Sequel: Sa likod ng Star City...
![]()
Sequel: Sa likod ng Star City
Burger Stand: Belen
“Diyos ko bakit ngayon pa po nangyari ang lahat ng ito...labing tatlong taon po... ba- - -kit nyo po ipinagkait ang matagal ng pinakaiintay...o bakit?! Mahal na mahal ko siya..” at tumulo na ng tuluyan ang luha ko habang pinagmamasdan ang hampas ng mga alon sa tabing pampang ng manila bay sa likod ng Star-City. Pangatlong taon ko na sa pangungulila sa asawa kong si Mario simula ng iwan niya ako at tuwing alas siyete ng gabi ay sumasaglit ako dito sa parking lot upang sariwain ang lahat. Ginagawa ko ang mga bagay na ito... ang mga bagay na nagpapasaya sa akin at dumudrog din naman sa aking damdamin. Pilitin ko daw kalimutan ang lahatt ngunit hindi ko magawa, hindi ko kaya dahil patuloy na nananariwa ang mga sugat ng kahapon sa tuwing makikita ko ang lugar na ito... ang lugar kung saan una at huli kaming nagkita...
“Ano ka ba naman at sa tuwing susunduin mo ako dito sa burger stand eh sa malayo ka pa rin nakatingin, kailan ka ba titigil ha... kailan ka ba titigil sa paghahanap mo. Labing-tatlong taon na— " pinutol ang pagsasalita ko
“Sandali Mahal at parang kilala ko iyong kasama noong binatilyo...” at lumapit siya sa mga nag-uusap at ginawa ko namang tumigil sa kakadaldal dahil sa nakita kong kaseryosohan sa mukha ng aking asawa. Nanginig ang buto at kalamnan ko sa ‘di malamang kadahilanan at parang ayaw kong malaman ang magiging kasagutan sa aking nararamdaman
“b- -aka mahuli tayo na nakikinig. Si - - no ba siya, ang anak mo?” pabulong kong naitanong sa titig na titig na kong asawa sa isang matandang babae at binatilyo na kung titingnan mo ay siguro'y nasa labing-walo hanggang dalawampong-taong gulang ito tapos may kasama pa pala itong animo’y siyota na napakagandang dalagita. Masasabing medyo mestiza ito at nababagay talaga metisuhin din namang sa binatilyo...
“Maaari nga na anak ko siya dahil kahawig na kahawig ko siya noong ako'y bata pa at yung matandang babae ay si yaya Using iyon...teka at aking lalapitan. Marahil ay hindi naman na nila ako makikilala. Dyan ka lang mahal ko...” utos niya sa akin pero dahil sa aking kakaibang nararamdaman at patuloy na dagundong nang aking puso ay sumunod ako sa likod ng aking asawa at iniwan sa aking mga alalay ang burger stand. Nagmamatyag sa malapitan ang aking asawa at ako naman ay pinagmamatyagan ang aking asawa sa ‘di ka layuan
“Ale... ale... pwede po ba kayong makausap?” sabi sa mahinang boses ng aking asawa sa matanda nang medyo mapalayo sa mag-syota
“A- -ko po ba ang tinatawag nyo? Ahhhh.... ikaw si...??? at nagulat na tinuran nito. Nakilala ni yaya yata ang aking asawa. Dilat na dilat akong nanakikinig sa mahinang usapan nila at patuloy na nagkukubli sa isang halamanan
“OO ako nga ito yaya...”
“Sir... kamusta na po kayo!!!” at tuluyan ng humagugol sa iyak ang matanda
“Mabuti...mabuti yaya. Si – ya na ba si Angelo yaya? Siya na ba aking ang anak—“
“OO Sir...Opo” sagot ni yaya na di ko napansin na tuluyan ng tumulo ang laking luha sa mga mata. Magkahalong saya dahil labing-tatlong taon na naming pinagdarasal ang araw na ito ni Mario sa halos lahat ng simbahan sa kamaynilaan at lungkot naman na may kahalong pangamba na baka ito na ang maging dahilan ng pag-iwan sa akin ni Mario. Baka bumalik na siya sa tunay nitong asawa...baka nagbago na ito..baka sila pa ulit sa huli...napakaraming baka ang pumapasok sa aking isipan nang mga sandaling iyon at patuloy sa pagtulo ang aking luha sa namumugto nang mga mata, mahapdi na at kumikirot na tumatagos sa aking puso. Gusto ko mang tumakbo papalayo ngunit hindi ko iyon magawa at parang nananabik na malaman ang susunod na mangyayari sa kanila
“La--lapitan ko siya yaya..”
“Huwag Sir... dahil kasama niya si Margarette na nobya niya. Baka magalit si Sir Angelo dahil nga po maldita yang babae at mapahiya si Sir kapag nalaman na ikaw pala ang ama niya at hindi...si Sir Leonard.” lumokso ang aking puso nang marinig ang sinabi ni yaya na may asawa na pala ang tunay na asawa ng asawa ko.
“Gawan mo na lang ng paraan yaya please na magkausap kami – - - Mahal, halika nga dito at lumabas ka dyan sa pinagtataguan mo ng makilala mo si yaya Using.” at nakita pala ako niya kaya mabilis akong lumapit sa dalawa. Medyo kalmado na ako ngayong humarap at nagpakilala bilang bagong asawa ni Mario. Mabait pala talaga si yaya...
“Maiwan ko po muna kayo Sir-Ma’am at gagawa ako ng paraan na mahila ko sa inyo si Sir Angelo...” at iniwan kami sa kabilang kanto ni yaya Using at nagmamadali itong humabol sa magsyota “Mahal parang familiar sa akin si Margarette na nobya ni Angelo. Parang nakita ko siya na may ka holding-hands at sweet na sweet na kumain sa burger stand natin pero iba ang kasama niya.”
“Sigurado ka ba eh ang daming kumakain sa atin?”
“OO naman kasi nga ang nagbayad noong kumain sila ay si Margarette at gandang-ganda ako sa kanya talaga pero... bakit siya ang babae pa ang nagbabayad... sabagay ay posi naman kasi din yung kasama niya pero syempre pogi din si Ange..”
“Huwag mo na tapusin at kung ganyang babae pala siya ay pwe-pwede ako magpakita sa kanilang tatlo. Anak ko si Angelo at may karapatan ako bilang ama niya. Puta siyang babae! Putang-ina niya!!! Kay tagal ko itong inantay eh Puta pala siya..” nang-gigigil sa galit na iniwan ako ng asawa ko at sinundan ko ulit siya.
Ganoon nanaman ang eksena...sinusundan ni Mario sina Angelo at ako naman ay sumusunod sa asawa kong si Mario. Napakadaldal ko kasi eh pero tama din naman sa palagay ko na sinabi ko agad iyon at baka makawala pa ang anak niya
“Yaya saan ba tayo pupunta at kelangan nating iwan si Margarette duong mag-isa?”
“Angelo kasi... siya ang tunay mong Daddy!” mabilis na sabi ni yaya ng makabanggaan pa si Mario sa kasusunod sa kanila
“Daddy..ikaw nga po at natatandaan ko po iyon kahit aapat na taong gulang pa lamang ako'y iwan mo kay mommy...” sabi ni Angelo na wala man lamang reaksyon sa mukha nito parang balewala na makita ang ama nito
“Hindi mo ba yayakapin ang Daddy mo anak?!”
“Hindi na po kailangan at tara na yaya at baka nag-aantay si Margarette” at mabilis na tumalikod si Angelo at kitang-kita ko ang panglulumo ng asawa ko na tuluyan na muling umiyak na siya na ring naging dahilan ng pagtulo muli ng luha ko. Nilapitan ko si Mario at walang salitang niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit upang ipasa niya sa akin ang bigat na nararamdaman. Parang hinang-hina siya at gustong matumba sa kinatatayuan...
“Halika na Mario.. halika na...”
“Sir Mario...huwag kayo mag-alala at kakausapin ko ang anak mo at ipapaliwanag po. Ito po ang number ko sa papel at tawagan nyo na lamang po ako bukas. Paalam po Sir..” sabat ni yaya ng makita ang kalagayan ng dating anak-anakan nito
“sige yaya...salamat!” sagot ko at hinila ko na si Mario papunta sa likod ng Star-city sa tabing dalampasigan upang maibsan ang kalungkutan nito. Dito sa baybayin ng baywatch kami parati nagmamasid at nagpapalipas ng mga oras kapag napapaaga ang dating namin sa trabaho. Itong lugar na ito ang saksi sa maraming pangyayari. Iyak at tawanang walang humpay ng ibat-ibang pusong marunong magmahal, kasama na duon si Mario...
“Mario...Mario ayun si Margarette at kayakapan pa yung lalaking sinasabi ko sayo!!!”mabilis na kong sinabi ng mamatyagan ko sa ‘di kalayuan ang dalawa na parang may tinataguan sila sa loob at mabilis ding bumalik ang dating lakas ng aking asawa na tinungo ang dalawa
“Teka...teka Mario at anong gagawin mo!!!” muling dumagundong ang aking puso dahil alam ko kung ano ang kayng gawin ng aking asawa, kilalang-kilala ko na ang ugali niya basta para sa pagmamahal sa anakay kaya nitong gawin ang lahat. Tama ba ang nasabi ko nanaman sa kanya.. mali ata...mali nanaman ata ako ang patuloy na naiisip at nagtatalo ang aking damdamin habang humahabol sa mabilis na lakad niya
“Hoy babae at sino itong kinakayakap mo samantalang naanduon sa loob at naghahanap sayo si Angelo...” tinuran ng aking asawa habang hinihila papalayo sa lalaking kayakap nito si Margarette
“ Bulshitt... who are you ba?! tulungan mo ako..” sigaw ng babae sa kasamang lalaki habang pilit nagpupumiglas sa mahigpit na paghila ng aking asawa
“Putang-ina mo...putang-ina moooo!!!” sigaw ng lalaki ni Margarette at habang sinaksak nito sa tagiliran ng ilang beses ang aking asawa na siyang naging dahilan ng pagkabitiw nito sa dalaga. Napakaraming tao ang nakakuha ng atensyon sa pangyayari iyon at mabilis na naki-osyoso ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ako makagalaw sa pagkabigla lalo na ng makita ang pabagsak na katawan ng aking pinakamamahal asawa...
“Mario...” sigaw ko at mabilis na inilagay ko sa aking kandungan ang duguang katawan niya at pilit na pinakikinggan ang mahinang mga salitang namumutawi sa bibig ni Mario
“Angelo patawarin mo ako kung naging duwag ako noon... Angelooo... at tuluyan ng binawian ng buhay si Mario.
Mabilis kong tinawagan si yaya ng bumalik ang katinuan ko...
“Wala na ang daddy mo Angelo...wala na siya sayong tuluyan...wala na.... binigyan kayo ng pagkakataong mag-usap ng Diyos ngunit hindi mo siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag... Mahal na mahal ka niya at walang araw na hindi niya binangit ang pangalan mo sa akin...Naging duwag siya noon, OO.. pero para iyon sa sayo dahil maaari siyang patayin ng Lolo mo ng mga sandaling iyon o ipakulong ng Tiyo mo...” mga huling sinumbat ko kay Angelo sa loob ng ambulansiya at iyon na din ang huli naming pagkikita
“Miss...miss... gusto mo bang bumili ng payong kasi umaambon na!” sabi ng binatilyo sa akin na siyang nagbalik sa katinuan ko...
“Ay hindi na!” sabay tumayo ako
“Panyo baka naman gusto mong bumili kasi umiiyak ka na rin!” makulit at pangiting sabi nito na may kahalong pang-uuyam sa akin
“Wala kang paki-alam!” at tumakbo na akong pabalik sa loob kasabay ng malakas na buhos ng ulan... Siguradong bukas at sa susunod pang bukas ay makikita ulit akong nakamasid sa dalampasigan sa likod ng Star City...
END...
Ok
Sir ok! pero parang nabitin ako sa ending, ang bilis ng ending... ehehehe
Kasi nga...
Kasi nga maikling kwento-- dapat nga blog lamang ito pero humaba ng humaba na parang pagsesenti ko na humaba na at ilang oras at araw na eh ganito p din ako...
salamat at sana nagustuhan mo ang kwento at 'ala namang kwenta (ang pagsesenti ko)....Grrr
okinamsheet-tlga!!!
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...
Hahaha!
Maganda yung ginawa mo... naaliw ako habang walang ginagawa sa office!
pwde ba i-overtime ang pagbabasa ng blog? hahahaha!!!!!! gawa ka pa ulit para makatulong ka sa mga taong nasa opisina at wlang ibang magawa.
Sometimes I Run, Sometimes I Hide.... Hit me baby one more time!!!
sige kuya kim, este zorro
sige kuya kim, este zorro ikaw ba yan? utuin mo pa maniniwala na yan!
mahirap...
mahirap ang pagbre-brainstorming kapag kumakalam na ang gutom n bituka habang nakadungaw lang ay ang butiki sa bintana ng kisame sa harap na butika...mabuti pa ay kumain na muna ngunit 'ala pang ulam kundi isang malaking buntong hininga....HAY!!!
Pedro di nga siya si zorro o kim atienza kc kaklase ko siya noong college, siya si gardo versuso(yung gumanap s machete) kasi kahawig nila preho...silang pogi! (pero 'di me bading ha at humahanga lang...pakiss nga!)
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...
ay naku ako bading na bading
ay naku ako bading na bading kayo talaga mga ka-ek-ekan nyo dami nyong katauhan baboush at log-out na ang bading!
Teka teka teka
Di ko alam kung continuation ito nung una mong akda, pero pilit kong kinokonek pero mukhang iba ito eh. Pero kung konektado sya, medyo nakakalito at malabo (kasi pareho ng title eh ), pero kung hindi ito konektado heto ang aking kumento.
Medyo nahilo ako nung una, dahil nga lalaki yung may akda(ikaw yun dyeppri) so akala ko lalaki ang nagkukuwento, pero nung nasa kalagitnaan (sorry, sa huling bahagi na pala) na ako nung kwento medyo sobrang nalito ako, yun pala- babae yung nagkukuwento, kaya binalikan ko uli at noon lang nagsink in sa akin na babae nga! Hindi kasi naipaliwanag sa unang bahagi ng kwento na babae yung nagkukuwento. Sabi lang kasi sa una asawa! Isa pa sa unag batuhan ng dialogue walang pangalan na nabanggit kaya hindi mo talaga matutuklasan kung sino nagkukuwento. Kaya kailangang basahin mo muna uli para may tamang execution ng imahinasyon
Gumana na yung imahinasyon ko, kaso biglang huminto kasi mali pala yung napipicture ko sa utak ko kasi babae pala yung nagkukuwento, kaya parang balik ako uli sa umpisa.
Maganda ang flow ng istorya yun nga lang medyo nakakalito kasi may kulang sa umpisa ng istorya. (Kaya kailangang basahin uli). Well executed din ang bawat emosyon at naramdaman ko yun.
Pero all in all, okay ang akda mo na ito.
Ingat bro
Spike
Sequel nga po ito!!!
Sequel nga po ito eh at hindi siya chapter 2... Medyo parallel ata tawag duon kapag ang sinundan ay binatay ang mga tauhan sa una at pati plot tsaka tema... hindi ako sure pre Spike eh( yaan mo at se-search ko). Basta hindi ito chapter 2 na siya pa rin ang narrator... tnx 
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...
Ang sequel ay pagpapatuloy....
Ang sequel ay pagpapatuloy ng unang istorya, bagamat may ending ang unang sitorya, mababanaagan pa rin ang unag istorya sa ikalawang istorya. Kaya nga yung sequel ang tawag sa pelikulang may parehong title at character, yun nga lang iba ang istorya. So nalito ako sa title kasi sequel so nagstuck na sa utak ko ay pagpapatuloy ito ng unang istorya bagamat may ending yung una. Sila pa rin ang charcter at may bakas pa rin ng unag istorya.
I search mo sa wikipedia malalaman mo. Kaya siguro nahilo at nalito ako sa kwento.
Try mo bro iresearch
Salamat
Spike
Sa palagay...
Sa palagay ko naman ay tama ako na iba ang chapter 2 sa sequel kasi ito ang sinasabi sa pinaresearch mo (ewan kung mali nga ba ako, di pa din me sure)
In many cases, the sequel continues elements of the original story, often with the same characters and settings. A sequel can lead to a series, in which key elements appear in a number of stories. Although the difference between more than one sequel and a series is somewhat arbitrary.
If the main character dies at the end of the first work, a new character (perhaps a son or daughter, or a supporting character) may take up the role in the sequel. In other cases, the main character is simply brought back, or determined not to have died, or simply replaced by a new character.
- nagtake up naman ang new char at supporting ah! Pareho ng plot at tema!
Mamaya na lang tayo magpaliwanagan at papasok na ako... Sa office try ko magopen ng net...
salamat po...
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...
Tama pala ako sa naiisip ko!
Di ko pa nakikita sa internet yung definition ko ng sequel, abay tumpak na tumpak! Sa pelikula, may sequel ang SPAWN, ALIEN, MATRIX etc. (pero alam ko rin na sequel karamihan hanggang dalawa lang) basahin mo yung definition ng sequel sa comment mo para mas maliwanag.
BAck tayo sa gawa mo, nakuha ko naman na iba ito kesa sa una mong akda, kaso inuulit ko hindi mo naipaliwanag ng maayos sa una pa lamang. Ika nga walang senyales kung sino ang nagkukuwento, ni sa dialogue hindi pa rin malaman kung asawang lalaki o asawang babae. At dahil gumamit ka ng mga panghalip panao na AKO, ang mambabasa ay agad nacoconclude na lalaki ang nagsasalita kasi lalaki ang may akda(alam ko karamihan ganun, although kahit hindi mo buhay yung isinulat mo pero duon sila huhugot ng imahinasyon kasi hindi nila mapicture sa unang bahagi ng kwento eh kung sino yung karakter na nagkukuwento).
Hindi lang siguro naelaborate ng konti, marami na rin akong nabasang mga lalaking manunulat, na ang tauhan nya ay babae at ang dialogue ay galing sa babae. Subalit malinaw nilang nailalarawan ito sa umpisa pa lang ng kwento at sa takbo ng istorya sa umpisa.
Hindi na mahalaga kung sequel ito o chapter 2 pero ang mas mahalaga ay yung kaliwanagan ng istorya sa unang bahagi pa lamang.
Pero syempre isalang alang pa rin yung Title kasi dito magsisimula ang imahinasyon ng mambabasa.
Ingat bro
Spike
wow....ganda ng usapan
wow....ganda ng usapan dito.. ano nga ba ang sequel? aba magamit nga iyan sa new nobela ko hihihihihihi.... wala lang....jonsdmur
ang aking pong comment
Napaka-komplikado naman ng nangyari sa kanila… kaya lang medyo nakulangan na ata sa emosyon compare dun sa unang part. Mas okay siguro kung na-emphasize ang point of view ni Angelo nang malaman at makita niya na patay na ang tatay niya. Para sa akin kasi medyo nakulangan ako sa emosyon sa part na iyon. May hinihintay akong mangyari na hindi nangyari. Naiwan sa ere iyong issue, hindi rin naayos… medyo naguluhan din ako kasi ang alam ko kasi ang unang part mo POV ni Mario tapos ngayon, ibang POV naman.. Iyon po ata ang conflicting. Kung sequel siya, pareho lang dapat siguro ang POV.
Pero maganda ang kwento… nakakalungkot…
Best regards,
melay







sorry!
Sorry! I'd tried my best to edit this pero ayaw talaga eh! Mas lalong gumugulo...(baka merong may alam kung papano ang madaling pag-eedit o pag cut & paste dito. tnx)
Pakibasa muna ang first part para ma-appreciate ang sequel or huwag mo na lang basahin pa ito...OK?
(makakarma ang hindi bumasa sa 1st part..hehe)
Salamat powww...sa uulitin...
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...