Si Insyang ( luha ng kalangitan...)
Mukhang masungit nanaman
ang kalangitan na naghuhudyat
ng masamang panahon
tulad ng ating kahapon.
Dagundong ng kulog,
nakasusunog sa mata
ang gumuguhit na kidlat
sa madilim na kalangitan
at lumalakas ang hampas
ng mga alon sa dalampasigan.
Wala na akong maisusuot
dahil hindi na yata matutuyo pa
ang aking mga nilabahang damit
na nalubog sa burak
sa nagdaang pagbaha
(ginaw at hinagpis).
Mabuti pa nga siguro na umuwi muna ako
sa aking inay
dahil duon ako nakararanas ng kapayapaan
sa bagyo na sa tuwi-tuwina’y dumaraan.
(at ang bilin niya na hindi daw
ito tulad ng mainit na kaning isinusubo...)
dyeppri
kahit kailan
kahit kailan, kahit ano pa man ang dahilan masakit lagi ang bagyo na dulot ng paghihiwalay. pero minsan masarap na lang isipin na sa kabila nito may araw na sisikat pa gaya ng bawat bagyong magdaraan.
ganda ng tula mo bro, kung ano man para sa iyo ang ibig sabihin nito nalagyan ko ng kahulugan para sa akin.
salamat
Gandang umaga po!
Ang "magic" talaga ng modernong tula ay ang mensahe nitong pangangalabit sa emosyon/damdamin at puso ngunit kanya-kanya ng imahinasyon sa sinasabi nitong mensahe sa isipan.
Tuloy-tuloy lamang ang buhay sa kabila ng mga unos na parating dumaraan at duon tayo huhugot ng lakas upang harapin ang panibagong bukas.
Salamat po...
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Salamat sa iyo...
Quote:
"Wala na yatang maisusuot /Dahil hindi na yata matutuyo pa/Ang aking mga nilabahang damit/ Na nalubog sa burak/ Sa nagdaang pagbaha (ginaw at hinagpis)."
Maganda ang talinghaga ng burak na galing sa nagdaang pagbaha. Maaaring matuyo ang damit nguni't hindi na magiging singlinis ng dati ang pagsasamang nilamon na ng sanlibong hinanakit at pasakit.
Kaunting paggamit pa ng imahen sa "dahil doon ako nakaranas ng kapayapaan sa bagyo na sa tuwi-tuwina'y dumaraan". Puwede mo pang ipakita sa pamamagitan ng salita na payapa nga sa piling ni inay kapag bumabagyo.
Alam mo, hindi ko maiwasang mainggit sa iyo dahil sa tagal ko na site na ito, isa pa lang ang personal blog ko. Lagi na lang akong nagkokomento. Ito'y dahil na rin sa mas madali kasing magbigay ng komento kaysa sa lumikha ng tula.
Di hamak na mas madaling sumipsip sa kopita ng alak at namnamin ito kaysa sa pumitas ng mga salitang ubas at gawin itong alak na nakabubuhay ng dugo.
Pero dahil nariyan ang mga tulad mong tumutula, lagi akong may pag-asang makapaglalaan din ng oras at talino sa pagbuo ng tula at pagsusulat.
Salamat po..
Talagang payak lamang po ako kung gumawa ng tula. Nakakauyam (para sa akin) ang masyadong mabulaklak na pananalita po, kung hayag na ang imahe ay hindi na kailangan pang palawigin ito.Baka magmukhang punerarya.Salamat. Try mo lang magsulat at aayusin natin (para sabay-sabay tayong matuto).
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
salamat sa alok mo...
pero kapag ako ay nagsulat ng tula, ipapa-critique ko muna sa aking mga propesor. Nariyan lamang sila, lamang at di ko sinasamantala ang pagkakataon. Dalawang summer akong dumalo sa isang workshop ng pagtula nguni't di ako pinalad na maging kasapi. Pero di ibig sabihin ay sumusuko na ako. Hanggang ngayon, buhay pa rin ang pagnanais na maging ganap nang makata. Malalaman ko lang na ganap na ako kung mismong ang mga makatang pinahahalagahan ko ang kakikitaan ko nang pagtanggap sa aking mga gawa.
hiya naman ako kung duon agad.
hiya naman ako kung sa dalubhasa agad. mainam kung sa kagaya muna nating nag-aaral pa lamag tumalim ang dila.ahihihi.Uy, papano kaya sumali sa wrkshop?miyembro sa LIRA (mabigat ba pamantayan nila)???tnx
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Kahit sinong may pag-ibig sa tula
maaaring sumali sa palihan. Basta lima o anim na tula ang ihanda mo. Isama mo na ang mga nailathala rito. Puwede naman. Malalaman mo rin kung bakit sila humihingi ng sampol. Hindi para husgahan agad. Basta nakapagbigay ka at nag-fill up ng application (puwedeng online) at nagbayad ng minimal registration fee, makakapasok ka.
Unang hakbang iyon para maging kasapi ng LIRA. Hindi awtomatikong kasapi ka na kapag graduate ka.
Maganda ring mapabilang sa hanay ng kasapi dahil ang mga nagsimula nito ay kilala na sa panitikan ngayon - Vim Nadera at Michael Coroza (parehong nakapanayam na) sa patnubay at pagtuturo ng pambansang alagad ng sining sa panitikan na si Virgilio Almario (na inspirasyon pa rin hanggang ngayon ng LIRA at ng iyong abang lingkod).
ayos to ah...
Medyo nakakarelate ako.. hehehe
Literal ang pag intindi ko sa huling part ng tula kasi sa nanay ko din ako tumatakbo kapag nadadapa sa buhay ko. =)
Nice poem!






kuya dyeppri, namiss ko na
kuya dyeppri,
namiss ko na mga tula mo. ah
naalala ko lang bigla ang 'obra' ni lino brocka, na grabeh ginampanan ni hilda koronel. (wala lang, kahit hindi siguro dahil dito kaya mo naisulat ang tula)
ngunit hindi sa ina siya nakahingi ng kapayapaan.......
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."