Si J pt. 2 (Result 1 of Several for the word "Mga Jowang J ang Pangalan")

Luca's picture

ang nakaraan...

http://filipinowriter.com/si-j-result-1-of-several-for-the-word-mga-jowang-j-ang-pangalan

itinuloy...

Kahit nakakainis na hindi na naman nag-progress ang balkonahe interlude ng dynamic namin ni J, hindi naman ako nadevastate mashado. In the back of my mind, alam ko namang malaki talaga ang chance na hindi niya ko seryosohin at gawin niya lang akong dildo (hindi naman ako mareklamo sa ganun). Bumili ako ng bagong pinto para sa stock room at sinarado ko na siyang muli.

R ang pangalan ng bago niyang jowa. Dahil madalang nga akong sumama sa grupo at dahil paminsan-minsan lang din lumuwas si R sa Manila, never kaming nagmeet. Pero maganda naman ang naririnig ko tungkol sa kanya at mukhang masaya naman si J. Kaya masaya ang lahat ng parties involved.

Sa mga sumunod na buwan ay chillax chillax lang ang buhay ko. Ang daming pinagkakabusihan sa trabaho. Dormant ang puso.

Nagresign ako mula sa pinagtatrabahuhan ko matapos akong sampahan ng insubordination ng maldita kong manager. Nawalan ako ng trabaho ng dalawang linggo. Sakto namang nagbukas ng bagong business ang isa kong kaibigan at inaya akong mag-apply bilang officer.

Pagdating ko sa opisina, si J ang nag-interview sakin. Natural, dahil magaling ako, natanggap ako sa trabaho. Pagkatapos ng interview, nagkita-kita ang grupo sa bahay ni J. Nauna kaming dalawa. At sa unang pagkakataon ay naexperience namin ang shamani ng isa't isa. Kumalabog-kalabog ang pinto ng stock room.

Dahil pareho kaming officer, lagi kaming magkasama sa maraming bagay. Sa ManComm Meetings, sa org planning sessions, sa lunchbreak, yosi break, coffee break (hindi kami masipag) sabay kaming nagoovertime at isang tumbling lang ang pagitan ng mga desk namin.

Sila pa rin ni R, pero medyo madalang na silang nagkikita dahil nasa probinsya siya. Naging chummy kami ni J. At habang tumatagal ay pinararamdam niya sakin ang kanyang kakaibang sweetness.

Dahil bukod sa pagiging malandi ay marupok din ako, binuksan ko ng konti ang pinto ng stock room of my heart. Minsang magkuwentuhan kami ay nabanggit niyang sana ay wala na lang sila ni R para pwede nang maging kami. Naniwala naman ako.

Umasa akong pag naghintay pa ako ng konti ay iiwanan niya na si R para pwede nang maging kami. Nagkalabuan sila. At madalas ay ako na ang pinagtutuunan ng atensyon ni J. Parang may alaga siyang bata, kasi 5'2 lang ako at damulag nga siya di ba. Dinadalhan niya ko ng mga kung anu-anong effects. At paminsan-minsan hinahatid niya ko sa apartment ko sa Pasig at nagkakalampagan kami ng internal organs.

Sa buong panahon na nangyayari ito ay pinipigilan ko siyang sagutin. Kasi hindi pa nga siya single. Pero aaminin ko, nakakainip maghintay na maging opisyal kayo gayong nagagawa niya naman ang lahat ng ginagawa ng isang jowa sa kanyang jowa. Siyempre kung gagawin ko yung trabaho gusto ko rin ng title diba?

Isang beses, "nag-usap" kami ni J sa apartment niya. Ang dami-dami niyang sinabi. Hindi na ko mashadong nakasagot. Nang biglang marinig naming bumubukas ang susian ng pinto. Sabi ng destiny, "Luca, meet R". At nakalimutan kong wala pala akong damit.

Nagballistic si R habang pilit siyang pinipigilan ni J. At sa loob ng ilang minuto, nakahiga lang ako sa kama. Nakalimutan kong wala pala akong damit.

Nang lumiwanag na ang lahat, agad agad akong nagbihis at dumirecho palabas. Naglakad ako ng matulin hanggang umabot ako sa EDSA. Ang bilis bilis kong maglakad. Pagsakay ko ng bus, umiiyak na ako. Para akong naholdap.

Sinabi sakin ni J nung Lunes na magkita kami na wala na sila ni R. Matapos ang ilang linggo ay naging kami na. Pero secret lang. Bawal ikwento sa grupo. Ulirang asawa ang dating ko nun. Todo alaga, todo kumusta, todo "baby" this "baby" that. Ang tamis tamis.

Natibag na ang stockroom ng puso ko. Nilipat ko nang lahat sa sala.

Nagtataka lang ako minsan kung bakit sa apartment ko lagi kaming nagpupunta. At minsang lumabas kami ng grupo at uwian na, hindi siya sumama sa akin. Dun ko nalamang sa apartment niya pa rin pala tumutuloy si R.

Nagsumbong ako kay Arvin, ang aking default boylet (platonic ang relationship namin, pero malandi talaga siyang magtext). At as usual, isang damukal na panlalait na naman ang natanggap ko mula sa kanya. Kesyo ang tanga-tanga ko raw, napakadesperado ko daw, kabit daw ako, at wala daw akong karapatang magreklamo kung ginagago ako ng taong alam ko na ngang gago pero pinatos ko pa rin. (something to that effect, pero mas passionate yung delivery)

Nabasa ni J ang mga text namin ni Arvin nung nasa opisina na kami at nagalit siya sa akin. Mabilis siyang lumabas ng pinto at naglakad papuntang sakayan. Nagpanic ako, hinabol ko siya. At sa jeep ko na siya naabutan. Mukha akong tangang inaamo siya hindi niya man lang ako kinikibo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Bumaba siya sa Buendia at nag-give up na ako. Hindi ko na siya sinundan. Narealize ko rin na siya pala ang may atraso sa akin after all.

Pagdating ko sa Libertad, nakatanggap ako ng text mula sa kanya. "Pag-uusapan ba natin to? Andito ko sa Wendy's, if you want to work this out puntahan mo ko dito, dito tayo mag-usap." (Wag mo kong i-judge sa mga susunod na pangyayari)

Agad akong bumaba ng jeep at tumawid sa kabilang daan. Walang jeep. Punyeta. Tumakbo ako mula Libertad hanggang Buendia, umiiyak. Naabutan ko siyang paalis na. At nag-usap kami. Nakalimutan kong galit pala ako sa kanya, at nagsorry ako nang nagsorry. Ang ending kasalanan ko ang lahat at pag-iisipan niya daw kung ano nang balak niyang gawin sa aming dalawa.

Ilang araw pa ay umayos naman ang lahat. At pinaliwanag niya na gayong hiwalay na sila ni R ay hinahayaan lang daw niyang kusa itong umalis. Ayaw niya raw manakit ng tao, lalo't wala namang  kasalanan.

Sinubukan ko siyang intindihin. Pero matalino pala ako. Naisip kong paano na kung after 50 years pa bago tuluyang ma-let go ni R ang jowa ko. Hindi ko keri.

Dalawang buwan kaming nagtagal ni J. Pero iniwan ko rin siya. Pinagbantaan niya ako, sabi niya pag umalis daw ako, hindi niya na ako hahabulin. Hindi ako natinag. Kinabukasan, nalaman kong hiwalay na nga talaga sila.

Matapos ang isang linggo, may bago na naman siyang jowa, iba na naman nung sumunod na linggo.

Aso siya.

At ako ang tangang dating humabol sa aso.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya ngayon. Dahil hindi na ako lumingon magmula nung umalis ako sa opisina naming dalawa.

Siguro nakatali siya somewhere.

Masyado na siyang malayo.


ilyana's picture

:-)

nakakatuwa at nakakaiyak naman ang kwento mo Luca...ginagawa kalang palang parang dildo, atlis nakamenos sila ng baterya ano? Oh well, better luck next time nalang...

 

----------

♥♥-ILyaNah-♥♥

aireen's picture

Luca!!! Isang dakilang luca

Luca!!!

Isang dakilang luca luca...hehehe peace!Laughing

Basta Letrang J nakakaloka talga... haist! hehehe

Natutuwa ako at nagkaroon ka ng lakas  na di na muling lumingon kay J... !marami pa namang iba dyan...Laughing

Hayaan mo na siyang magpakalayu-layo! :)

cheers!

Luca's picture

chickas!!!

girls, salamat sa inyong pagbabasa,

if I were straight, i'd totally do you... ahihi...

salot nga sa buhay ang mga J. Kamakailan lang ay nabiktima na naman ako ng isang J. haaay. iniisip ko pa kung ikukuwento ko yun pero nang basahin ko to, parang pareho lang din ang nangyari... 

hindi pa rin ako natututo. 

wag kang pipikit...

aireen's picture

Tsk! tsk! walang

Tsk! tsk! walang kadala-dala..Laughing

cheers!

Luca's picture

may mga pagkakamali talagang

may mga pagkakamali talagang masarap ulit-ulitin 

wag kang pipikit...

aireen's picture

sabagay... cheers!

sabagay...Wink

cheers!

ilyana's picture

if i were a boy-liligawan

if i were a boy-liligawan kita...kasi di J ang initial ko eh...H lang jajajajaj

♥♥-ILyaNah-♥♥

Luca's picture

Taya!

ahihi! kileg. 

Habulin mo ko!

Hahaha :)

wag kang pipikit...

aireen's picture

lyk ko rin sanang

lyk ko rin sanang makipaghabulan.. hihihi

kaya lng di na puede..

Wink

uyyy!.. go ilyana!Laughing habulin si luca...

 

cheers!

Allanjohn Andres's picture

SHAMELESS SELF-PROMOTION

Hi. Sana makabisita ka rin sa blog ko (ilang piling tula). O di kaya sa poetry site ko sa http://www.allanandres.blogspot.com/ ('yong mga bagong trabaho, mas dito ko sa huli ipinapaskel).

Polethor's picture

Oh, at ito rin pala ito.

So, si J yung... at si R yung kumakalabit sayo dahil nawindang sya dahil nandun ka at may malaking question mark sya sa taas ng ulo nya?

Mas malala nga ito compared sa Inter-Baranggay-Not-my-face-not-my-face moment mo.

Ngayon alam ko na kung bakit...

"I will color the world one step at a time..."

http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com

Luca's picture

yuh

at namimiss ko nang magsulat gamit ang tonong ito. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Polethor's picture

do-re-mi

Bakit di mo ikanta ang tono?

Maraming nag-aabang sa konsiyerto ng aria.

"I will color the world one step at a time..."
http://ofcrayonsandpastels.blogspot.com/

 

Luca's picture

eh narinig mo na akong

kumanta...

 

gusto ba talagang marinig ng mundo yun? 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!