Shut Up!!!!!
SHUT UP!!!!
akala ko tapos na ako sa pagtatago ng nararamdaman ko.
akala ko pede ko na sabihin ano yung gusto ko sabihin ng ndi maapektuhan relasyon natin.
nagkamali ako.
maling mali.
malayo sa akala ko.
ndi pa rin pala.
nag-comment lang ako kanina dun sa mag-jowa na nakita ko.
akala mo ganun ang gusto ko mangyari sa tin.
e ndi naman yun ang ibig ko sabihin e.
akala ko pede ko na sabihin yung gusto ko dahil matagal na panahon din akong naging pipi.
kasi noon, pag may sinabi ako, ako ang mali.
kahit na simpleng komento lang.
ako ang mali.
mali iniisip.
mali sinasabi.
mali lahat.
punyeta!!!!
wala ng tama!!!!!
ngaun na dumating ka na sa buhay ko,
akala ko makakawala na ako sa hawla kung saan ko kinulong ang aking sarili.
ndi pa rin pala.
nakawala ako.
nakalaya ako.
pero sa sandaling panahon lang.
ngaun...
heto na naman ako.
nagbabalak na bumalik sa hawla na aking pinagkulungan sa mahabang panahon.
sasabihin ko na naman sa sarili ko..."TUMAHIMIK KA!!! WALA NA NAMAN KWENTA MGA SINASABI MO!!!!"
sabay uupo sa sulok ng hawla...
yuyuko...
tatalungko...
at iiyak...
habang sinisigaw sa akin ang mga salitang...
"SHUT UP!!!"


