil nag-iisa kalang sa puso ni Zam.” Anito na di mapigil ang pagkainis sa sarili.

“And what if Zam’s feelings ay nagbago na? Don’t you know that sometimes our stupidity makes us totally idiot? Gaya ko…” makahulugang sabi ni Nikko.

“Sinabi mo lang yan, pero ikaw ba si Zam para diktahan ang puso niya na sana’y ako na lang ang pipiliin niya?”

“But you finally made it…wala na kami ni Zam…” kaswal na sabi ni Nikko ng may kalungkutan.

“What do you mean by that?” tanong ni Chris.

“You can prove it with yourself, puntahan mo na lang si Zam, maybe she’s waiting for you this time. Isa lang ang hihilingin ko sayo, don’t makes Zam sad, kung pwede ay mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Sana you can makes Zam completely happy, wi’ll be waiting for you guys sa nalalapit na naming kasal ni Monique. Anyway, just don’t be surprise when I mention Monique, I know, you already knew the whole story. Goodluck! Bye!” ani Nikko sabay paalam kay Chris na medyo nabigla pa rin sa mga sinasabi ni Nikko sa kanya.

            Pagkaalis ni Nikko ay agad na pinuntahan ni Chris si Zam, habang papalapit si Chris sa room ni Zam ay di maiiwasan ng binata ang paglakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, hindi siya makapaniwala na narinig pala ni Lord ang kanyang mga hiling. Abot-abot ang saya na kanyang nararamdaman parang gusto na niyang tumalon sa sobrang tuwa. Nasa tapat na siya ng pintuan sa kwarto ni Zam at minabuti na lang niyang kumatok muna bago pumasok. Nang mabosesan ni Zam si Chris ay ganundin ang naging reaksiyon ng dalaga, bumilis ang tibok ng kanyang puso at parang alam na niya ang susunod na mangyayari.

“C-Chris?!..”

“Zam?!..”

            Tila mga estatuwa sila na hindi na gumagalaw at kapwa mga mata na lang nila ang nag-uusap.Hindi nakatiis si Zam at unti-unting nalalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung nasaktan ba siya o masaya na siya ngayong tuluyan na siyang pinalaya ni Nikko at ganundin si Chris. Nilapitan ni Chris ang lumuluhang si Zam, kahit papano ay nararamdaman din ng binata kung gaano kalaki ang hirap at sakripisyo ni Zam makamit lang ang totoong kaligayahan.

“Hey! What’s wrong? Kung kailangan mo ng karamay ay andito lang ako Zam, I’m always here for you dahil mahal kita.” Ani Chris ng buong katapatan. “I love you very much Zam!” seryosong sabi ni Chris sabay yakap ng mahigpit kay Zam. “Di mo lang alam na matagal ko ng hinihintay na sana’y ako na lang ang ibigin mo.

“I love you too Chris.” Tinugunan na rin niya ang mga yakap ni Chris, yakap ng puno ng pagmamahal. “Kung pwede ko lang gawin noon at sabihin sayo na sana’y ako na lang.

“Sa piling ba niya ikaw ay may lungkot na nararamdaman
Damdamin mo ba’y hindi maintindihan at sa tuwing ako ang
Nasa iyong isipan, may nakita ka ba na ibang kasiyahan

Sa piling ba niya ikaw ay may sakit na nararamdaman
Damdamin mo ba ay sinasaktan at sa tuwing ako ang
Nasa iyong panaginip na tayong dalawa masayang magkapiling

Nandito lang ako, naghihintay sa iyo na mapansin

ang aking damdamin na para lang sa iyo

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo, na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay, nais ko ay malaman mo
Na mahal kita "

 

WAKAS!

Sa lahat ng mga readers and writers, thanks for the time  you spent para sa pagbabasa ng aking akda. 

Maraming salamat po!

 

 

 

 

FhearL

fhearl08's picture

Hello po sa lahat!

Sa lahat po ng tagasubaybay, bukas po akong tanggapin ang lahat ng mga puna, pananaw at komento sa akda ko upang ito'y maging daan tungo sa ikauunlad ng aking pagsusulat.

Marami pong salamat!