Si Jose (j.luna, 04-05) GEM awardee 2005

j luna's picture
| |

Si Jose
(13th Genoveva Edroza-Matute Awards Grand Prize, 2005)

Nakaramdam sya ng matinding sakit sa puson..ngunit di s’ya makaalis sa kama.
“ Natatakot ako”, sabi ni Jose habang siya ay nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot…iba’t ibang tunog ang kanyang naririnig—ang busina ng mga mamaw, ang ugong ng mga mumu –ang pagkuliglig ng mga tiyanak. Lahat ng mga ito ay umikot ng umikot sa isip ni Jose—paminsan minsa’y may mga ilaw na dumaraan mula sa panig ng bintana, na kanyang naaaninag bagamat sya ay nakatalukbong ng kumot-----pumasok sa isip ni Jose ang mga kuwentong narinig nya mula kay lolo, lola—nanay, tatay—kuya, ate at kung kani-kanino pa tungkol sa mga engkantong lumalabas sa mga kawayanan sa ilaya, na kumakain ng malilikot na batang pasaway na nagpupunta doon—naisip niya ang mga duwendeng dumudukot sa mga batang maiingay, at hindi kumakain ng gulay. Ang mga manananggal ay nagliliparan at nanginginig siya sa takot na baka kunin siya ng mga ito dahil kumain siya ng cheese-curls. Naisip niya na pinagmamasdan siya ng mama sa buwan na nangangain ng mga batang madadamot, sinungaling, di- naliligo, at di- natutulog sa tamang oras……..
……..Pinagpapawisan ng malamig si Jose…nanginginig sa takot….naririnig niya ang sabay-sabay na hagikgikan at tawanan ng mga engkantong nagbabadya na saktan siya………..Pinilit niyang matulog pinikit ang mga mata…..Ngunit nandyan pa rin sila …..Ang nagtutulisang kuko at nagliliyab na mga mata…Matatalas na mga pangil……papalapit ng papalapit…….Sumikip ang kanyang dibdib….Andyan na, papalakas ang mga hagikgik…..Nararamdaman na nya ang mga kuko nila…….Basang-basa siya ng pawis—mabilis na mabilis ang takbo ng kanyang puso—Andyan na….. Andyan na….Andyan na!!!!!
“NANAY, SAKLOLO!!!!!!!!!!!”
Bumukas ang ilaw matapos ang ilang saglit ……At nakita niya si nanay sa pintuan…..Lumapit ito at kinapa ang kama—
Naramdaman ni Jose ang hapdi ng sinturon na tumama sa kanyang hita….Masakit, at siguradong maglalatay sa kanyang balat.
2
“Natatakot ako.”, Sabi ni Jose sa sarili nang pauwi na siya galing sa eskuwela—sa isipan niya naghahalo ang kagustuhang makauwi na sa bahay, upang manood ng t.v. at magmiryenda at ang takot na dumaan sa kalsadang kumukurus sa kalsadang kumukurus sa daang papunta sa kanyang bahay…….
Mataba si Jose, maliit, mataba at mabagal….Damang-dama niya ang pagaalinlangan sa kanyang bawat hakbang na pinababagal ng takot na hinaluan pa ng bigat ng backpack niya na lalong nagpapabagal at nagpapahapo sa kaniyang maliit at mabilog na katawan. Sa bawat hakbang naririnig ni Jose ang halakhakan, ang pangungutya “BABOY!!”, sabi ni Raul—“OINK, OINK TABA!!”, sabi ni Anette……. “BABOY BABOY BABOY!!!!!”----sa bawat busina ng mga kotseng nagdaraan sa bawat potpot ng magpuputo—sa bawat hiyawan ng tao sa talipapang kanyang nadaanan ang lahat ng tunog ingay tinig ay tila nangungutya—tila lahat ng daliri’y nakaturo at ang lahat ay sabaysabay—isang microcosmo—isang koro na sumisigaw at tinutukso siyang “BABOY BABOY BABOY!!!!”…. Nagpatuloy sa paglalakad si Jose, naramdaman niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib….Hindi siya mapakali—naglalaro sa isip niya ang maliliksi at naglalakihang mga bata sa lugar nila—Naglalaro sa imahinasyon niya ang imaheng nakatayo siya sa gitna ng mga ito…Nangnginig siya sa takot habang nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito…At nararamdaman niya sa bawat kabog ng dibdib ang pambabatok, kurot at tadyak na kanyang tinatamo sa tuwing makakatuwaan siya ng mga batang ito….Patuloy siyang naglakad---Maliliit ang kanyang mga hakbang dahan-dahan; Pinapagpawisan siya ng malamig…..Hanggang sa marating niya ang lugar nakinatatakutan. Ilang hakbang lang ang layo ng kalsadang ito sa kantong kinatitirikan ng kanyang bahay….Kung tatakbo siya ng matulin, hindi siya mapapansin ng mga batang umaaway sa kanya..Huminga siya ng malalim at pumusiyon para tumakbo ng mabilis,pabilis ng pabilis ang takbo ng kanyang puso kailangang makauwi agad isang iglap at si Jose ay tumakbo ng matulin na matulin na matulin habol hininga “Andito na ako..”, wika sa sarili ilang hakbang na lang ilang hakbang ilang hakbang “Psssst…..Baboy halika nga dito!”. Ilang saglit pa at si Jose ay pinalibutan ng mga bata ……” Parang takot na takot ka ha!!!”
3
“ Natatakot ako”, sabi ni Jose sa sarili nakaupo siya sa ilalim ng puno malapit sa mga classroom ng unibersidad…Deadline bukas ng thesis, hindi pa tapos ang sa kanya…Natatakot siya sa iba’t-ibang halimaw na sumusulpot na kasama ng thesis niya….Ang matatalim na pangil at kuko ng kabiguan at ang hiyaw at galit ng ina—kapatid—ang pulis na ama—at ang lahat ng umaasa sa kanya…wala syang mapuntahan lahat ng tao ay busy..may tinatapos na project may tinatapos na research…Ang kinakatakot niyang mangyari ay nagkatotoo na ng sipain siya sa research group niya—“ Masyado kang inconsistent.”-“Tamad!”-“Diba usapan alas-otso?..Mi-yer-ku-les, Nasan ka?!!!”-Ngayon mag-isa..Wala na..wala na…Incomplete nanaman—Alam niyang tapos na siya…wala na ..Malapit nang mag-lapse ang incomplete nya noong isang taon—3 failed na subject..At ngayon sinipa sya ng grupo niya..Kung mayroong may kasalanan ito ay ang sarili niya…Kung mayroong dapat harapin—ito ay dapat niyang harapin ng mag-isa..Hindi nya maintindihan kung bakit hindi niya kayang makibagay sa ikot ng mundo—Ang bilis bilis nito, nakakatakot..At paano ba niya ito mahahabol gayong andami-dami niyang responsibilidad at proyekto at may buhay siya na kailangang asikasuhin?—Bakit kaya hindi na lang ang mundo ang makibagay sa kanya? Nakakatakot na isipin ang maiwanan ka ng mundo…Uwian na.
Lumabas siya ng campus..Bumili siya ng yosi sa labas…at naglakad papunta sa sakayan ng bus..Ang dami-daming tao ang ingay-ingay..Lahat sila TAYO, KAMI, IKAW, IKAW AT AKO—pero si Jose ay ako –ako magisa laban sa malaki, madilim at nakakatakot na mundo……..Sinalubong siya ng isang dagat ng mga halimaw na binubulyawan siya…pinaparusahan siya….
“Natatakot ako”—At sumakay si Jose sa bus. Tayuan siksikan sa loob nito..At sa labas trapik..Hindi na magkasya at nagsisiksikan ang mundo sa kalsada…..busina, bulyawan usok ng tambutso—Milyun-milyong nakakatakot na mga nilalang laban sa isang takot at walang laban na si Jose..2 oras pa at nakarating na si Jose sa destinasyon niya..bumukas ang pinto ng bus at bumaba siya………………….mag-isa……………
4
“ Natatakot ako… hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kung paano ko sasagutin ang lahat ng problema ko. Ang bigat ng mundo ko, nagsimula ito noong una pa lamang. Hindi nila ako gusto hindi nila ako gusto hindi nila ako kailangan hindi nila ako maintindihan. Pabigat lang ako sa kanila may pera sila may oras may talino may kakayahan ngunit bakit kaya hindi nila ako tulungan ako na mahina mahirap walang sapat na oras bakit ayaw nila akong tulungan hindi ko sila maintindihan.
Silang lahat ayaw nila akong makaahon ayaw nila akong intindihin hindi na nila naisip na malaki ang kapahamakang mangyayari sa akin pag-sumabit pa ako sa eskuwela ngunit wala na sumablay na ako natatakot ako—binigo ko na silang lahat magagalit sa akin si nanay papatayin ako ni tatay pagtatawanan ako sisisihin ang aking sarili hindi ko na mapapatunayan ang aking sarili ngayon ano pa ang gagawin ko sa aking sarili bahala na hindi ko na kaya.
‘ Ma, para po. Sa bus stop lang’ Andito na ako ang dami dami nila lahat maaayos ang buhay masasaya pakiramdam ko lahat sila’y nakatingin sa akin kinakabahan ako ang hirap ng lagay ko natatakot ako.
Tang-inang guwardiya ito binuksan lang ang bag ko sinilip lang tapos pinalagpas na ako binilisan ko ang lakad ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko tuloytuloy ang lakad ko lumilipad sila sa isip ko kasama ng lahat ng takot galit ang thesis ko ang grupo ko ang mga magulang ko ang mga propesor ko at ang lahat ng kabiguang mangyayari at nangyari na sa buhay ko tatlong taon ko na palang dinadaanan itong pasilyong ito binilisan ko ang lakad ko ang bilis wala akong maaninag kundi ang patutunguhan ko ang bigat ng mundo ko natatakot ako andito na ako hinawakan ko ang doorknob natatakot ako.”
5
“ Natatakot ako.”-natakot ako nung nalaman ko ang nangyari…Noong umagang yun hindi ako pumasok kasi nagtatae ako…Buti na lang hindi ko pinilit pumasok noong araw na iyon….."

Alas- otso ng umaga naglalakad si Jose sa Ayala Ave. Nakatungo—tila balisa..Halatang halata ang kanyang pagkabalisa—Pawisan kahit makulimlim noon, tsaka malamig…Bagamat nagdadalawang isip at tila ba ay may pumipigil sa kanya, nagawa pa rin ni Joseng makalusot sa mga guwardiya..Alas-siyete ang pasok niya, Mag-aalas-otso diyes na ng marating niya ang campus, pagdating niya sa hallway binilisan niya ang lakad niya..Ang kanyang mga mata ay sa isang direksiyon lang nakatutok, sa classroom niya sa dulo ng pasilyo…
Buti na lang at hindi ako pumasok noon, buti na lang at inako ng kagrupo ko ang pagpapasa ng thesis namin……………..nakakatakot.
Nanginginig ang kamay niya at buong katawan—Dire-diretso lang hanggang sa marating niya ang pinto ng classroom na naka-aircon, binuksan niya ito.
Pagbungad pa lang ni Jose sa pinto, napahinto na ang klase…Lahat ng mga mata ay nakatitig sa kanya ….Huli na siya ng mahigit isang oras, ngunit tila wala siyang pakialam…Sinuri ni Prof. Alejandro ang estudyanteng nakatayo sa likuran..”Bakit pumasok ka pa?!!”—Naghagikgikan ang mga estudyante…May nagbubulungan…may tumuturo…Nakapako ang mata ni Jose sa mga thesis sa lamesa.....Inilipat ang titig sa mga dating kagrupo na nagtatawanan…At bumaling ng tingin sa propesora na nasa unahan….”OUT!!!!Mr. Jose Villaroman!!!You are very irresponsible!!!”
?
…………………….
……………………..
………………………
…………………………………………………………………………………………………
-?
-?.......
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!.............

………

Huli na nang dumating ang mga guwardiya ….
Sabay-sabay silang nagpaputok…………..
Humandusay ang katawan ng estudyanteng may hawak na baril…….
Natapos ang kaguluhan…..
At natahimik ang paligid
Ang mundo ay huminto sa pag-ikot—
…Nakalugmok sa sahig ang anim na katawang duguan……patay…ang paligid ay napuno ng halu-halong amoy ng dugo—tensyon—at galit--
Na sinabayan pa ng nakakabinging ingay ng katahimikan…,
At kamatayan.

"Buti na lang ‘di ako pumasok noon—
Nakakatakot ang mundo……………………………………….nakakatakot."

-Wasak-
Alay sa mga estudyanteng nananatiling tahimik,takot(sa diyos,sa administrasyon ng eskuwela,sa mga magulang at sa mga awtoridad),at umiiyak ng mag-isa……..
-j.luna 2005

j.luna

MAraming salamat sa judge, Jun Cruz Reyes...Salamat..

Kung di pa susunod sa gustong criteria ng school di pa mananalo...damn...Eto ang pinaka-conservative makitid at wala kong kwentang naisulat..Wala itong aim kundi ang isali sa contest. di ito art...di nako gagawa ng ganito uli. Basura ito!!!


j luna's picture

Sig Heil

Sig Heil BAsura!!!

BAsura!!!

BAsura!!!

talulot's picture

likha pa rin kaya wag

likha pa rin kaya wag ibasura... :) 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

j luna's picture

Kung baga sa music

eto ang Jonas Brothers na ginawa lang para masatisfy ang crowd.

talulot's picture

hehehe. pero may purpose pa

hehehe. pero may purpose pa rin.

ayos ang basura-nanalo. paano pa kaya kung na-recycle at nalinis nang maganda..... 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

j luna's picture

Salamat...

Pagna-recycle e di pwede nang lagyan ng tubig na pinapalamig sa ref.