Si Dora, ang Lakwatserang Negra

| | |

Normal 0

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Dora the Explorer? Oo, s’ya nga yung lakwatserang negra na palagi may dalang purple bag pack at may best friend na unggoy (sa dami ba naman kasi ng hayop sa mundo, unggoy pa ang nagustuhan.) Bidang-bida din s’ya sa mga bata, sa totoo nga hindi na lang sa t.v. natin s’ya makikita kundi sa mga bags, watches, pencils, eraser, wallets, pencil cases, accessories at kung anek-anek pang novelty items na tinatakan ng pagmumuka niya. Nakaka-umay talaga, lalo na kapag umuuwi ako sa bahay namin ay madadatnan ko yung kapatid kong nanonood nu’n. Ayos lang naman kung iisipin kaso ang ayoko lang kapag naglalaro na kami, laging ako si Boots.

 

Minsan tuloy, napapa-isip ako ano kayang meron ang lakwatserang negra na yun at patok na patok s’ya sa mga walang kamuang-muang na mga bata. Kaya ito, dala ng aking ka-chismosahan inalaman ko talaga kung ano ang meron kay Dora, nanood ako ng isang episode. Medyo matagal na yun, tungkol sa wish. May isang creature na mukang guinea pig ang nag-pop out sa libro. Tapos may dala s’yang tatlong wish na korteng star, pero nag-flylaloo ang mga ito kaya hinabol ng aadik-adik na tropa ni Dora. Nakaka-asar ang mga sumunod na eksena, hindi nila makuha-kuha yung star. Pero nung malapit na matapos (sabi ng kapatid ko kasi yun na daw yung last na pupuntahan ni Dora according to Map) nandun sila sa isang wishing well. Kaloka ang habulan, parang natetense ako sa mangyayari. At ayun na nga, hahablutin na lang ang lintek na star bigla na lang sumingit si Swiper. Pero napigilan nila yun, dahil sa pagsasabi ng  “Swiper no swiping, Swiper no swiping.” At ‘pag narinig mo na yung famous line niya na “Oh, men!” bingo! Sisibat na ang loko. Tapos bigla na lang sila sasayaw at kakanta ng “we did it, we did it.” na parang tanga.

 

Pagkatapos nu’n, pinatay ko yung t.v., nanahimik at nagmuni-muni sa isang sulok. Pinag-aralan ang mga nakita. At bigla na lang naisip ko, malapit din pala sa katotohanan ang istorya niya. Tulad na lang ng problema ng karamihan sa’tin ngayon, ang pag-ibig. Minsan, kahit hindi natin aminin, gusto nating maging Dora. Kung pwede lang magkaroon ng bag pack na nandun na lahat ng kailangan natin para mapa-ibig ang isang tao. Kung pwede lang magkaroon din tayo ng Map papunta sa puso ng ating minamahal, para wala ng pasikut-sikot. At lalo na kung pwede lang nating sabihing: “Swiper no swiping!” sa mga taong gustong umagaw sa taong ating pinahahalagahan. Nakakatawa no? ang isang karakter na katulad ni Dora ay makapaghahatid ng ganitong mensahe sa atin. Isang karakter na inihalintulad lang sa isang bata na mahilig maglaro at maglakbay, ay siyang magmumulat sa atin sa isang katotohanan: hindi madali ang pag-ibig, madaming pasikut-sikot minsan maliligaw ka pa. Ngunit kapag nagtiyaga tayo, mararating din natin ang dulo. Ang jackpot. At pwedeng-pwede na rin tayong kumanta ng “we did it, we did it. Hurray!”

teenay

. . .nasulat ko 'to pagkatapos akong makakita ng isang batang naglulupasay sa jeep papuntang Cubao, dahil hindi s'ya nabilhan ng tumbler (ata 'yun) na may picture ni Dora at ang kanyang best friend na si Boots. Tapos pag-uwi ko nadatnan ko yung kapatid ko na taimtim na nanonood nu'n.

 


spike_west's picture

Wow natawa ako dun ah!!

Nakakaaliw at nakakatawa ang kwento mo teenay. Well talagang patok ang negrang batang yun kasama si Diego (hahah, yung matsing na may sapatos). Halos lahat ng nakakabatang pinsan ko paborito yung mukhang niyog na yun!hahahah!! Pero para nga sa atin medyo mababaw ang mga kapuwitan ni Dora pero para sa mga batang nagsisimula pa lang tubuan ng muwang eh tyak makakatulong yun.

Sana kamo eh talagang makatulong yan Dorang yan sa kamalayan ng kabataan, pero minsan naalarma ako kasi yung 4 na taon kong pinsan nagpabili ng bag at sya raw si Dora. Mukhang maglalayas ang bubwit na batang yun. (naku BI pala yang si Dora). Hayun simula noon di na pinanood ng nanay nya ng Dora. hahahah

NAtuwa talaga ako teenay sa kwento mo

Ingat,

Spike

“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor

bhelle's picture

dora ;D

wow nman un.. sa umpisa nkktawa pa eh..

d ko alam n sa bndang dulo, may makukuha rin naman plang lesson..

oo nga nu?..ngayon ko lang naisip..sana nga meron tayong purple na bagpack para makuha natin ang kailangan sa buhay, sana rin may map tayo na siyang maglea-lead sa tatahakin natin, at sana may mga kaibigan tayo na kagaya nung kay dora na siya namang tutulong para makamit ang bawat misyon natin sa buhay..

 

napakagandang palabas pala talaga ng DORA d EXPLORER!!>..

 

Laughing

Pmel's picture

. . .

Negra is not a recommendable word to be used internationally. It's racist. If I may, I suggest you change that to a word most agreeable.

 

 "... my people are destroyed from lack of knowledge"- Hosea 4:6

spike_west's picture

Pmel!

 

ang salitang Negra ay hind racist, sa mga latin country ibig sabihin lang nito ay maitim. Kung sinabihang negra ang ibig sabihin babaeng maitim , so okay lang naman yun!! Negro ganun din, salitang kastila kasi yan, kaya nadadala natin yun hanggang sa ngayon (tulad ng poso negro)

so walang problema yun!!sa tingin ko

Ingat

Spike

 

 

 

“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor

Pmel's picture

Bittersweet has a point though.

Negra is specifically for Black women ... not Mexican and Dora is supposedly Mexican. Either way, you're only thinking local-wise Spike that's why you say that it's okay. I'm thinking globally and Black people don't like being mixed with Mexicans cause they hate each other.So ... if a Black and a Mexican were to read this, they'll be really pissed off.

 

But then again, if you insist that it's okay for Filipino, have it your way. Later on, I'll be sure to say, "I told you so" not that it will ever happen ... 

 

 

 

 "... my people are destroyed from lack of knowledge"- Hosea 4:6

bittersweet's picture

pwede...

uu nga nu? cguro kung may bag na binebenta na pwedeng sumagot ng mga problema natin mapa-lovelife man yan o kung anuman, baka lahat tayo bumili. yun mga wlang pera baka mangutang pa. hehehe. baka lahat rin tau pangaraping maging si dora. ang negrang lakwatsera. pero, teka, hindi nman negra si dora. native mexican siya-yun kulay niya di un negra, mulata yun. hehehe! btw,i like the humor of this story. nicely done.

"if your love were a speck of sand,

mine would be a universe of beaches."

Adlesirc's picture

Dora

Maraming bata nga ang naaaliw kay Dora pero mas naaliw ako sa way ng pagku-kwento mo. Ayos ang mga banat! hehehe

Nagshow dito sa 'Pinas yung cartoon show na yun pero iba yung itsura ng mga characters nung dumating dito, yung gumanap na Dora, isang babaeng parang dalaga na at hindi negra. hindi mukhang bunot (niyog) at hindi mukhang bata. =(

rom26factolerin's picture

made in China si Dora

 

 nung nasa Fil-Cartoons pa ako (animation studio) na assign sa amin na gawin ang pilot show ng Dora the explorer at kung maaprubahan dito sa Pinas gagawin sana yung isang season o 13 episodes ng show. kaso nag bid ng napaka baba ang China. Ayun nasulot, hehe...

sayang sana proudly Philippine made na din ang Dora the explorer enjoy pa naman gawin yung mga characters nun. 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

anong nangyari?

sorry kung ngayon lang ako nakapag-reply.

salamat sa mga taong nag-gugol ng oras para basahin 'to.

pmel: sorry for the term I used. Makulit na komentaryo lang yun at wala naman ako ipinahihiwatig na masama. Gayunpaman salamat dahil my comment ka.

spike: salamat sa comment! wag na sana tayong makipag-argyumento..pero salamat talaga! 

eso es muy duro para comprender

Pmel's picture

Hey, no biggie!

 

 Just pointing it out. :)

 

 

 "... my people are destroyed from lack of knowledge"- Hosea 4:6