Sayang

| |

Sayang

Sayang at ngayon lang kita nakilala
Ngayon ko lang nasilayan ang kakaiba mong ganda
Palagi kang naiisip at hinahangad na makasama
Mapagmasdan lang ang ngiti mo, sa akin ay sapat na
<br>
Larawan mo’y laging nakaukit
Ika’y nakikita kahit mata ko’y nakapikit
Ikaw ang laging laman ng aking panaginip
Binuksan ang puso kong matagal ng nakapinid
<br>
Ngunit ako’y mayrong agam-agam
Natatakot sa maaring maging kahinatnan
Ng damdaming akin ngayong nararamdaman
Baka pait at pagdurusa ang maging hantungan
<br>
Sadya nga bang mapaglaro sa atin ang tadhana?
Tayong dalawa’y pinagtagpo sa panahong di na tama
Mayron ka nang minamahal at ako ma’y nakagapos na
Paano mabibigyang laya damdamin natin sa isat-isa?

Rodelito O. Brazal