"Sana'y Ako Na Lang [Part Three]
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.
[Part Three]
Simula nang mangako si Chris sa kanyang team, ay hindi na siya nagpapaliban sa oras ng praktis nila, kaso nga lang, napansin ng iilan sa mga malalapit niyang kaibigan na sina Gian, Kence at Mervs na malaki ang ipinagbago ng mga movements nito at malabong matalo nila ang kalabang team. Kahit si Chris ay napapansin niya yun mismo sa sarili niya ang malaking changes sa laro. Ilang beses na niyang pinilit na maging perfect ang pagpapraktis pero talagang palpak pa rin dahil laging bumabagabag sa isipan niya si Zam na may ilang linggo na silang hindi nagkikita. After ng praktis nila ay nagpaalam si Chris sa mga kaibigan na mauna na siyang umuwi. Kahit anong gawin ni Chris ay hindi n’ya maiiwasan na maisip si Zam at ang pag-aalala nito kung ano na ang nangyayari sa dalaga dahil alam niyang hindi maganda ang kalagayan ni Zam noong huli silang magkita. Habang naglalakad palabas ng Campus si Chris ay naisipan muna niya dumaan sa Falls nang di inaasahang doon niya makita ang matagal na niyang hinahanap, lalong nagimbal si Chris nang mapagsino ang kausap ng babaeng may ilang Linggo na niyang hinahanap.
“Huh!.. Anong ibig sabihin nito..? Matagal na kayang magkakilala sina Monique at Zam?” ani Chris na lubos na nagtataka, kaya minabuti na lang niya na magkubli sa may di kalayuan mula sa kinatatayuan ng magkaibigan upang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
Mula ng nakikiusap ang mga kaibigan ni Chris kay Monique ay gumawa ng paraan si Monique na makausap ang kaibigan kahit alam niyang napakalaki ng kasalanan na nagawa niya dito. Layunin ni Monique na tuluyan ng makalimutan ni Zam ang lahat kung sakaling may makakapalit na kay NIkko sa puso niya. At maaaring tuluyan na rin na makalimutan ni Chris ang lahat kung sakaling magmahal na rin ito ng iba at para kay Monique, si Chris ang nababagay sa kaibigan niya.
“I’m sorry Monica, pero noon lang yun, magmula ng niloko n’yo ako ni Nikko ay nawala na rin ang tiwala ko sayo. Alam kong alam mo kung gaano kalaki ang sugat na nilikha n’yo sa puso ko, gustuhin ko man na maghilom ito pero sa tuwing maalala ko ang mag panloloko n’yo ay di ko maiwasan ang masaktan. Kung naparito ka para hingiin sa akin ang kapatawaran, gusto kong malaman n’yo na napatawad ko na kayo, matagal na pero ang sugat ng puso ko at ang sama ng loob ay nandito pa rin sa puso ko.” Ani Zam sa harap ng dating matalik na kaibigan at pinaniwala ang kaibigan na malaki pa rin ang galit niya sa mga ginawa nila. Pero ang totoo, mula nang makilala niya si Chris ay ito na ang nagtuturo sa kanya kung paano malimot ang nakaraan dahil mula ng magkakilala sila sa kahit maiksing panahon ay napamahal na siya sa binata. Kung kaya gumawa siya ng paraan para iwasan ito, pero nagkamali si Zam, akala niya’y kaya niyang malimot si Chris, pero hindi pala dahil hanggang sa ngayon ay hinahana-hanap pa rin ng puso niya si Chris. Gayunpaman, di pa rin makapaniwala si Monique sa naging asal ni Zam pero di niya ito masisisi.
“Nagbago ka na talaga Zam… di ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapatawad mo kami. Sana… balang araw ay lubusan ko ng maangkin ang kapatawaran at maibalik ko na ang dati nating pagkakaibigan.” Ani Monique na bakas ang kalungkutan sa mukha nito. “Siya nga pala, sa isang linggo na ang kasal namin ni Nikko, aasahan namin na makapunta ka, diba ito naman talaga ang gusto mo, ang makasal kami ni Nikko?” kaswal na sabi ni Monique sabay abot sa invitation at tuluyan ng iniwan si Zam. Laglag ang magkabilang balikat ni Monique ng iwan ang kaibigan at napansin iyon ni Zam.
“I’m sorry Monique…kahit alam kong nasasaktan din ako sa ginagawa ko ay kailangang gawin ko ito… Pinatawad ko na kayo ni Nikko pero sana maintindihan n’yo ako…” ani Zam sa sarili habang habol-tanaw pa ang papalayong kaibigan. Di na rin napigil ng dalaga ang mapaluha sa pagtatagpo nilang magkaibigan.
Masyadong nasaktan ang dalaga sa mga pangyayari kung kaya tuluyan na lang niyang iniiyak ang lahat hanggang sa manghina si Zam. Sa mga oras na iyon ay napilitan na si Chris na lapitan ang dalaga. Kamuntik ng matumba si Zam pero mabilis na maagaapan ito ni Chris.
“Z-Zam!?.” bulalas ng nabiglang si Chris. “Zam..? Are you okay?” alalang tanong ni Chris sa dalaga.
“C-Chris..?” ani Zam na mahina na sabay tuluyan ng nawalan ng malay.
“Zam! Zam! Zam!!!” sigaw ni Chris habang ginising ang dalagang nawalan ng malay.
Mabilis na itinakbo ng binata ang dalaga sa ospital, kabado na rin si Chris at alalang-alala siya sa kalagayan ni Zam. Pagkarating sa ospital ay kaagad dinala sa emergency room si Zam. Habang nasa emergency room si Zam ay kaagad na nagpunta ng chapel si Chris para ipagdasal ang kaligtasan ng dalaga.
“God!.. Iligtas n’yo po si Zam sa panganib… Huwag n’yo po siyang pabayaan… mahalaga po ang buhay niya dahil mahal ko po siya…” usal ni Chris na di mapigil ang sarili sa pagluha “Lord…mahal ko po si Zam, mahal na mahal po higit pa sa sarili ko. Hindi ko po alam kung bakit ako nagkaganito…kahit sa ikli ng panahon ng aming pagkakakilala ay di ko inaasahan na umabot sa ganito ang lahat, ang mahalin ko siya ng lubos kahit alam kong walang kasiguruhan ang pagmamahal ko sa kanya dahil baka may mahal na siyang iba. Lord… please?...” dugtong pa ni Chris sa taimtim niyang pagdarasal.
Kagagaling lang ni Chris sa chapel pero hindi pa rin ito mapalagay. May ilang oras na sa emergency room si Zam pero wala pang doctor na lumalabas. Balisang-balisa si Chris at kahit anu-ano na ang nasa isip niya. Maya-maya ay biglang nagring ang phone niya, si Gian ang nasa linya.
“Chris!!!” si Gian na tila galit ang tono ng boses. “Ano bang problema mo ‘tol?! Nandito na kami sa school ground para sa praktis natin! Pwede ba Chris, sabihin mo na lang na hindi ka na makakasali at kahit wala ka ay umpisahan na namin ang pag-eensayo, pinapaasa mo lang kami sa wala eh! Kahit manalo man o matalo, ituloy namin ang laban kahit wala ka dahil ayaw naming mapahiya! At kung ayaw mong sumali, bahala ka sa buhay mo!” ani Gian sa kabilang linya na medyo galit ang boses sabay off ng cell niya.
“G-Gian! Hello? Gi! Dudes sandali lang magpaliwanag ako! Du…” wala na si Gian. “Damn! What I’m doing! Pero di ko pweding iwan si Zam sa ganitong sitwasyon?! Di ko alam kung sino ang mga kaanak niya at lalong di ko alam ang bahay niya… O God!..” ani Chris sabay sago ng ulo niya nang biglang magbukas ang pintuan sa emergency room. Bumungad sa mga mata ni Chris ang doctor na na-assign kay Zam, dali-daling lumapit ang binata upang magtanong pero inunahan na ito ng doctor.
“Mr. Christopher Bryan Casas? Am I right?” kaswal na tanong ng doctor. “Uhmmm… kaanu-ano n’yo ba ang pasyente Mr. Casas?” tanong ulit ng doctor na nagpalito kay Chris kung ano ang isasagot niya sa tanong ng doctor.
“A-e..? S-She’s my incoming wife…actually, piniprepare na namin ang kasal namin.” Pagsisinungaling na sagot ni Chris na halatang kabado ito sa mga sagot niya. “Uhmmm..? Dok, how is she? Kumusta na po ang lagay niya? Ano po ba ang sakit niya.” Sunod-sunod na tanong ni Chris na puno ng pag-aalala.
“As of now she’s fine, pero di ako makakasiguro kung hanggang kailan siya okay Mr. Casas. Mahina ang puso niya maybe dahil sa sobrang pagkaranas ng depresyon kung kaya pati puso niya ay naapektuhan. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga at kung pwede ay iwasan n’yo ang bigyan siya ng sama ng loob dahil malaki ang posibilidad na matuloy sa cancer of the heart ang kanyang karamdaman ngayon.” Mahabang paliwanang ng doctor kay Chris na ikinagulat ng binata.
Pagkatapos maipaliwanag ng doctor kay Chris ang lahat ay pinayagan na ito ng doctor na pumasok sa kwarto ni Zam. Habag na habag si Chris sa hitsura ng dalaga. Hindi niya alam kung gaano kabigat ang problemang dala ni Zam para humantong ito sa ganung sitwasyon. Lubos na nasaktan si Chris sa nangyari sa dalaga. Habang nakaupo sa tabi ng kama ni Zam si Chris ay hawak-hawak niya ang mga kamay ng dalaga habang pinagmasdan ang mala-anghel at napaka-inosenting mukha nito. Habang tinitingnan ni Chris si Zam ay biglang naalala ni Chris ang huling pangyayari bago mawalan ng malay si Zam. Nakita niya sa kinaroroonan ni Zam si Monique, isang malaking tanong ang pumasok sa isipan ni chris kung sino at ano sa buhay ni Monique si Zam. Naalala pa ni Chris na may kapirasong sobre pa na iniabot si Monique kay Zam kung kaya naisipan ni Chris na tingnan sa bag ng dalaga na kanina pa niyang dala-dala mula ng mawalan ng malay si Zam. Binuksan niya ang bag ni Zam at hinalungkat ang mga laman nito. Bumungad sa mga mata ni Chris ang medyo may kaliitan na wedding invitation card, binuklat iyon ni Chris at binasa.
“S-Si Monique ito?! Hindi pa pala siya kasal at sa isang linggo pa? Eto pala ang mapangasawa niya, at ano naman ang koneksiyon nito kay Zam?” mga tanong sa isip ni Chris na lalong nagpapagulo sa isip niya kaya itinuloy niya ang paghalungkat ng bag ni Zam at nang makita niya ang picture ni Nikko at Zam, lalong natigilan si Chris. “Damn! This guy, kung di ako nagkamali siya ang magiging asawa ni Monique… damn it! Sino ka ba talaga Zam?!” ani Chris na medyo nairita na ito sa kanyang mga nakikita.
Tuloy-tuloy ang paghahalungkat ni Chris sa mga gamit ni Zam nang di sinasadyang makita niya ang maliit na diary ni Zam. Masama man para kay Chris ang pakialaman ang gamit ng may gamit pero gusto na niyang masagot ang lahat ng kanyang mga katanungan kaya binuklat ni Chris ang diary at inumpisahan na niya itong basahin. Di makapaniwala si Chris sa kanyang mga natuklasan, si Zam pala ang matalik na kaibigan ni Monique kaya pala pamilyar sa kanya ang pangalan nito dahil minsan na itong nabanggit ni Monique sa kanya noong nasa Dubai pa siya. At lalong natigilan si Chris nang malaman na ang lalaking pakakasalan ni Monique ay siyang boyfriend ni Zam for ten years. Hindi pa matapos ang pagbabasa ni Chris ay kinukuyom na niya ang kanyang mga kamao sa galit. Hindi siya makapaniwala na ang mga taong dahilan sa kalagayan ni Zam ay siyang mga nanloloko sa kanya. Hindi sukat-akalain ni Chris na si Monique pala na matalalik na kaibigan ni Zam ang siyang dahilan sa lahat. Kahit galit na galit si Chris sa pagkakataong iyon ay pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili dahil mas importante sa kanya ngayon si Zam, pero malaki pa rin ang pangamba ni Chris dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Zam si Nikko at yon ang nakasaad sa diary ni Zam. Lingid sa kaalaman ni Chris na may bago na palang diary si Zam at yon ang tungkol sa buhay niya kasama si Chris.
Sa kabila ng mga natuklasan ni Chris sa pagkatao ni Zam ay pinili pa rin niyang manatili sa tabi ni Zam hanggang sa paggising nito. Pagod na pagod si Chris kung kaya hindi rin maiwasan ang maidlip. Ilang sandali pa mula ng makaidlip si Chris ay siya ring paggising ni Zam. Si Chris ang unang nakita ni Zam nang magising ito habang hawak-hawak ng mahigpit ang mga kamay nito ni Chris. Napaluha na lang si Zam nang makita niya ang hitsura ng binata na halatang hapo na hapo ito. Di mapigil ni Zam ang sarili at inapuhap niya ang madulas na buhok ni Chris hanggang sa makinis na pinsgi nito na halos kamukha niya si Luis Manzano habang panay tulo ang luha niya. Napansin ni Chris ang mga malambot na kamay ni Zam kaya dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang mata at nakita niya ang umiiyak na si Zam.
“Hey! What’s wrong?!” alalang tanong ng binata. “Are you alright Zam? Umiiyak ka na naman, tama na yan bawal sayo ang labis na pag-iiyak yan ang sabi ng doctor mo.” Alalang tanong ni Chris. Napabalikwas na lang sa pagbangon si Zam sabay yakap ng mahigpit na mahigpit kay Chris. Natigilan si Chris sa pangyayari pero gayunpaman ay tinugunan na rin niya ang mga yakap ni Zam. “Ssshhh!.. It’s alright now Zam, you’re safe na, di ba I’d promised you that.. no matter what, I’ll always be here for you and protect you… Because..? because… hmmm… never mind…just take a rest Zam dahil mahina pa ang katawan mo.” Paiwas na dahilan ni Chris pero ang totoo ay nasaktan siya sa mga natuklasan niya kay Zam. Kayakap man niya ngayon si Zam pero alam niyang iba ang sinisigaw ng puso nito. Masakit para kay Chris ang kanyang natuklasan pero alang-alang sa kaligayahan ni Zam ay handa niyang isakripisyo ang sarili niyang damdamin.
“Thank you Chris! Maraming salamat! Siguro kung wala ka, di ko alam kong paano ko kakayanin ang lahat. Di ko alam…” ani Zam na humihikbi pa rin.
Dalawang araw ang itinigil ni Zam sa ospital dahil sinisiguro ni Chris na ganap na magaling na talaga si Zam kaya minabuti na lang ng binata na samahan ang dalaga hanggang sa araw ng paglabas nito. Dahil sa nangyari kay Zam ay lalong naging magkalapit ang loob ng dalawa bagay na ikinatuwa naman ng malaki ni Chris dahil kahit papano ang masaya na rin siya sa kabila ng katotohanang hindi siya ang mahal ni Zam at ewan niya kung hanggang kailan niya mamahalin ang dating nobyo nito na si Nikko. Dahil kay Zam na umikot ang oras at panahon ni Chris, nakalimutan na ng binata na may iba pang mga taong nangangailangan ng tulong niya. Sa araw ng paglabas ni Zam sa ospital ay siyang araw din na itinakda ng laban nina Chris sa basketball, saka na lang nalaman ni Chris ang lahat nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanilang coach.
“Ano?! Ngayon na ang laban namin sa Tigers team?! O my God! Coach, kailangang manalo kami!” Ani Chris na di mapalagay sa balitang natanggap mula sa coach nila. Nabigla rin si Zam sa sinabi ni Chris kaya minabuti na lang ng dalaga na tanungin ito.
“C-Chris..? May problema ba? Anong team? May appointment ka ba ngayon? Kailangan ka ba nila?” sunod-sunod na tanong ni Zam kay Chris na halatang nag-alala siya sa binata. “Kung ako ang dahilan Chris, huwag kang mag-alala dahil okay na ako… Kung gusto mo sasamahan na kita…” kaswal na sabi ni Zam na nagpapasigla naman sa nalulungkot na mukha ni Chris.
“T-Talaga Zam?!” natutuwang sabi ng binata. “Ngayon na ang laban namin sa basketball at ako lang kasi ang inaasahan ng team ko para mapatumba namin ang Tiger’s team. Talaga bang sasama ka sa akin?” tanong ni Chris kay Zam na medyo maliwanang na ang mukha nito.
“Kung para sa team mo ang gagawin mo, bakit hindi? Suportahan kita Chris baka sa ganung paraan lang ako makabawi sa lahat ng mga kabutihang nagawa mo at naitulong mo sa akin.” Ani Zam na medyo nalungkot ito sa mga nangyayari sa kanya.
“’Wag kang magsalita ng ganyan Zam, kung para sa kaligtasan mo ay handa kong gawin ang lahat just to protect you dahil ganyan ka kahalaga sa akin.” Seryosong sabi ng binata.
“Sobra naman ‘ata yung concern mo sa akin? Sige na, puntahan na natin ang mga kasamahan mo baka kailangang-kailngan na nila ang tulong mo.
Samantala, sa mga oras na iyon ay nag-umpisa na ang laban ng Tiger’s Team vs. DMTech Team. Masyadong malakas ang kalaban at nahirapan sina Gian na maka-iskor. Sa 1st and second quarter ay tambak na ang team nila 15-0 hanggang 3rd quarter kaya parang nawalan ng pag-asa ang buong team. Kahit anong sikap na gagawin nila upang maka-iskor ay talagang minamalas sila. After ng 3rd quarter ay nagtime-out ng ilang minutes. Ilang sandali pa’y nagstart na ang fourth quarter. Almost pagod na sila lahat dahil wala silang sub pero minabuti pa rin ng team na lumabam dahil gusto nilang patunayan sa sarili nila na kaya nilang lumaban gaano man kalakas ang kanilang magiging kalaban. Nang mag-start ang fourth quarter ay puntos kaagad sa kalaban. Parang gusto ng sumuko ni Gian kahit yung coach nila ay parang nawalan na rin ng pag-asa. Ilang sandali pa ay dumating na sina Chris inihatid muna ni Chris si Zam kung safe ang dalaga sabay nagtungo na siya sa ground, at nang matanaw ito nina Gian at ng buong team ay agad silang nabuhayan ng loob. Nag sub kaagad si Chris kay Mervs dahil medyo pagod na ito. Kahit walang kasiguruhan na maipanalo nila ang laban ay ituloy pa rin nila ito kasama si Chris sa score na 6-0. Unang pasok ni Chris ay nakapuntos 3points kaagad ang naipamalas niya sa team hanggang sa natapatan na ang kalaban 6all(6-6). Lalong nabuhayan ang DMTech team. Sunod-sunod na ang hataw nila pati coach nila ay hindi makapaniwala sa kakaibang nasaksihan. Malayo na ang lamang ng team nina Chris sa kalaban at malabong mahabol pa ito. Di rin nagtagal ang laban at panalo ang team nina Chris. Abot-abot ang tuwa na nararamdamam ng bawat isa kaya sabay-sabay nilang binuhat si Chris na tila ba pinagmamalaki nila ito.
“MABUHAY SI CHRIS!!!” sigaw ng buong team na puno ng tuwa. Kahit sila ay hindi makapaniwala magtagumpay silang talunin ang Tiger’s team at mapunta ang parangal sa kanila kaya inisip ng bawat isa kung di dahil kay Chris ay maaaring matatalo sila sa laban. Masaya ang buong team kaya nakapagpasya silang e-celebrate ang natamo nilang tagumpay. Hindi rin nakatiis si Gian kaya personal itong lumapit sa kaibigan at humingi ng tawad sa naging asal niya kay Chris nung kausap ito sa phone.
“Pasensya ka na Chris sa mga naging asal ko noong mga nakaraang araw, dala lang siguro sa kagustuhan kong manalo tayo at matalo natin ang Tigers, sana mapatawad mo ako.” Ani Gian na nanghingi ng despensa sa mga nagawa niya kay Chris.
“Haha! Ano ka ba Dudes! ‘Wag ka ngang ganyan? Ako nga ang dapat na manghinge ng tawad sa inyong lahat dahil ako ang may malaking pagkukulang sa team natin. Patawarin n’yo ako mga Dudes, di ko sinadya na mangyari sa akin ang ganito.” Makahulugang paliwanag ni Chris sa mga kasamahan.
“Ano nga ba kasi ang problema mo at yung mga pinagkakaabalahan mo na pakiramdam namin ay mas mahalaga pa keysa laro mo?” ani Tj na may pilyong ngiti sa labi habang tinatanong ang kaibigan.
“A-e…Kasi mga Dudes…” bulalas ni Chris na medyo nagkakabulol-bulol na sa pagsagot sa mga tanong ni Tj. “K-Kasi ano..? Uhmmm… personal problems lang mga Dudes.” Dugtong pa ni Chris na di pa rin pinaniniwalaan ang naging rason nito.
“Personal problems daw? Pero imposible naman kung ang mga magulang mo dahil alam namin na todo suporta sila sayo? At imposible naman kung pinansyal dahil ikaw na yata ang pinakamayaman sa buong unibersidad? Pero kapag puso..?” wika ni Aeron na may pilyong ngiti sa labi sabay harap kay Chris. “Sino naman kaya siya Chris..?” dugtong pa ni Aeron habang hawak ang magkabilang balikat ng kaibigan. Medyo naasar na rin si Chris sa kakulitan ng mga kaibigan niya.
“Ano ba Dudes! Sabing wala nga, kaya pwede ba, kakain na tayo? Gutom na ako masyadong mahaba ang biyahe tapos ito pa, pagod pa tayo sa laro natin.” Aniya na medyo asar na asar na sa mga kaibigan, dahil sa inis ay iniwanan ang mga ito at lumakad siyang mag-isa palabas sa GYM kung saan doon ginanap ang laban. Late na ng maalala ni Chris na kailangan pala niya bumalik sa loob dahil may usapan sila ni Zam na sunduin siya after ng laro nila. Nagmamadaling bumalik sa loob ng Gym si Chris para sunduin si Zam.
Samantala, sa mga oras na iyon ay medyo naiinip na si Zam sa kakahintay kay Chris kaya nakapagdesisyon ang dalaga na lumabas na lang siyang mag-isa baka nga nakalimutan ni Chris ang usapan nila. Matamlay na lumabas sa Gym si Zam at parang wala ito sa sarili na naglalakad papalabas sa lobby kaya di niya namalayan ang makabangga. Masyadong malakas ang pagkabanggaan nila kaya napalsik si Zam sa gilid ng lobby. Lalo itong nanghihina dahil kakalabas lang niya sa ospital sa araw na iyon. Kamuntik na siyang mauntog sa malaking poste dahil nahihilo siya sa lakas ng banggaan na naganap. Mabuti na lang at mabilis itong naagapan ni Gian, ang nakabanggaan ni Zam.
“Hey Miss!!! Are you okay?!” bulalas ni Gian nang makita na babae pala ang nakabanggaan niya. Aktong iabot ni Gian ang kamay niya kay Zam nang tuluyan ng mahilo si Zam at nawalan ng malay. Nabigla si Gian sa pangyayari kaya tuloy nagpanic ito at hindi alam ang kanyang gagawin, buti na lang at bumalik kaagad ang mga kaibigan galing palamigan. Nabigla din ang mga ka-tropa niyang sina Aeron, Kence, Mervs, at Tj.
“Gosh Dudes! What the hell happened here?!” tanong ni Tj na medyo nabigla at mapagsino ang babaeng akay-akay ni Gian na parang di alam kung ano ang dapat gawin.
“It was an accident Dudes!… napalakas yata ang pagkabangga ko sa kanya kaya medyo nahilo siya at nawalan ng malay, Dudes, kailangang madala natin siya sa pinakamalapit na ospital mga baka mapano pa siya?!” ani Gian na medyo kabado na siya sa kalagayan ng babae.. Curious naman si Kence sa katauhan ng babae.
“Uhmmm… Gian… do you know this girl?” tanong ni Kence sa kaibigan.
“Absolutely not! Ngayon ko lang siya nakikita at nagkataon lang na nagkabanggaan kami kanina. Para kasi siyang wala sa sarili kanina nang matanaw ko siya na papalabas sa lobby, at palagay ko’y may hinintay ‘ata siya sa loob?” aniya na medyo nagtataka rin sa kalagayan ng babae kani-kanina lang.
“She’s quite cute and beautiful?! And she’s pretty much innocent I guess?” komento naman ni Aeron.
“Hey Dudes! Ikaw talaga Aeron, lumabas na naman ang pagiging playboy mo? Mabuti pa’y kunin mo na ang kotse ni Gian para madala na natin sa ospital ang girl na ‘to?” ani Mervs na medyo inis kay Aeron.
“Ikaw naman, di ka na mabiro? Noon lang yun, nagbago na ako Dudes!” aniya sabay ngiti sa kaibigan na bakas pa rin sa mukha ang pang-iinis nito.
Isinugod kaagad sa pinakamalapit na ospital si Zam na lingid sa kaalaman ng magkakaibigan ay si Chris pala ang sadya ni Zam sa Gym. Sina Aeron, Mervs at Tj na lang ang nagdala kay Zam sa ospital dahil may tinapos pang appointment sina Gian at Kence. Pagkatapos kausapin nina Gian at Kence ang coach nila ay kaagad na silang lumabas sa Org room at balak nilang sumunod na rin sa mga kaibigan nilang naghatid kay Zam sa ospital. Papalabas na sina Gian sa Org Room nang biglang matanaw nila si Chris sa may di kalayuan na humahangos ng takbo at tinungo niya ang way papuntang Gym kaya minabuti na lang nina Gian at Mervs na tawagin ito at tanungin kung ano ang pakay niya.
“Chris!” Tawag ni Gian sa kaibigan. “Saan ba ang punta mo at para kang hinahabol ng asong baliw? Kung di kami nagkakamali sa loob ng Gym ang punta mo. Ano naman ang gagawin mo doon e, wala ng taon roon?” anito na napatingin sa parang di mapalagay na hitsura ni Chris.
“Ano?! Wala ng tao sa loob ng Gym? O, God..!” bulalas ni Chris sabay sapo ng ulo. “I’m too stupid!” aniya na ikinagulat naman ng mga kaibigan ang naging reaksiyon kaya lalong na curious ang mga ito para tanungin siya.
“Bakit Dudes?! Anong problema?” nagtatakang tanong ni Mervs.
“Si Zam.. O God! What I have done wrong to her…” aniya ulit habang kimukuyom ang mga palad. “Pag may mangyari sa kanya ako talaga ang masisisi…” dugtong pa niya .
“You mean Zam? A girl?” tanong ni Gian na puno ng kyuryusidad. “So… di kami nagkamali, you maybe turned crazy because of that woman? Ayaw mo pang sabihin sa amin pero ngayon bistado ka Dudes!” Pabirong sabi ni Gian nang biglang maalala niya ang kabanggaan niyang babae kani-kanina lang. “T-Teka muna Dudes, anong hitsura ng babae na hinahanap mo?” anito na hinarap si Chris.
“Si Zam..? Simple lang, maganda, cute, inosente at friendly face, mahaba ang buhok hanggang beywang at maputi.”
“Di ba Gi, kahawig niya yung kabanggaan mong babae kanina na kakalabas lang din sa lobby ng Gym? Hindi kaya siya ang hinahanap ni Chris?” ani Mervs na lumiwanag sa ngumingitngit na mukha ni Chris.
“N-Nasaan na siya mga Dudes?! May nangyari bang masama kay Zam? Nakita n’yo ba kung saan siya nagpunta?” sunod na tanong ni Chris sa mga kaibigan.
“Oppss! Dudes cool ka lang! Masyado kang hot!? Sino ba ang Zam na’to ha at para kang nasa basketball court at takot maagawan ng bola sa kalaban, ha?” Actually Dudes, sa ospital na ang tungo namin kung saan naka-confined ang babaeng nabangga ko na Zam kamo ang pangalan niya?” Saad ni Gian na lalong ikinabigla ni Chris.
“Sa ospital?! Bulalas ni Chris. “D-Dudes…paanong..? Ano ba ang nangyari?” dugtong pa ni Chris na pinanghihinaan na ng loob. “Kasalanan ko ito! It’s my fault! Damn it! I’m too stupid!” galit na saad ni Chris na isinisi sa sarili ang nangyari kay Zam. Batid ng magkaibigan ang laki ng pagkadepress ni Chris kaya minabuti na lang nila na samahan ito sa ospital kung saan doon naka-confine si Zam.
Kaagad na nagtungo sina Chris, Gian at Mervs sa ospital na pinagdalhan nila kay Zam. Sa kotse pa lang ni Chris ay inip na inip na siya na makarating kaagad sa kinaroroonan ni Zam kaya parang halos paliparin na niya yung kotse niya makarating kaagad. Malaki ang kanyang pangamba na isa siya sa mga dahilan sa nangyari kay Zam. Alam niyang kakalabas lang ni Zam sa ospital nang malaman niyang ang araw na iyon isasagawa ang laban between Medtech Team and Tigers Team. Sisihin man ni Chris ang sarili niya ng sampung beses ay hindi na niya maibalik ang nangyari kay Zam. Ilang sandali pa’y narating na nila ang ospital. Nagmamadaling bumaba sa kotse si Chris at patakbong tinungo ang information para hanapin si Zam, nang makakuha ito ng impormasyon ay kaagad itong pumunta sa room number na ibinigay ng information staff nurse. Nang marating ni Chris ang room number na hinahanap niya ay kaagad na siyang pumasok at sa pagmamadali niya’y nakalimutan na niyang kumatok. Namangha na lamang siya ng mapagsino ang kasama ni Zam sa kwarto nito.
“I-Ikaw?!” bulalas ni Chris na may pagkamangha ng mapagsino ang nakita. “Anong ginagawa mo rito?! Nandito ka ba para saktan ulit ang puso ni Zam? Hindi ka pa ba nasiyahan sa ginawa mo sa akin at idadamay mo pa si Zam! Wala kang puso Monique!” giit ni Chris na hindi mapigil ang galit na nararamdaman sa dating kasintahan.
“C-Chris?.. Nagkamali ka Chris, mahal ko si Zam, mahal na mahal…” ani Monique na medyo nangangatog na ang boses habang dahan-dahan na pumapatak ang maliit na butil ng luha sa mga mata niya. “Wala akong intensyon na saktan ang kaibigan ko… p-pero…” aniya na naibitin dahil galit na si Chris.
“Enough Monique! Tama na ang panloloko mo sa akin! Sa amin ni Zam! Hanggang kailan mo ba ito gagawin sa amin Monique? Hindi pa ba sapat sayo ang maagaw mula kay Zam ang nobyo niya! Ano pa ba ang gusto mo Monique!?” giit ni Chris habang kuyom ang mga palad nito. Kung hindi lang babae si Monique ay kanina pa niya ito nasapak dahil sa galit. Pero mahaba ang pagtitimpi ni Chris, kahit papano ay may maganda din silang pinagsamahan ni Monique pero sinira lang ito Monique sa isang iglap. Ngayong kaharap na niya ang taong dahilan sa paghihirap ng kalooban ni Zam na siyang dahilan din sa pagbabago ng takbo ng kanyang buhay, hindi alam ni Chris kung tuluyan na niya itong kamuhian.
Habang nagtatalo sina Chris at Monique ay unti-unti ng bumalik ang malay ni Zam, laking gulat na lang ni Chris na pangalan pa ni Monique ang unang hinahanap nito. Hindi sukat-akalain ni Chris na hindi ito magtanim ng galit sa mga taong nagpapahirap sa kanya. Gustuhin man niyang itaboy palabas sa kuwarto na kinaroroonan ni Zam si Monique ay minabuti na lang ng binata na manatili ito sa tabi ni Zam.
“M-Monica..? Monica..?” mahinang sambit ni Zam sa pangalan ng kaibigan niya. Lumapit naman si Monica at ginanap ang kamay ni Zam. “Monica I’m sorry..?” anito habang tumutulo ang ilang butil ng luha sa mala-anghel na mukha ni nito.
“Shhh...? Don’t speak too much Zam, makakasama sayo? Masyadong mahina pa ang katawan mo…” ani Monique ng may pag-alala sa kalagayan ng kaibigan. “Ako ang dapat manghingi ng tawad sayo Zam, masyado yata akong naging sakim dahil sa sobra kong pagmamahal kay Nikko kung kaya nakalimutan ko minsan ang pagkakaibigan natin…” ani Monique habang pinipigilan ang mga luhang kanina pa malalaglag sa mga mata niya. “Patawarin n’yo ako ni Chris… kung hindi dahil sa akin ay hindi sana umabot sa ganito ang lahat…” aniya habang di mapigil ang pagluha, napayakap na lang ito ng mahigpit sa kaibigan upang mailabas ang nasa loob niya.
“Hey what’s wrong? I’m okay na… wala namang nangyari na masama sa akin di ba?” anito habang suklay-suklay sa mga daliri niya ang buhok ni Monique. Di napansin ni Zam na kanina pa sila pinapanood ni Chris. Nang mag-angat ng mukha si Zam ay nakita na lang niya ang hindi maipintang mukha ni Chris, tila naguguluhan ito sa mga pangyayari.
Mula nang malaman ni Chris sa Diary ni Zam ang tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni nito ay hindi na ito nagdadalawang-isip na sina Nikko at Monique ang dahilan sa kanyang paghihirap. Ang alam ni Chris ay kung di dahil sa kagagawan ni Monique ay masaya sana sina Nikko at Zam sa kasalukuyan pero ang totoo ay ang biglaang pagdedesisyon ni Zam ang siyang nagpapahihirap sa kanyang kalooban, ang kagustuhan niyang makasal sina Nikko at Monica dahil may nangyari na sa kanila. Masakit para kay Zam ang kanyang naging desisyon pero tiniis niya ang sakit at pinili niya ang magpaparaya alang-alang sa mga taong parehong mahal niya. Di niya kayang saktan ang damdamin ni Monica at ayaw naman niyang sila dalawa ni Nikko ang maging dahilan sa pagkasira ng buhay ni Monique. Mahal na mahal ni Nikko si Zam kaya pilit niyang tinanggap ang naging desisyon ng katipan kahit masakit ito sa kanyang kalooban kung ito lang ang paraan na mapatawad siya ni Zam sa minsan niyang pagkakamali.
“I-I’m sorry… nakaistorbo ‘ata ako, actually sandali lang ako dito, binibisita lang kita kaso may nauna pa ‘ata sa akin so maybe later na lang.” sambot ni Chris na iniiwas ang tingin niya kay Zam. Nahalata naman ng dalaga ang mga ipinahiwatig ng mga mata ni Chris.
“No it’s okay?” Mabilis na bawi ni Zam. “Honestly hinihintay ko rin ang pagpunta mo dito, alam ko di mo rin ako matiis e.” Ani Zam napabigla ang pagkasabi ng di mo rin ako matiis, na siyang ikinamumula ng mukha niya at agad binawi ang sinabi nito. “Este, I mean na pupunta ka raw dito sabi ng mga kaibigan mo.” Ani Zam na di makatingin ng diretso kay Chris, napahiya siya sa mga nasabi niya kailan lang. Actually yun naman talaga ang gusto niya ang nandoon palagi sa tabi niya si Chris dahil alam niyang ito lang ang tanging pumapawi sa lahat ng mga lungkot na nadarama niya. Ewan ba niya, nababaliw na ‘ata siya pero talagang maganda ang buong araw niya kapag kasama niya si Chris. Upang makausap ng masinsinan si Monica ay humingi ito ng kaunting pabor kay Chris. “Hmmm…C-Chris?... pwede bang iwan mo muna kami ni Monica, may importante lang kaming pag-uusapan? Anyway, si Monica pala, bestfriend ko mula pa pagkabata.” Aniya sabay angat ng mukha ni Monica na medyo may pagkabigla, di kasi alam ni Monique kung paano niya sabihin sa kaibigan na ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang dati niyang nobyo. “Cute din ba siya tulad ko?” aniya ulit sabay nagpakawala ng matamis na ngiti sa kaibigan na medyo tensyonado na sa paghaharap nilang tatlo. “Biro lang…mukha kasing natense na naman itong kaibigan ko, siya pala Monica, si Chris, minsan kong nakilala sa Bus Stop sinagasaan niya ako.” Ani Zam na halatang masaya ang kanyang pagkukuwento sa naging experience niya kasama si Chris. Habang nagkukwento si Zam ay parehong tahimik sina Monica at Christopher at tila pareho sila ng mga iniisip. Para makaiwas ng eskandalo ay tuluyan ng nagpaalam si Chris sa magkaibigan.
“Hmmm… I have go now Zam…hmmm…Ms. Monique? Nice to meet you.” Aniya sabay pukol ng makahulugang tingin sa dalaga.
Nagkakaharap na ang magkaibigan kaya hindi na nagdalawang-isip si Monica na ipagtapat ang lahat sa kaibigan. Hindi na niya papayagang masisira pa ulit ang kanilang relasyon bilang magkaibigan dahil sa kanyang pagsisinungaling kaya minabuti niyang sabihin ang lahat kay Zam pati na ang tungkol sa kanya at sa katauhan ni Chris. Ang totoo, kung nauna lang na magsalita si Chris tungkol sa kanilang nakaraan, ay nakahanda na siya sa anumang parusa na ipataw sa kanya ng kaibigan. Humugot muna ng malalim na hininga si Monica saka siya naglakas loob na kausapin ang kaibigan. Hindi maiwasan ni Monica ang maluha sa pagkukwento niya kay Zam sa mga nakaraan nila ni Chris, pinigilan na rin siya ni Zam na magkwento sa mga nakaraan.
“Enough?.. tama na ang minsan nating pagkakamali, ang mahalaga ay heto tayo at nagkakasundong muli, sana’y wala ng darating pang pagsubok sa pagkakaibigan natin, sana ito na ang huli Monica.” Ani Zam habang yakap ang kaibigan.
“Salamat Zam, napakamaunawain mo, ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko umpisahan ang lahat dahil takot ako pero pinalakas mo ang loob ko. Salamat sa pang-uunawa Zam… salamat…” ani Monica na di mapigil ang pagluha, di niya sukat-akalain na napatawad na pala sila ng butihing kaibigan at kahit papano ay makahinga na siya ng maluwag. Batid ni Monica na sa pagdaan ng mga araw, buwan at taon ng kanilang pagsasama ni Nikko ay nararamdaman na niyang natutuhan na siyang mahalin nito kaya kung sakali man ay hindi na mahirap para sa kanya ang magsimula.
“Uhmm… Kumusta na kayo ni Nikko?” kaswal na tanong ni Zam sa kaibigan.
“Heto, sa awa ng Diyos, okey na kami at salamat sayo ulit Zam. Teka, baka nakalimutan mo na ang imbitasyon ko sayo ha? Aasahan ko ang presensya n’yo ni Chris.” Ani Monique “Ah… Zam… kayo na ba ni Chris?” direkta at makahulugang tanong ni Monica sa kaibigan.
“Ha?” bulalas ni Zam na may pagkabigla sa tanong ng kaibigan. “No, I’m not! He’s just a friend, a good friend.” Paninigurong sagot ni Zam
“A friend? I guess so… do you know if how much he cares for you? And maybe he was fallen in love with you Zam.” aniyahabang hawak ang magkabilang pinsgi ng kaibigan. “And I guess that you also feel the same way too.” Dugtong pa ni Monica na siyang ikinamumula ng mala-anghel na mukha ni Zam.
“Nakakainis ka!? Ako na naman ang nakikita mo?” sambot ni Zam na nakanguso pa ito batid kasi niyang may tama ang kaibigan pero ayaw lang niyang aminin ang totoo.
“I want you to be happy Zam, and I guess he’s the right guy for you. How I wish that you and Chris can get along soon before I’ve got married with Nikko.”
“Monica..?”


