sando

the Yiipee's picture

may isang pitong taong gulang na bata..

kasama niya sa araw na iyon ang nanay niya...

hindi naman lingid sa isip ng bata na isang GRO ang nanay niya...

sa araw na iyon, mamamasyal sila...

sa ilalim ng umiiyak ng kalangitan, pupunta daw sila sa SM...

pero sabi ng Nanay niya, maghintay lang daw siya sa tapat ng mercury drug..

 

matapos ang maghapon,

tumila na ang ulan...

wala pa din ang nanay niya...

sa edad na 7,hindi pa din marunong magbasa ang bata..

nakatingin lamang siya sa mga mata ng mga taong dumadaan..

tinitignan siya..

suot ang isang sando..

wala pa din ang mama niya..

nagsara ang tindahan,

wala pa din ang mama niya..

hanggang sa may tanod na lumapit..

dinala siya sa DSWD...

ayaw umalis ng bata sa tindahan ng gamot na iyon...

kasi sabi niya,

babalik ang mama niya...

babalik ang mama niya...

hanggang sa wala na siyang nagawa...

may umampon na sa bata...

hindi pa din bumabalik ang mama niya..

pagkatapos ng limang taon,

nahanap ng bata ang suot niyang sando...

doon niya nalaman na hindi pala simpleng sando iyon..

ang inakala niyang mga mansta at disenyo ay hindi pala basta...

" AMPUNIN NIYO PO AKO KASI MAHIRAP LANG KAMI. WALA PONG PERA ANG NANAY KO PANG-BUHAY SA AKIN"

nakasulat sa sando ang mga katagang iyan...

ang batang iyon....

 

ay ako..

 

""'''''

wew. part 2 soon..


raquellaa's picture

hi!

sad ako dito, kawawa naman ang bata buti na lang may mabait na umapon sa kanya. next time pag may kilala ka diyan na gustong mag pa  ampon  sa akin na lang. joke ha!ha!ha!. Thanks sa pagsulat nito. More power!

the Yiipee's picture

thank you po ate :)

salamat po sa komento,kahit hindi polish yung gawa ko, salamat po. more power din po and God bless :)

 

 

letsROCKandRule v!!!

Polar Wrist Watch

The story is very much well written yet It's making me sad! I hate the mother for doing such thing to his son! And I appreciate the people who helped the boy and took care of him. http://watchesforwomenstore.info/

the Yiipee's picture

maraming salamat po sa

maraming salamat po sa komento. kung hindi niyo po natatanong eh mahilig po akong magsulat ng maiigsing kwento na nag-iiwan ng konting kirot sa puso ng mga bumabasa. base din sa totoong karanasan ko. salamat po nang marami at nagustuhan niyo ang kwento :)

god bless