"Sana'y Ako Na Lang [Part Two]
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.
"Sana’y Ako Nalang"
[Part Two]
Habang nasa loob sila ng kotse ay wala na yatang ibang ginawa si Chris kundi ang pagsabihan ang dalaga sa pagiging careless niya, dahil sa inis ni Zam at medyo nabibingi na siya sa bunganga ni Chris kaya inis itong bumaba sa kotse ng binata.
“Tumulong ka nga pero ang dami mo pang sinasabi! Oo, careless na kung careless at mas mabuti pang makababa na lang dito sa kotse mo! Kung masama sa loob mo ang tulungan ako, e pasensya na! Maraming salamat ulit sa pagtulong mo! Adios!” galit na bumaba sa kotse ni Chris si Zam at pabagsak pa na sinara ang pintuan nito. Mabilis na lumayo sa kinaroroonan ng kotse ni Chris si Zam bitbit ang mga gamit niya. “Kainis! Nakakainis talaga! Tumulong nga pero ang dami pang sinasabi! Nakakabingi na eh! That idiot guy, he really pissed me off!” ani Zam habang naglalakad sa kahabaan ng España Avenue at nagbabakasakali na may taxi pa na dumaan. Lumingon siya sa likod niya kung sinundan pa ba siya ni Chris pero laking panlulumo niya na tila siya na lang ‘ata ang tao sa kalsada. Nakaramdam ng kaba at takot si Zam na baka may masasamang tao na naman siyang makasalubong, lalong niyang binilisan ang paglalakad at di sinasadyang matisod ang kanang paa niya sa batong nakausli sa tabi ng kalsada kaya di maiwasang matumba si Zam dahil na out of balance na siya. Kamuntik ng madagok sa poste ang ulo ni Zam nang mabilis itong maagapan ni Chris na kanina pa palang sumusunod at nakamasid kay Zam. Gulat ang dalaga sa pangyayari kaya abot-abot ang hininga niya. Nang tingnan ng dalaga ang mukha ng taong sumaklolo sa pagkatumba niya ay rumehistro sa isip n’ya ang holdaper kaya napasigaw siya. Sa sobrang takot si Zam at tuluyan na itong nawalan ng malay lalo tuloy na nahahabag si Chris sa dalaga.
“Poor girl!...” sabay haplos ng mukha ni Zam. Natigilan na lang si Chris nang mapansin niya ang mala-anghel at napakaamong mukha ni Zam. “She’s really innocent..? Maybe this is the reason why I easily fall for her… it’s embarrassing, but I can’t deny to myself that I love this woman.” ani Chris na halos dikit na ang mukha niya sa mukha ni Zam. Minabuti na lang ni Chris na buhatin si Zam at isakay sa kotse niya. Sa Condo na ni Chris ituloy si Zam dahil hindi rin naman niya alam kung saan itutuloy ang dalaga.
Pagdating nila sa Pacific Condo ay agad dinala ni Chris si Zam sa Unit niya. Ewan ba ni Chris pero ramdam niya ang sobrang saya ng makasama ang babaeng minahal niya na minsan lang niyang nakilala. Nasa tabi lang ng kama si Chris at inaabangan niya na magbalik ang malay ni Zam nang di maiwasan ng binata na maidlip ito. Ilang sandali pa’y nagising na si Zam, bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka.
“N-nasan ako? Anong nangyari?” sambit ni Zam habang pinagmasdan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan niya. At nang masulyapan niya si Chris na nasa tabi niya, bumalik sa alaala niya ang huling nangyari nang matisod siya sa nakausling bato.
“Siya kaya ang tumulong sa akin kanina? P-Pero bakit ganun na lang kalaki ang concern niya sa akin? Haaayyy! Kahit ako di ko maipaliwanag sa sarili ko, ang totoo, masaya ako sa tuwing nakikita ko siya. Ano bang nangyari sa akin, ayoko ng balikan ang nakaraan, ayoko ng masaktan ulit, ayoko ng isipin ang ginawa nina Monica at Nikko sa akin? Kung nasaan man sila ngayon, bahala na ang Diyos sa kanila, siguro kailangan ko ng magmove-on at kalimutan ang lahat at hanapin ko ang bagay na makapagpapasaya sa akin.” Ani Zam habang nakaharap kay Chris na nakaidlip pa rin at di namalayan ni Zam na tumulo na pala ang luha niya. Nang magising si Chris ay napansin niya iyon.
“A-e…S-sorry!... napaidlip pala ako?.. Kanina ka pa ba gising?” kaswal na tanong ni Chris kay Zam. “Anong pakiramdam mo? Are you feeling well na ba?” tanong pa ni Chris sabay tingin sa mukha ni Zam at nakita niya ang palaglag na butil ng luha ni Zam. Nabigla ang binata, ngayon lang siya nakakita ng babaeng lumuluha sa harapan niya. “Hey! What’s wrong?!” alalang tanong ni Chris sabay lapit kay Zam at pinahid ang luhang unti-unting malalaglag sa pisngi ni Zam. “Hey! Ano bang problema? Tell me and I’m here for you, no one hurts you pag nandito ka sa tabi ko. Promise, I’ll take care of you and whatever happens, I will always be here to protect you?! I swear!” paninigurong sabi ni Chris na hindi na iniinda kung ano man ang maging reaksiyon ng dalaga. Biglang natawa si Zam sa mga sinasabi ni Chris.
“Hahaha! I don’t think if you’re an idiot! How could you say that to a person na hindi mo pa kilala? Hahaha! Nawala tuloy yung sama ng loob ko dahil sa jokes mo?” ani Zam na natutuwa pa rin sa mga sinasabi ni Chris.
“I’m not stupid nor an idiot! Totoo ang sinasabi ko at lalo ng hindi ako nagbibiro, I assure you that! Galing sa kaibuturan ng puso ko ang mga sinasabi ko…” ani Chris na medyo nalungkot ito. “Una palang kitang makita ay magaan na ang loob ko sayo, hindi ko alam kung bakit pero yan ang totoo.” Dugtong pa ni Chris ng buong katapatan na siyang ikinatahimik ng dalaga.
“I-I’m sorry… sa inasal ko… pero ang totoo, di kasi ako makapaniwala dahil sobra-sobra na ang kabutihan mo sa akin, hindi mo pa nga ako nakikilala ng lubusan pero ganun na lang kalaki ang pagpapahalaga mo sa akin. Ayokong isipin na nagmamagandang loob ka lang, pero nakita ko ang pagiging totoo mo sa sarili mo, at napatunayan ko na yan ilang beses na. I don’t know if I’m happy, maybe because you’re absolutely remind me my past, especially the way you do.” Ani Zam na nalungkot na naman ito nang mabanggit ang nakaraan.
“S-Sorry din… pero I wish na ‘wag mo naman akong pagbawalan kung wala namang magagalit…” seryosong sabi ni Chris. “Hmmm… pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Ilang araw na tayong nagkakausap pero hanggang ngayon ay di pa rin kita kilala, maybe ako kilala mo na ako kung di mo nakalimutan…” dugtong pa ni Chris pero iniba ng dalaga ang usapan, sinaway niya ito dahil magmula ng magising siya ay hawak-hawak na niya ang kanang kamay ni Zam.
“Hmmm… pero pwede bang bitiwan mo muna ang kamay ko at kanina mo pa yan hinahawakan?” kaswal na tanong ng dalaga na medyo nakaunat pa ang kilay nito.
“A-e…S-Sorry!..” ang nabiglang si Chris.
“No, it’s okay…Hmmm… pwede bang ewan mo muna ako sandali gusto ko lang mag-isa kung okay lang sayo…” kaswal na tanong ng dalaga.
“No problem! E-check ko lang muna ang computer ko for updates. Sige, maiwan muna kita, if you need something, just call me to the room next from here, okay?” ani Chris sabay nagpaalam at tuluyang nawala sa isip niya ang pagtatanong ng pangalan ng dalaga. Habang mag-isa si Zam ay inayos muna niya ang kuwarto ni Chris, ng batid ni Zam na okay na ay kumuha siya ng papel at ballpen, gumawa siya ng sulat para kay Chris. Maya-maya ay tuluyan na siyang lumabas sa unit at hindi na nagpaalam pa sa binata. Ilang saglit pa ay bumalik si Chris sa unit niya dahil may nakalimutan siya pero namangha na lang ang binata sa kanyang nakikita!
“Wow! Beautiful! I like it!” bulalas ni Chris dahil sa sobrang paghanga sa pagkakaayos ni Zam sa room niya. Nang hanapin niya si Zam ay di na niya ito makita, laking panlulumo ni Chris, laglag ang magkabilang balikat at sumandal sa kama niya nang mapansin niya ang kapirasong papel sa study table niya’y kinuha niya ito at binasa.
“Hi Chris!
First of all, I just want to thank you for everything especially for being there for me in time when I’m in troubled. Thanks for the time you spent with me, honestly am really happy since that time we meet. I treasured every minute of the day when I’m with you and I’d make myself happy just to forget my past.
Eventhough, we haven’t know each other yet, but I know, you’re really such a good and kind person. I do still hopes that we can meet again… someday… somewhere…
Byebye!
Always take care of yourself…
Always,
Zam”
“Damn! That idiot! Hindi man lang nagpaalam sa akin! Pero kahit saan ka magtago Zam, hahanapin kita! Pangako ko yan, wala akong pakialam kung ano man ang nakaraan mo, ang mahalaga ay ikaw at ako, dahil mahal kita Zam!” Gigil na sabi ni Chris dahil masyadong malas ang panahon sa kanya at mailap pa rin si Zam. “Zam… Zam… yun pala ang pala ang pangalan niya, sounds familiar? Saan ko ba narinig ang pangalan na yun? Sa school? Oo maraming Zam doon pero iba ang dating sa akin ng Zam na yun. Maybe something behind her real identity.” Ani Chris na bigla siyang ginugulo sa pangalan ni Zam kung saan niya ito narinig, minsan na rin itong nabanggit sa kanya ni Monique kaso hindi niya ito maalala.
Ilang days pa ang mga lumipas ay wala ng naging balita si Chris kay Zam, hindi na rin niya ito nakikita sa library kung saan, panay siyang nag-iisa doon. Wala naman siyang pweding mapagtanungan tungkol kay Zam dahil di pa rin naman niya ito gaanong kilala, kung alam niya lang sana ang apelyido ni Zam ay madali na sa kanya ang paghahanap kaso Zam lang ang tanging nakalagda sa iniwang sulat nito. Halos hindi na nagpapahinga si Chris para sa paghahanap kay Zam pati laro niya sa basketball ay pinabayaan niya at napansin iyon ng mga kasamahan higit sa lahat si Gian.
“Ano ka ba Dude!? Wala ka ng praktis, malapit na ang laban natin? Tandaan mo, Tigers Team ang kalaban natin at hindi basta-basta ang mga yun at lalong hindi basta magpatalo ang mga yun dahil dinedepensahan nila ang titulo nila bilang kampeon. Pero Pare… alam kong kayang-kaya nating talunin ang mga yun basta nand’yan ka lang sa team natin, kaya please Dude, kung ano man ang problema mo ay huwag mo naman sanang idamay ang laro natin o, ha Pare?! Please Chris… ikaw lang inaasahan namin para maipanalo ang laban na ito…” ani Gian na pilit kinukumbensi ang kaibigan.
“Pasensya na kayo mga Dudes, medyo busy lang ako may inaasikaso kasi akong kaunting problema, di bale babawi ako.” Kaswal na paliwanang ni Chris na halata naman ni Gian na parang binagsakan ng langit ang kaibigan kaya minabuti na lang nito na yayaing mag-inuman silang magkakabarkada. Binubuo ang team nila sa anim si Aeron, Gian, Kence, Mervs, Tj at si Chris pero si Gian ang guide ng team nila kaya kung may problema, si Gian na rin ang nag-aayos.
Batid ni Gian ang problema ng kaibigan kaya minabuti na lang niya na pasayahin ito. Pumasok sila sa isang Bar at doon umorder ng imported wine si Gian. Nakaisang tagay lang siya kay Chris nang pinadagdagan pa ito ulit ng pinadagdagan hanggang sa kunin na niya ang isang bote at nilaklak ang natirang kalahating laman nito. Namangha ang buong team sa ginawa ni Chris, nalasing kaagad si Chris dahil sa tindi ng epekto ng imported wine kung kaya kahit anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.
“Zam…Zam… bakit pinahirapan mo ako ng ganito?.. Zam…Zam…” ani Chris na ikinagulat ng mga kaibigan ang pagbanggit ng pangalan ni Zam dahil ni minsan ay hindi naman ito nagkukwento sa kanila ng personal.
“Sino ba si Zam?” ani Gian sabay harap kay Tj. “Tj, sino ba si Zam? May alam ka ba tungkol kay Zam Pare?” kaswal na tanong ni Gian kay Tj.
“Z-Zam? Wala akong natandaan Dude na may kakilala siyang Zam, ang alam ko si Monique lang ang babae sa buhay niya kaya imposibleng hindi niya sasabihin sa atin kung meron man?” sagot ni Tj na wala ring alam tungkol sa Zam na nabanggit ni Chris. Di rin nakatiis si Kence at sumali na rin ito sa usapan.
“Z-Zam kamo mga Dudes? Bakit di natin tanungin si Monique, baka may alam siya tungkol kay Zam? Alam ko si Monique lang ang may maraming alam tungkol kay Chris.” Ani Kence sabay suggest na si Monique na lang ang tanungin nila kaso wala silang alam tungkol kay Monique kung nasaan na siya buti na lang at magkakilala sina Monique at Mervs dahil magkaibigan din sila nito noong high school pa sila.
“Si Monique ba? Yes, may cell number ako ni Monique pero di ko alam kung ito pa ang gamit niya hanggang ngayon?” ani Mervs pero sinubukan pa rin niyang e-dial ang number ni Monique. Fortunately, nakausap nila si Monique kaya minabuti na lang ni Mervs na tanungin ang exact location niya para mapauntahan nila at makausap ng personal. Habang sina Aeron, Kence, Tj ay minabuti nalang na ihatid sa Condo si Chris dahil sobra na ang kalasingan nito.
Samantala, sina Gian at Mervs ang personal na nagpunta sa bahay ni Monique at sa kabutihang palad ay nakausap naman nila ang dalaga. Isinalaysay ni Gian ang lahat pati na ang tungkol sa pagbabago ni Chris kung saan si Zam ang dahilan sa pagbabago.
“Totoo ang lahat mog narinig Monique, kaya kami napunta dito ay upang malaman namin ang tunay na pagkatao ni Zam.” Ani Gian kay Monique. “May alam ka ba kung sino si Zam? Ha, Monique?...” tanong pa ni Gian sa dalaga.
Parang hindi makapaniwala si Monique sa mga sinasabi ng mga kaibigan ni Chris. Alam ni Monique kung gaano siya kamahal ni Chris kaya imposibleng totoo ang mga haka-haka ng mga kaibigan ni Chris. Pero naisip din ni Monique na posibleng mangyari din iyon dahil sa tagal ng panahon ay maaaring magbabago din ang takbo ng isip at puso ng dating nobyo. Gayunpaman, nabigla si Monique sa pagkadawit ng pangalan ni Zam, alam niya kung gaano kalaki ang kasalanan niya kay Zam at sa pagkakaibigan nila, kaya naisip ni Monique na kung si Zam man ang babaeng hinahanap nila, mas ikatutuwa niya ng malaki kung si Chris ang maging katuluyan ni Zam dahil sa isip-isip ni Monique, si Zam ang nababagay para kay Chris. Hindi man sigurado si Monique pero minabuti niyang makatulong sa mga kaibigan ni Christopher Bryan.
“May kakilala akong Zam, pero di ko alam kung siya ang hinahanap n’yo, pero ‘wag kayong mag-alala, para kay Chris tutulong ako.” Kaswal na sabi ni Monique na ikinatutuwa ng magkakaibigan. Hindi na rin nagtagal sina Gian at Mervs sa bahay nina Monique at Nikko kung saan kasalukuyan na silang nagsasama hindi bilang mag-asawa kundi gaya ng dati, mabuting magkaibigan pa rin.
Nagmamadaling bumalik ang magkaibigan sa Condo ni Chris at nang makarating sila ay siya namang paggising ni Chris kaya hindi na nag-aksaya ng panahon si Gian at inusisa na niya si Chris sa pangalan ni Zam.
“A-Uhmmm…Chris..? S-Sino si Zam?..” makahulugang tanong ni Gian sa kaibigan. “Kanina ng malasing ka ay panay banggit mo sa pangalang Zam, sino ba siya Pare at parang halos sirain mo na ang buhay mo dahil sa kanya?” Tanong pa ni Gian kay Chris.
“S-Si Zam? Ah… wala yun mga Dudes, baka sa sobrang kalasingan ko ay kahit anu-ano na ang mga lumalabas sa bibig ko. Pasensya na kayo mga Dudes at ang laki ng hassle na binigay ko sa inyo sa araw na ‘to. Pasensya na talaga…” kaswal na sagot ni Chris na pilit umiwas sa mga tanong ni Gian kung kaya iniba na niya ang usapan. “Huwag kayong mag-alala mga Pare dahil sisiguraduhin kong maipanalo ang laban natin vs. sa Tiger team.” Seryosong sabi ni Chris na pilit pinapaasa ang mga kaibigan sa kanyang mga pangako.
“May tiwala kami sayo Dudes…” ani Tj sabay tapik sa balikat ni Chris. “Kaya sana present ka sa gaganaping kumpetisyon.” Dugtong pa ni Tj.


