Si Amelia

may antong's picture

Isang araw may isang batang nagngangalang Amelia. Siya ay isang malungkuting bata at laging nag-iisa, tahimik ay walang kaimik-imik sa eskwelahan. Ngunit siya ay isang matalinong bata. Kahit sila’y walang kuryente sa kanilang mumunting bahay sa kadahilang walang maipambayad at madalas gutom at walang laman ang tiyan at walang walang baon sa eskwelahan ay nagsisikap pa rin siyang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral.

                Si Amelia ay galing sa isang mahirap na pamilya. Siya ang panganay sa siyam na magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang labandera. Ito lamang ang gumagawa ng paraan para lang sila ay may makain sa isang buong araw. Paminsan-minsan naglalabandera ang kanyang ina, minsan naman ito ay nagtitinda sa palengke ng mga isda at gulay at sa araw ng Linggo kasama niya ito sa may harap ng simbahan para matinda ng sampaguita. At pagdating ng gabi umaalis ang kanyang ina upang magkalaykay ng basura para ibenta sa junk shop at makadagdag sa kanilang pambili ng ulam. Samantala ang kanyang ama ay isang walang kakwentang-kwentang tao. Sa halip ng maghanap ng trabaho para may makain ang kanyang pamilya ay umaga pa lang makikita mo na siyang umiinom sa gilid ng kalsada kasama ang kanyang tropa. Bukod sa pag-iinom ng alak, madalas rin itong nasa sugalan at tumataya. Ang magulang ni Amelia ay parehong di nakapag-aral at maagang nagpakasal.

                Ngunit sa kabila ng pagiging mahirap ng kanyang pamilya buong-buo pa rin ang kanyang loob na makapagtapos sa pamamagitan ng scholarship na ipinagkaloob sa kanya at makapagtrabaho balang-araw sa isang maayos na kumpanya para makapag-ipon siya at maihaon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

 

Author: may antong
Author's Bio/Notes:

habang ginagawa ko itong story na ito ay may naalala akong isang batang babae... bale siya ung naging inspiration ko dito kaya nabuo itong isang maikling kwento.. sana magustuhan niyo...