Sapat na ang minsang Pag-ibig

| |

Sapat na ang isang alaala

Nang kahapong puno ng luha

Sapat na ang hapding aking nadama

Nang kahapong inibig kita

Na tunay at lubusan

 

 

Huwag mo ng ipaalala ang nagdaan

Pagkat handa na akong mag-isa

Sapat na ang sugat na sa puso ko ay dinulot mo

Sapat na ang kahapong pag-ibig na puno ng luha

 

 

Pinaniwala mo ako sa isang pag-ibig

Pag-ibig na sumugat sa puso ko

Handa na sana akong mangarap sa piling mo

Ngunit luha at pait pala ang sagot sa pangarap ko

 

 

Sapat na ang alaalang pinagluksahan ko

Pagkat ang pag-ibig ko’y hindi nararapat para sayo

Bukas sa aking pag-gising

Handa na akong limutin ka

Pagkat sapat na……….Dahil nalimutan na kita

Mark William