Sawi

frederick14mm's picture
|

May Isang ngiting hindi mawaglit

Sa isip ko’y naroon at di mawaksi

may isang mukhang  walang kasing rikit

na sa puso’y isang larawang tadhana ang nag-ukit.

 

Isang ngiting di mawaglit  

maamong mukhang sa isip di mawaksi

sa dilim ng gabi pilit na ikinukubli

damdaming lito, ligaw at sawi.


sawi?

isa na namang sawi? gaano ba kadami ang sawi sa mundo? sakit ba? ok lang yan masasanay ka rin.