Si Kuya
Unang beses kong nakita si kuyang umiyak noong masama ang loob niya sa tatay niya. Dinamayan ko siya. Sinamahang lumaklak ng red horse. Doon niya ibinuhos ang sama ng loob. Mas mabuti ng ganun sa isip ko. Mas mababantayan ko siya. Idagdag pa na kapag tumama na ang espiritu ng alak sa kanyang kabuuan, panigurado sa higaan na ang bagsak niya.
Medyo matagal na din kaming magkakilala ni kuya. Crush siya ng matalik kong kaibigan. Siyempe pa, kasama kami sa pagpapapansin sa kaniya na pasimple simple lang. Nanligaw siya. Di naglaon naging sila. May takot man ang aking kaibigan, di na siya nagpatumpik tumpik pa. SI Kuya ang kauna-unahan niyang nobyo.
Sa mga nobyo ng aking mga kaibigan, wala akong masasabi. SIyempre, hindi sila perpekto, pero napupunan naman nila iyon ng kabutihang meron sila. Subalit sa lahat, kay Kuya talaga ako humanga. Si Kuya lang kasi ang nagbukas ng kaniyang nakaraan. Masasabi kong pangit ang kaniyang naging kahapon at maari itong maging panlaban sa kanya pero hindi siya natakot na isiwalat ito sa akin. Kaya naman talagang napahanga niya ako. Sabi ko nga sa kaniya, "Hindi naman mahalaga kung ano ka kahapon, ang importante pinilit mong magbago at nagpapakabuti ka ngaun at para bukas...." At dito mas lalong umigting ang aming samahan...
Mabait talaga si kuya. Wala akong masasabi sa kanya. Kahit na kung minsan, napapaisip ako kung gaano talaga siya kaseryoso sa kaibigan ko, napapalis iyon lahat ng kabutihang ipinapakita niya sa araw-araw. Lalo pa nga ngayon na mahirap ang sitwasyon niya dahil nakabase na sa London ang kaibigan ko.
Kung minsan, nagkakapikunan kami. Kung minsan nagagalit ako sa kanya. Siya rin minsan naaasar sa akin. Pero hanggang dun lang 'yun. Hindi tumatagal ang alitan namin. Ako lang ang pasaway. Kapag naisipan kong huwag siyang kausapin, hindi ko siya talaga kakausapin. Pero sa loob ko, joke lang 'yun. Sa kaniya pala kung minsan dinidibdib na niya.
Minsan nalasing siya. Naglabas siya ng sama ng loob. Bakit daw ako ganun? ANo daw kasalanan niya at inaaway ko siya. Sabi ko, nagbibiro lang ako. Ayaw niyang maniwala. HIndi paa niya nasakyan ang biro ko. Sabagay, medyo gumagaling na nga akong umarte ngayon. PAng Star Magic na. Nagulantang na lang ako ng bigla siyang umiyak.
Anak ng teteng!
Effective ang acting ko. Pero guilty naman ang hatol ng konsensiya ko. HIndi ko akalain na doon hahantong ang lahat. Sa dinami-dami ng gulong napasukan ni Kuya. Pangalawang beses ko lamang siya nakitang umiyak. Una dahil sa tatay niya. Pangalawa, dahil sa kalokohan ko.
Alam ko kahit malayo na din ang pagkakadugtong ng relasyon ng aming dugo, sa panahong aming pinagsamahan, mas tumibay ang aming samahan. HIgit pa sa tunay na magkapatid ang aming turingan. Kaya talagang nabagabag ako ng ako lumuha siya ng dahil sa kalokohan ko.
Iba talaga si kuya. Kahit minsan nakakaiyamot ang pagyoyosi at kakulitan kapag lasing, sagad hanggang buto naman ang kabaitan at haba ng pasensiya. Saludo talaga ako sa kaniya.
Sabi niya, mataas daw ang tingin niya sa akin. Hindi lang niya alam, mas mataas ang pagtingin ko sa kaniya. Siya ang ang paborito kong Kuya.
Wala na daw siyang maipagmamalaki sa akin. Hindi niya lang nakikita na ang kabutihang meron siya ay ipinagmamalaki ko sa lahat.
Idol ko si Kuya. Mahal ko 'yan. At alam ko tatagal pa lalo ang aming samahan....
"hinahangin ang talulot na
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
wala akong kuya, panganay kasi ako..
pero marami akong kuya sa labas.. marami silang naituturo sa akin... gaya ng kuya mo...
.ang ganda ng maikling kwento.....
Ako aaminin ko wala akong
Ako aaminin ko wala akong kapatid at hindi ako nagkaroon ng kuya kuyahan... mostly kasi ako ang nagiging kuya hihihihihihi
Pero alam kong ok ang magkaroon ng kuya sa labas... un kasi ang wala sa akin... marami akong naging ate.... kuya wala pa....
Gandang umaga sa lahat....
Jonsdmur
kuya
wala akong kuya.... gusto kong magkakuya.... kaya madalas kapag may nagiging kaibigan ako na mas matanda sa akin, kinukuya ko siya... dito sa site may tatlo akong kuya...
ewan ko kung bakit gusto kong magkaroon ng kuya... nadadala ko na nga sa pagsusulat ng kwento ung frustration na iyon...
may naisulat kami ni eloi na labs na labs namin ung pagiging kuya ng isang karakter dun...
masarap magkaroon ng kuya kahit hindi mo kadugo...
dahil sa blog mo, pahintulutan mo akong pasalamatan ang mga kuya ko dito ha...
Salamat kuya jons, kuya spike, at kuya dyep....salamat sa pagiging one of a kind kuya... salamat sa mga pangugulit at mga payo na minsan seyoso minsan hindi... hehehe.
magandang kwento....
ingatski,
melay
walang anumam sis!
dati rati ako nga ang nagkukuya kahit kanino basta matanda sa akin ay kuya ngayon ay matanda na pala ako at --- ako na ang kuya! hehehe. walang pinagkatandaan.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."





Kay sarap magkaroon ng
Kay sarap magkaroon ng kapatid.. kay sarap magkaroon ng isang kuya... Kuya na magiging kaibigan mo na karamay sa lahat ng problema...
pero Mas masarap ang magkaroon ng kuya na hindi mo kadugo... un bang naramdaman mo na kuya mo talaga siya.... may kuya ka... may kaibigan ka pa...
Salamat sa iyong kwento...
Keep on posting!
Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...
Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story
Hatid ko ay aliw sa inyong laha