Sana ay muli ako/kaming makabalik sa inyo... (isang maikling kwento)

dyeppri's picture

             

Bulag ang pag-ibig kasabihan na sa atin

ngunit para sa’yo ang pag-ibig ko ay duling

pagkat dalawang beses ako sayo may pagtingin

kay tindi ng yung dating sa puso’t damdamin

sa tunay kong pagmamahal natotorpe sa’yo

mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato

dahil alam ko rin walang ibubunga ito

natatakot akong mawala ang isang katulad mo

lakas tama akoy nawawala

nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta

lakas tama ako’y nawawala

nawawala ang isip ko kapag.... Blaggg...blaggg,,,,blagggg....

“ano yun pards?” sarap ng paghampas ko sa tambol ng drums habang sinasabayan ang mga angst sa pagkanta ni katoto nang biglang maistorbo sa kalabog ng gate na bakal.

“teka at titingnan ko!” sabi ni Edgar na aming gitarista at sinamahan na rin na siya sa labas

“pwede ba itigil na ninyo yang ka-ingayan ninyo o duon kayo sa parang at nakakabulahaw kayo sa gustong magpahinga! Buwiset...mabuti sana kung labsung yan at nasasabayan namin e puro hiyaw at kalabog eh!” pagalit na sabi ng mga kapitbahay nila

“pasensya na po kasi wala pa kaming budget para mag-insayo sa studio...hihinaan na lamang po namin.” mahinahong pakiusap ni Edgar. Wala pa kasi kaming puhunan kaya’t kung saan-saan muna lang kami tumutugtog ng panahong iyon...Naiintindihan namin sila na ingay ang kanilang pakiwari sa aming maingay na musika...Madalas talaga ay sa isang kulob na kuwarto kami tumutugtog kaya nga nabansagan ang mga kagaya namin na underground bands... Yung parating nahihiyang ipahiwatig ang damdamin sa bagsak ng musika at minamabuti na itago ito at tugtugin sa loob ng isang kahon...upang kami-kami lang ang makarinig at makadama noon.

Kahit ang daddy ko ay mura ang inaabot ko dahil isa daw itong kalokohang maituturing.Pinaturuan daw niya ako noong bata pa ako ng piyano sa isang tutor para sa isang musikang makabagbag damdamin ngunit ano na ang ginawa ko ng matuto ako. Wala, puro ingay daw ang alam ko! Napalitan na ang My Way ni Frank Sinatra ng My Way ng Pantera...grabe nga!!! 

“Papano natin mapra-praktis yang piyesa kung mahina ang paghataw natin...pwepwede ba yun e yang electric guitar nyo nahihinaan ang volume pero ang drums ko pwe-pwede ba na dahandahanin ko ang hampas nito. Mabuti umuwi na tayo at bahala na bukas.” may TV guesting kasi kami sa ASAP bukas kaya dibdiban ang aming pag-eensayo ngunit mahirap talaga dahil hindi pa gaanong tanggap ng mga tao ang aming musika. 

Maganda naman ang pagtanggap ng mga audience kinabukasan. Marahil siguro sa patuloy na nagta-top ang aming kanta sa FM radio. Marami na ang nakakasabay at marami na ang nagtatanong at gustong tumanggap sa amin.

Sabi nga ng lola ko “apo hmmm, maingay nga pero maganda naman ang sinasabi ng kanta.” kasi medyo binge na ang lola ko kaya siguro labs na nya kami. 

Sunod-sunod na ang apperances namin sa TV at kahit mga bata sa kanto o mga pasahero sa dyip ay nakikisabay na sa musika na nanggagaling sa basag na speaker. Todo ang volume ni manong driver at sarap na sarap sa pagsabay sa hiyaw ng aming kanta. Nakangite lang ako at nakikinig sa mahinang pag-awit ni Inday na mukhang galing sa pamamalengke dala ang isang plastik na puno ng gulay. Nakalitaw pa ang isang tali ng sitaw at lumilitaw din ang madilaw nangipen sa pagsabay sa kanta. 

“Pards sa bahay na lamang tayo magpraktis kasi walang bantay sa kapatid kong may sakit at gusto rin niyang makinig sa atin.” pakisuyo ni Edgar

“Hindi ba’t pinagmumura tayo ng mga kapitbahay nyo noo dahil sa ingay natin?”  tanong ko

“Okey na yun at makikita n’yo!”   

lakas tama ako’y nawawala

nawawala ang isip ko kapag nakikita ka sinta

lakas tama ako’y nawawala

nawawala ang isip ko kapag nakikita ka sinta... Blaggg...Blagggg...

kalabog ulit sa gate.Nilabas namin at nakita namin na maraming tao sa labas na nakadungaw at pilit kaming tinatanaw. “Isa pa..Isa pa please!!!” sigaw noong mama na natatandaan ko na siya yung nagpalayas sa amin noon at galit na galit sa ingay daw ng aming musika. Nagpasalamat na lamang kami at binuksan ang gate.

Masayang nakipag jamming sa amin sila manong, inday at dudong kasama ng iba pang kapitbahay ni Edgar. Inabot na ata kami ng umaga at medyo nalasing din habang tinatagayan kami ng malalamig na beer. 

Lumipas ang ilang taon at nawawala na muli sa sirkulasyon ang maiingay na banda na tulad namin. May ilan pang natitira ngunit hindi naman sila ganoong kaingay na kagaya namin. Hindi namin kaya ang ganoong klase ng tunog...malamya para sa amin.

Balik na muli kami sa underground scene. Wala na muli kaming matugtugan.

Minsan sinubukan ulit namin sa bahay ni Edgar ngunit kagaya noong una ay napalayas kami at istorbo daw sa mga gusto ng magpahinga. Hindi na kami ulit tanggap ng madlang people! Nahihiya ulit kami sa aming ginagawa.  

Si daddy ko noon ay parang nakukuha na niya ang gusto ko at nabawasan na ang pagsesermon niya sa akin.Minsan nga parang gusto niya akong ipagmalaki sa mga katrabaho niya at sabihin na ako yung kumanta ng ingay sa ASAP. Nararamdaman ko dahil madalas ay sinasama niya ako sa office niya lalo’t kakatapos lang ng mga apperances sa ibat-ibang shows. Pero ngayon ay parang malamig na ulit siya sa musika namin. Napapadalas na rin ang pagbabawal niya kung gagabihin ako kasama ang mga tropapits ko. Magconcentrate na lamang daw ako sa trabaho at sa negosyo namin. 

Balik kami sa isang kahon. Lumalim na ang samahan ng mga kabanda kasabay ng paglalim ng gabi ngunit patuloy namang bumababaw muli ang pagtanggap ng madlang people.Papalubog na muli ang maiingay na banda. Mag-iintay na lamang  kaming makalabas muli sa tamang panahon.

Sa kasalukuyan ay kami-kami na lamang  ang makikinig sa aming mga ingay. Salamat po sa minsang pagtanggap sa amin at hanggang sa muling pagkikita....salamat po.

 "lakas tama ako'y nawawala..nawawala ang isip ko kapag nakikta ka sinta!" siakol


 Samakatuwid, mabuti pa si

 Samakatuwid, mabuti pa si Lola. :D

Nung high school ako, sikat yan, hehehe.  Naalala ko tuloy ang high school life ko.  Bakit kaya nakakabit sa kanta ang napakaraming alaala? 

Yun lang po. 

Ruthie

dyeppri's picture

sagot: nakakabit kasi sa kanta ang...

sagot: nakakabit kasi sa kanta ang lahat ng emosyon natin NOON habang pinakikinggan ang bawat liriko nito...dinadama ang bawat salitang namumutawi sa bibig ng singer. Parang ako noon(hanggang ngayon nman e) na kapag badtrip ay hawak ang tambol o gitara kasabay ng pagtulo ng sipon (luha na rin)... Parang pangalan mo at naaalala ko yung crush ko noong college ako. Grabe at sobrang crush ko siya (mahal ko na nga 'ata kahit sa una naming pagkikita) kaso badtrip siya kasi narinig ko na crush din niya ako...Hay! nagkahiyaan hanggang sa nagkaisnaban at nagkaiwanan... "kung maibabalik ko lang and dating...pagkakaingatan ko at aalagaan...ohhhhwowohhh....kung maibabalik ko lang..." sarap kumanta habang nageemote...harharhar!

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

Agree...

Oo nga.  Music is a language all its own.  It cuts deep, kaya nga mas madaling mamemorize ang mga titik na nilapatan ng musika.  Naalala ko pa hanggang ngayon yung mga nursery rhymes, tagal na nung mga yun ah!

Kaya para hindi mo makalimutan ang isang bagay na sa tingin mo'y minsan lang magaganap sa maikli mong buhay, gawan mo ito ng kanta o gawin mong kanta.  :D

Ako, mahilig talaga sa musika.  Kung pagod ako o malungkot, kakanta na lang ako, o kaya'y pakikialaman ang bongos o gitara ng kapatid ko.  Basta kailangan kong umawit.  Maya-maya, okay na naman ako.  :) 

Music is the speech of angels, and singing is twice praying.  :D   

TC. 

Ruthie