Shall I stay or let go?

| | |

Sabi nila “What doesn’t kill you makes you strong”. Pero sana dun na lang yun natatapos. Parang yung isang kasabihan din sa English na “Only the truth will set you free”. Sa akin kasi me karugtong pa iyun eh. Seguro mas magandang sabihin na “What doesn’t kill you makes you strong but will make your life miserable first” (and that is if you were able to survive but what if not?). O kaya yung isa naman “Only the truth will set you free but loneliness will burn you down”. Yung mga nauna kasing kasabihan na walang karugtong eh the main purpose of which are to console and uplift the spirit of the person in sorrow pero me isang elemento na hindi ikino-consider – yung tinatawag nilang “aftermath” (oo nga pala, bakit hindi tinawag na “afterscience” o seguro mas approriate ang “afterhistory”). In reality kasi, paano ba makakapag-cope-up. Sabihin lang ba na “sige ok na ako” eh ok na nga ba? Kailangan bang talikuran na lang ang isang bagay o pangyayaring nagdudulot ng sakit or a disturbing or mind-buggling experiences? O kailangan bang harapin na lang ito na with a brave or gallant heart and ready to face whatever the consequences are? Ewan ko nalilito ako. Paano ba magpapaalam sa taong mahal mo na hindi ka masasaktan? O kaya naman kung mahalaga ka rin sa kaniya, hindi rin siya masasaktan sa pag-alis mo? Parang weird ata, pupuwede ba yun na aalis ka at iiwanan mo yung taong mahal mo pero hindi ka masasaktan? Baka nga mas matindi pa ang sakit na maramdaman mo. Kung aalis ka pareho kayong masasaktan pero kung magi-stay ka ikaw lang ang mahihirapan pero ang taong mahal mo hindi.  Kaya mo ba yun? Ang magsakripisyo para sa mahal mo? Ang tangapin ang lahat ng sakit para lang sa ikakaligaya niya? How much willing the person in love could take the pain and sacrifice his own happiness? Seguro ang sagot eh depende na kung gaano niya kamahal ang isang tao. Mas maganda segurong itanong kung bakit kailangang magpa-alam pa? Bakit ba kailangang umalis kung mahal mo naman siya? Matatawag pa bang healthy ang isang relasyon kung meron nang nasasaktan? Meron pa bang tatamis o papait sa isang pagmamahal na puno na nang hirap at pasakit? At alam mong sa bandang huli eh mababatbat ng hirap at dusa? Ito kasi yun eh, have you ever loved a wrong person? Wrong person in a sense na hindi pupuwedeng maging kayo because of so many insurmountable hindrances like social status, age difference, health conditions and religion (or seguro parehong lalaki, hehehe). Pero paano mo ba ipaglalaban ang isang bagay na alam mong me mali at hindi pupuwede? Paano kung mahal mo? Maraming katanungan ang bumabangon sa bawat isang tanong. Mga tanong na hindi ko kayang sagutin… mga tanong na nagpapahirap sa aking kalooban. Shall I stay or let go? (But I love her and she mean the world to me.)  

RONNIE CAILAO

aireen's picture

haist! hirap nga yan

haist! hirap nga yan ronnnie

Kahit ako nahihirapang sagutin yan..

Pero mas mainam siguro kung let go na lang., sa ikatatahimik ng kunsensya..

kahit na nagpupumiglas ang puso't isipan dahil mahal mo nga ang isang tao..

NGunit di na maaari  pa na maging kayo...

---

Pero kung maaari pang ayusin at kung talagang mahal mo.. go! hold on.. stay!

basta't wala kayong ibang taong nasasaktan..

owkeee...??

hahahaha

cheers!

aireen

thanks..

hi aireen, thanks for the advice.. but right now I am staying as a friend... hindi ko pa siya kayang mawala... ewan ko ba, seguro ganun talaga... pero unti-unti aalis din ako pagdating nung time na kaya ko na.. salamat ulit...

it's up to you..

.to love someone is never wrong...

..but...

.kung sobrang nasasaktan ka dahil sa mahal mo siya tpus alam rin niyang nasasaktan ka...then wala siyang ginagawa para mawala ung burden or pain mo then better let go...

.kung di niya alam na nasasaktan ka..then better tell him/her..then with that you can figure things out...

...or if not...then try to let go...

tnx

hi Jay,

it's a very complicated things kasi.. she knows that i am hurt and still she can not do anything about it.. she does not want me to go and she will be hurt if i do and so do i.. so i am staying as a friend and the pain will continue but what the heck... i love her. i know this is a foolish love but what can i do?

sana our situation is just a normal one then making decisions are not that hard.. but it's not. for how long this kind of situation will be is i do not know... seguro kakayanin ko na lang ang lahat wag lang siyang mawawala..

am i a fool? or just truly in love with the wrong woman?

ronnie 

 

 

try this...

..you are really a great lover that people will often mistake you for a fool...

..try this:

Let her go. Take your time. It may be hard at first but you need to learn how to live without her. Live your life as you want it (but i know that you really want her in your life)...so deviate from the normal things you do. rearrange your schedule perhaps or edit your phonebook..focus your self into something other than her. maybe you can rearange your room..in short...try new things that does not remind you of her.

...BUT...

..if after all of those things...you really feel...(i mean you really really feel it(fact: sometimes our emotions/feelings lie to us))...that you need her in your life..then you know what to do...

 

 

tnx again

hi Jay, tnx for your advice as i will be needing that in the near future.. the time is clicking for me and it's ticking so fast.. for the meantime i am staying as a friend and savor the joy it brings but once i already heard the big bang then i have no choice but to follow your advice.. as i have no options left then but to continue with my life.. tnx for your advice.. i really appreciate it a lot.

PanYang's picture

alam mo kuya? d ko talaga

alam mo kuya? d ko talaga alam ang sagot sa tanung mo eh... d pa kasi ako nakaranas na umibig... pero ung "move on let go" na yan d lang naman sa pag-ibig applicable yan dba? kc may ibang pangyayari naman sa buhay na ganyan din halos ang tema...

in my humble opinion lang po just follow ur heart kuya! if holding on to her is painful but its what makes u feel alive then go! and if it proves to be too much you can always let go and who knows sabi nga nila: "if he/she is the one for you he/she will go back to you..."(ay tama ba yun? hehe)

ganyan po ata talaga "si" Love kakaiba magbiro minsan nakakatuwa, minsan nakakasakit pero that's what  makes her a worthwhile companion...

kaya sana don't give up on Love...

 (hala... ano ba itong pinagsasabi koh?!) X_X

hi PanYang, ilang taon ka na

hi PanYang, ilang taon ka na ba? nakakatuwa ka naman.. hayaan mo darating ang panahon na mai-inlab ka rin at sana wag mo nang maranasan yung mga naranasan ko.. salamat sa advice...

PanYang's picture

ehehe....

ehehe.... 20 na po ako.... pero bata pa naman ako dba? (at least yun ang pakiramdam ko!) marami pa po talagang mga bagay dito sa mundo ang hindi ko pa nararanasan... nalalaman ko lang po ang mga bagay bagay dahil sa pag-oobserve... pero ika nga nila iba pa rin magturo ang karanasan... :P

gianenriquez's picture

hi ronnie.

Ronnie, kumusta ka?

medyo nakaka-relate ako sa kuwento mo. hindi pa naman namin mahal ang isa't isa. we're enjoying things. mutual understanding. pero minsan mas mahirap yun dahil andun nga kami sa adjustment period.

anyway, marami din kaming differences. he's a Buddhist, i'm Catholic. magkaiba din kami ng lahi. purong Pilipino ako, puro din siyang ibang lahi. mahirap magkaintindihan sa una. English lng ang salita. bsta madami pa. age din. lahat na ata.

pero alam mo yun. we stillstick together despite our differences. we decide to be together.

ang iba lng siguro sa tin eh. wala naman yata kaming nasasaktan. but let's face it. hindi naman pdeng magmahal ng walang ganun. di ba? kasi nga we're imperfect.

pag-isipan mo rin. walang masamang mapagod. magpahinga ka, at magpatuloy ka ulit sa pagmamahal. sadyang may masasaktan. ganun talga pero alm kong hndi ok yun.

magmahal ka lang.

"Love and it will decide everything."

gie-ann enriquez

hi gie-ann, medyo me hawig

hi gie-ann, medyo me hawig nga ang situation natin just that mine is more complicated.. kumbaga yung situation niyo is moderate and manageable but not like ours.. anyway, tapos na rin naman eh pero mahirap talagang mag-move on.. pero kakayanin ko... sabi nga eh "ang itak masakit lang kung nakaamba, pero pag naitaga na napagtitiisan na".. ito na yun eh.. the sword of damocles already found its way straight to me...

for a while i have to take a rest.. it's so tiring not only physical, mental but more so on emotional aspect.. lilipas din naman ang sakit.. sabi nga nila "it's all in the mind"..

salamat ulit sa advice.. sana sa sunod kong pag-post eh iba na ang tema ko.. salamat sa lahat sa site na ito, i found some peace of mind just reading advices from the readers.. salamat sa inyong lahat.. 

 

gianenriquez's picture

oo nga eh. medyo may

oo nga eh. medyo may pgka-manageable pa din pla yung sa amin. complicated yet moderate. hehe.

sana nga. sana.

pero hindi naman kaagad ganun. isipin mo na lang. masuwerte ka pa rin dahil hindi lahat ng tao nasasaktan. iyo yan. hindi sa kapitbahay mo, hindi sa inaanak mo at hindi sa kung kaninuman.

yes, it's tiring. napagod, magpahinga, magmahal muli. yan ang formulang mas mahirap pa sa kahit anong math formula.

mag-iingat lagi. i wish yuo the best, Ronnie.

 

gie-ann enriquez

dyeppri's picture

madali lang 'yan eh...

                                                                                                                   libog at pagkauhaw---->

 

madali lang 'yan pre. Gawin mo humanap ka ng iba. Hmmm. Tatlo agad para kung iwan ka ulit ng isa ay may dalawa ka pa. Hindi ka masasaktan. (Medyo magastos nga lamang ito at nakakapagod.hehehe. Pero epektib yan kasi ganyan ako noong kabataan ko.) Huwag mo masyado dibdibin hanggang bata ka pa. Dahil kapag tumanda ka na at nagkaasawa ay hindi mo na magagawa ang ganyan. Masasabi mo na lang. Sayang!Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

hi dyeppri, salamat sa

hi dyeppri, salamat sa advice pero medyo me edad na rin ako, i am in my early thirties na... kaso nung medyo bata pa rin ako hindi ako naging ganun ka-adventurous due to religious affiliations.. pero tama ka kasi mahirap pala yung laging ang consideration sa buhay eh ang gawin kung ano ang tama at mabuti at hindi na nako-konsidera kung ano naman yung gusto mo.. anyway, i have no regrets with my life just that i am not prepared with this kind of situation.. and at my age i am still very much vulnerable specially with the matters of heart..

hhhmmm, last night was the end of my foolishness... i hope so.. mahirap pala pag tinamaan lalo at swak sa puso.. salamat ulit..

dyeppri's picture

Sabi ng a ni bob ong...

                                                                                        libog at pagkauhaw----->

 

Sabi nga ni bob ong "huwag mo alalahanin kung hindi ka na nya mahal dahil baka bukas ay hindi mo na rin siya mahal, naunahan ka lamang." Pareho lang pala tayo eh. Kayang-kaya mo yan. Pagdating ng panahon ay tatawanan mo rin ang kalokohan mo sa kanya, kagaya ko na nasasabi ko ngayon na "buti naman at hindi siya ang nakatuluyan ko kasi ang pangit niya pala kapag tumanda na."heheheLaughing 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

hay..

hay..ang hirap talaga ng ganyan.. 

pero para sa akin, walang tama o mali sa taong nagmamahal. kung saan ka magiging maligaya don ka. kakayanin mo ang lahat kahit gaano kahirap. malayo man siya, walang problema, parang malapit lang din kung gugustuhin nyo lang dalawa. kung religion naman ang problema,  e di ikaw ang sumunod sa mahal mo. social status, magagawan ng paraan yan.. same sex?, di din problema yan.. kailangan lang ng lakas ng loob, magiging ok din ang lahat.  walang imposible kung gugustuhin mo lang. hehehe

hay macy, salamat sa

hay macy, salamat sa advice... actually, we already reach the end of the tunnel last night so i have no choice but to continue with my life.. masakit sa kung masakit pero i have my own life to live.. sana lang kayanin ko.. hhhmmm sana kung simpleng boy meets girl situation lang sana ang lahat kaso hindi eh.. salamat ulit..

naman!

phew! ang hirap! hahahaha..

kaloka! kinda pareho tau..pero ive choose to let go..kasi isang super BANG na sakit lang..unlike kung magpapatuloy ka lagi ka na namang nasasaktan..hehehe..:) kaya ka nga ng syosyota para sumaya ka diba, ma-inspired, hindi para masaktan lang..

 

time heals...give i time...:)

 

aja!

wats the problem?

hindi pinaplano ang katangahan ..

kung mahal mo sya edi sabihin watever it is hanggat wala pa kayong mga asawa goo go go! bakit ba kung masaktan ka atleast pinarating mo sa kanya ang gusto mong sabihin . Ginawa mo na ang part mo. its not a matter kung masasaktan ka sa magiging sagot nya kasi hindi mo naman sya controlado sa sasabihin nya. Ang tanging may control sa ganyang sitwasyon ay ikaw lang.

kaya go sabihin mo na total lalaki ka naman e dapat nga ikaw nagsasabi talaga e. e kung hindi ka nya tanggapin syempre let go kahit masakit pero atleast nasabi mo na mahal mo sya. di ba di ba

hindi naman lahat e puro pasakit pag na-mahal ka

pasakit siguro pag mali ang taong minahal mo

 

matatawag pa bang healthy ang relasyon kung may nasasaktan na?

teka sa paanong paraan ka naman sinasaktan nya?

depende naman yan e. kung mababaw lang yan e at kung yan ang tinatawag na selos ayos lang basta moderate lang a.

pero kung initimate na ang sakit syempre katangahan na yan let go!

 

dapat bang harapin ? 

parang sundalo lang yan sa isang gyera e. dapat alm mo kung saan ang laban nyo at kung ano ang pinaglalabanan nyo at dapat alm mo din kung kailan ka hihinto hindi yung alam mo ng tapos na ang laban e lumalaban ka pa rin

 

tama na pagod na ako

ikaw na din namna ang nakakasagot nyan e

be strong kanya kanya diskarte lang yan

basta maigi e

mag momg itorture ang sarili mo sa ganyang mga sitwasyon may mga mas mabibigat ka pang problema bukod dyan

yun n lang pag laanan mo ng time at effort

KEEP praying And believing

God bless kaya mo yan Go!!!!

hi cassandra, salamat sa

hi cassandra, salamat sa advice... i can sense that you are strong woman at sana lahat nang babae eh gaya mo. sabi ko nga sa mga nauna kong reply our situation is very complicated.. all that i have mentioned in my first post is true except that we have the same gender.. hhhmm i told her already what and how i feel and she do recognized it just that it's not possible and we both knew it.. kahit sa side niya naguguluhan din siya and obviously she also care for me.. i mean if we push through for any romantic relationship then more complications would arise.. masakit kasi andun ka na eh.. abot kamay mo na yung langit pero me mga bagay pala talagang hindi puwede kahit anong gawin..

kung sana lang puwede kong sabihin lahat para malaman at maintindihan ng makakabasa pero hindi rin kasi puwede di ba? actually, im thinking of posting one of my letter to her so that at least one could understand something about us but i am still thinking about it..

anyway, sana nga tapos na itong nararamdaman ko.. pero sabi nga dun sa nabasa ko "walang pag-ibig na nawawala sa isang iglap, sinusuyod nito ang kailaliman ng puso upang hadlangan ang kamatayan".. but i am moving on..

salamat ulit sa advices mo.. marami akong napupulot na magagandang payo at alam ko gagawin ko rin yun sa tamang pagkakataon..

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

hello musta update nito .. hehehe

journeyman's picture

ganito kasi nangyari...

 

hi cassandra, antagal na nito ah... ang totoo niyan kahit password ko na ginamit as "cantbrich" ay nakalimutan ko na.

 

nasa London na siya nag-aaral ng medecine at meron na ring bf... masaya na siya sa buhay niya at masaya rin ako para sa kaniya. paminsa-minsan nagkukumustahan pa rin kami through ym pero hangang ganun na lang.

 

Time heals all wounds sabi nga ni uncle Sam... lubhang makapangyarihan ang panahon at kaya niyang gamutin kahit ang pinaka-masakit na sugat na dulot man ng pag-ibig...

 

maganda ka pala, hehehe... ingat lagi.

 

 


"Ako'y maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay..."

Hi Ronnie

Para sa akin, as long as wala kang nasasagasaang tao sa pagmamahalan nyo go for it! Ang ibig kong sabihin, dito kasi sa blog mong ito, di mo nabanggit ang estado mo sa buhay, are you married? or married but separated..or if she's married or separated..kasi baka pareho kayong married or siya e dun pa lang magiging kumplikado na..mahirap nga yan, kasi malamang may masasagasaan kang tao or pamilya.Maghihilom din ang anumang sugat na lilikha sa paghihiwalay nyo, pero mas ikaw ang nakakaalam kung hanggang saan ang kaya mong gawin.

Ngapla, matagal na pala itong post na ito, ngayon ko na lang nabasa..ano nga palang nangyari? did you stay or let her go?

 

journeyman's picture

hi tresmarias

 

matagal na ito... ito ang naging simula ng paggawa ko ng mga tula... dun ko ibinuhos lahat ng mga nararamdaman ko... sabagay hindi lang kasi isa ang naging sanhi ng kabiguan ko sa pag-ibig.

 

mas kumplikado kesa sa mga nabangit mo ang katayuan namin pero hayaan mong sarilinin ko na lang ang lahat.

 

at sa tanong mo... not only i let her go but my feelings as well though she remains to be special to me....

 


"Ako'y maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay..."