Sentimental
Submitted by noid on January 29, 2006 - 1:49pm.
Personal Home Page
Sonny Corpuz Sendon's blog.
Nakatira ako dati sa isang maliit na siyudad kung saan magkakakilala ang lahat ng tao. Ngayon, nakatira ako sa kagubatan ng lungsod na ang kabihasnan ay mas nilalamat pa sa nakagisnan kong lugar. Dito, maraming uwak ang umuusal ng dasal, mga askal, mga pusakal at ang ulap na kasing panglaw ng megalungsod ay tila bagot sa pagsubaybay sa iisa't isang tanawin.


