Sariwang Sugat
Halika at sama tayong umupo sa tabi.
Pupunasan ko ang naninigas
na buhangin sa iyong mukha,
habang ikwento ko saiyo ang ating buhay.
Dito sa aking mga braso
Malayang isasampay ang iyong
Lupaypay na katawan, nang saganon
Madama mo ang yakap ng isang anak.
Idikit sa aking dib-dib ang sugatang ulo.
Isa-isa kong sipadin ang lapot sa buhok,
Dito ko matatanaw ang paghihimakas natin.
Bawat pirasong alikabok na kumakapit sa balat
Siyang tandang may maiuwing pagkain.
Sariwa pa ang iyong sugat,
Maamoy ko ang aking sariling dugo
Ang dugong siya ring nagbibigay ng aking buhay
Dito sa madilim at maruming paligid.
Bakit ganito? Nasaan ang gamot?
Huli kong katanungan maririning mo ba?
Ito ba ang kapalit ng ating paghihirap?
Hamak sa lambak ng lupa nagsimula ang lahat,
Dito rin ba magwawakas?



ramdam ko ang tulang ito...
ramdam ko ang tulang ito... nalungkot ako ng mabasa ko..... jonsdmur