Sayaw sa Karimlan

d-younker's picture
|

 

 

Ang paghalik ng panulat

ay magsisilbing imortalidad

ng minsang pasakit

na iiwan sa isang pahina.

 

Pipiliin ang pagpatak ng dayap

na magdaragdag sa hapdi

ngunit gigising sa kalamnan

at sa isipang lukod ng pantasya.

 

Sasayaw sa karagatan

ng paglimot at paglaya.

Yayakap sa karimlan

na malaya sa kahapon.

 

 

 

 

 June 13, 2010 - matagal na lumipas ang buwan bago muling ginising ng panulat.


Similar entries