Sayaw

mara's picture

 

Ang oras

ay dadalhin itong isipan

sa malayo

kung saan ako'y makalilipad. 

Ang lalim nitong buhay

papawiin ang tukso

na mabuhay ng para sa'yo.

Kung ako'y mag-iisa,

Mababagabag ng katahimikan

ang aking mga luha.

Dahil ito'y tungkol lahat sa pagmamahal

at aking higit na nalalaman

kung papaanong ang buhay

ay isang lumilipad na balahibo.

 

Kaya iginapos ko ang

aking mga braso

sa palibot mo,

At alam kong ako'y malapit ng lumisan.

Ang aking mga mata ay 

nasa sa iyo

at iyong makikita ang

pagkanginig kong

walang tigil.

Hindi, hindi ako hahakbang palayo

ngunit ako'y yuyuko

upang magtago sa iyong mga mata.

Dahil ang aking nadarama ay ubod ng tamis,

na ako'y natatakot na aking hininga

ay mawawala kung ito'y 

isang bula.

At mabuti nang mangarap 

kung ako rin ay maghihirap.

 

Kaya iginapos ko ang

aking mga braso

sa palibot mo.

Sana'y wala akong nagawang mali.

Ang aking mga mata ay 

nasa sa iyo,

at sana'y di mo 'ko sasaktan.

 

Ako'y sumasayaw sa silid

na parang nasa kagubatan 

kasama ka.

Wala ng kailangan pang iba

kundi ang musika.

Ang musika

ang dahilan kung bakit 

alam kong ang oras 

ay nanatili.

Ang oras ay nanatili.

Ang oras ay nanatili.

Ang oras ay nanatili.

 


mara's picture

Ito ay isang salin mula sa

Ito ay isang salin mula sa awiting "Dancing" ni Elisa.

Napakagandang kanta.

d-younker's picture

pakinggan ko nga yung

pakinggan ko nga yung kantang yan maya. =D

mck0i's picture

tsur? c ate nging makata

tsur?

c ate nging makata nnmn..

-ANACBANUA-

mara's picture

maganda yang song na yan..

maganda yang song na yan..

Polethor's picture

Nananatili

Langit, lagi hanggang sa walang hanggan.

 

 

 

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com

 

 

mara's picture

at dun pumaroon pagkatapos

at dun pumaroon pagkatapos ng kanyang sayaw.

mck0i's picture

....at sa iyong paglisan ang

....at sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko..

 

ay pag-ibig...

XDD

 

-ANACBANUA-