"Si Langgam At Si Daga"

fhearl08's picture
| |

"Si Langgam At Si Daga"

Sa lugar ng Dapitan, Sampaloc Manila matatagpuan ang isang kompyuter shop na minsan pinamumugaran at naging tahanan ni Daga. Isang araw, dumaan si Langgam sa bahay ni Daga kung saan abala si Daga sa paggawa ng daan patungo sa isang kompyuter shop na pinagkukunan niya ng kanyang pagkain.

“Oy kaibigang Daga, kumusta na?” tanong ni Langgam. “Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nadalaw dito sa lugar mo? Busy ka ‘ata ngayon? Ano ba yang mga pinagkakaabalahan mo d’yan?” dugtong pa nito.

“O, kaibigang Langgam, ikaw pala? Kumusta na rin? Ngayon ka lang din napadaan ah? Okay lang naman ako dito, pasensya na di kita napansin kaagad.” Sagot ni Daga at nagpapaliwanag kay kaibigang Langgam sa hindi niya pagpansin rito. “Gumagawa kasi ako ng daan papunta sa pinagkukunan ko ng pagkain para di ako mahirapan.” Dugtong pa ni Daga..

“Ah, ganun ba? Pero teka, parang alam ko kung saan papunta ang daan na gagawin mo kaibigang Daga?” ani kaibigang Langgam nang mapansin niya na papunta din ito sa isang kompyuter na pinagkukunan niya ng kanyang pagkain. “Kung di ako nagkamali kaibigang Daga, yan din ang daan papunta sa pinagkukunan namin ng aming pagkain? Mabuti na lang at naisipan mo yan kaibigang Daga?” ang sabi ni Langgam na medyo may katuwaan pa dahil ramdam niyang hindi na rin sila mahihirapan ng mga kasamahan niyang mga Langgam sa magiging daanan nila. “A-e... kaibigang Daga, okey lang ba sayo kung d’yan na rin kami dumaan ng mga kasamahan kong Langgam? Kung okey lang sayo?” wika ni kaibigang Langgam na nanghingi ng pahintulot kay kaibigang Daga.

“Pweding-pwede kaibigang Langgam, ikaw pa, malakas ka sa akin e!” sagot ni Daga na pumayag naman sa gusto ni Langgam.

“Yesss! Salamat kaibigang Daga, napakabait mo talaga!” wika ni Daga na puno ng tuwa.

“Pasensya ka na rin kaibigang Daga na di ka rin namin matulungan sa paggawa ng daanan, kung may kakayahan lang kami na tumulong sayo kaso ikaw lang ang pweding makagawa niyan.” Ang sabi ni Langgam na nalulungkot dahil di siya makakatulong sa kaibigan niya.

“Okey lang yun kaibigang Langgam, naiintindihan namna kita, sino pa ba ang magtulungan di ba tayo lang namang magkakaibigan?” wika ni Daga na puno ng senseridad.

“Maraming salamat kaibigang Daga, napakabusilak ng puso mo, ang swerte naming mga Langgam at naging kaibigan ka namin.” Masayang sabi ni Langgam sabay nagpaalam na ito kay Daga. “O, pano kaibigang Daga, tutuloy na kami, medyo malayo-layo pa kasi ang aming lalakbayin at medyo nabibigatan na rin kami sa mga dala namin.” Wika ni kaibigang Langgam.

“O sige, hihintayin ko ulit ang pagdalaw n’yo dito.” Kaswal na sabi ni Daga nang mapansin niya ang mga dala-dala ng mga Langgam. “O, kaibigang Langgam, ano nga pala yung mga dala ninyo at mukhang nahihirapan pa kayo, masyado bang mabigat yan?” kaswal na tanong ni Daga sa kaibigan.

“Ah...ito yung mga natirang grasya mula sa kompyuter shop na yun, alam mo na ang mga tao hindi marunong magtipid, palibhasa sila na ang pinakamaswerting nilalang sa daigdig na binigyan ng Diyos ng pangkalahatang biyaya.” Seryosong sabi ni Langgam at nakyuryos naman si Daga sa sinasabi niyang pangkalahatang biyaya.

“Ano kamo? Pangkalahatang biyaya at saka grasya na yan mula sa kanila? E, ano ba yan at nasabi mo ang ganun?” seryosong tanong ni Daga na puno ng pagtataka.

“Ah... itong dala namin? Mga tira-tirang butil lang naman ito ng kanin mula sa mga tao sa kompyuter shop na yun. Pero napakahalaga ng bawat butil na ito, biruin mo, pagkain na namin ito sa tatlong araw kaya ko nasabing grasya ito.” Paliwanag ni kaibigang Langgam.

“Ay ganun ba?” pagsang-ayon naman ni Daga. “Pero ano yung sinasabi mo kanina na pangkalahatang biyaya? Meron bang ganun dito sa daigdig.” tanong ni Daga na medyo nalilito pa rin.

“Sa daigdig natin wala pero sa mga tao meron? Ang ibig kong sabihin nun ay ang tao na ang siyang pinakamaswerting nilalang sa daigdig na binigyan ng biyaya ng Diyos ng kamay, paa, bibig, ilong, at tainga.” Paliwanag ni kaibigang Langgam na hindi pa rin naiintindihan ni kaibigang Daga.

“Meron din naman tayo di ba? Masuwerte din tayo?” sagot ni Daga.

“Alam mo kaibigang Daga di mo ‘ko naiintidihan, pero balang araw ay maiintindihan mo rin yun.” Pagkasabi nun ni Langgam ay biglang naalala niya ang ginagawa ni Daga na delikado pala iyon! “Teka kaibigang Daga, di ba sabi mo kamo daanan mo yan papuntang kompyuter shop?” tanong ni Langgam ng may pag-alala sa kaibigan. “Baka magalit sayo ang mga tao, masama sila kapag magalit lalo na kapag mga gamit nila ang pakikialaman mo? Nag-alala ako para sayo kaibigang Daga baka mapahamak ka sa ginagawa mo?” alalang sabi ni Langgam sa kaibigan.

“Yun lang ba ang iniisip mo? Alam ko na yun kaya ngayon ko ito ginagawa dahil wala pa sila dahil sigurado akong malilintikan talaga ako kapag nahuli nila ako.” Sagot naman ni Daga.

“Hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari sayo? Matatalino ang mga tao kaya gagawa ng paraan yun para mahulog ka sa kanilang bitag, paano na ang mga maliliit mong kasamahan kapag wala ka na?”

“Nag-iingat naman ako ah! Kaya nga gabi ko ito ginagawa para di nila mapapansin eh di mas matalino pa rin ako sa kanila?” Sagot ni Daga na nakangisi pa sa kaibigan at halatang tuwang-tuwa pa ito.

“Pero kahit na, delikado pa rin ang ginagawa mo? Ako ang natatakot para sayo kaibigang Daga, sana mag-ingat ka sa sarili mo dahil baka pati mga kasamahan mo ay mapapahamak sa ginagawa mo.” Nalulungkot na sabi ni Langgam na di naman ikinatutuwa ni Daga, tuloy nagalit pa ito sa kaibigan.

“Ano ba talaga! Nakakainis ka na! Nakakabingi na yung mga sinasabi mo, kaibgan ka nga ba?! Nabibingi na ako sa mga sinasatsat mo d’yan kaya pwede ba, kung gusto mong maging kaibigan kaming mga Daga ay tumahimik ka na d’yan! At saka isa pa, alam ko na ang ginagawa ko dahil mas marunong pa ‘ata ako kaysa sayo!” galit na galit si Daga na binulyawan ang kaibigan.

“P-Pasensya na kaibigang Daga, nag-alala lang ako sayo e...” mahinahon at nalulungkot na sabi ni Langgam na medyo nasaktan ito sa mga sinasabi ni Daga.

“Di ba sabi mo aalis na kayo! Umalis na kayo dahil sinisira mo lang ang araw ko!” pabulyaw na sabi ulit ni Daga sa kaibigan kaya tuluyan ng umalis si Langgam.

“Sige kaibigang Daga, tutuloy na kami, mag-ingat ka palagi ha?” mapagkumbabang paalam ni Langgam sa masungit na kaibigang si Daga.

Paglipas ng ilang araw ay nagtagumpay si Daga si ginawa niyang daanan. Tiba-tiba siya sa mga nakatagong pagkain ng may-ari sa kompyuter shop na iyon. Pati mga bagay na hindi naman kailangan ni Daga ay sinisira niya, wala siyang pakialam kung mahalaga ba iyon o hindi ang sa kanya ay makahanap siya ng pagkain. Hanggang isang araw ay napansin ng may-ari ng shop ang nangyari sa mga gamit niya. Pati kompyuter wirings at kable ay nginatngat rin ni Daga. Galit na galit ang tao kaya gumawa ito ng paraan para mahuli si Daga. Naglagay ng rat snap trap at flies trap sa buong paligid ng daraanan ni Daga ang tao kaya kahit saang banda man dumaan si Daga ay siguradong mahulog ito sa trap.

Medyo marami-rami ang mga nakuha ni Daga na pagkain sa komyuter shop kaya nagpalipas muna siya ng dalawang araw bago bumalik. Paglipas ng dalawang araw ay excited na ulit si Daga sa pagpunta sa kompyuter shop ang hindi niya alam ay iyon na pala ang huli niyang pagtapak sa lugar ng mga tao. Walang takot si Daga na bumalik sa kompyuter shop dahil ang alam niya ay di alam ng mga tao ang ginagawa niyang pangunguha ng makakain niya. Pagdating niya ay nakita niyang makalat pa sa lugar kaya agad na pumasok si Daga sa butas na ginawa niyang daanan papunta sa kompyuter shop, laking gulat na lang ni Daga na hindi na siya makakagalaw at di maiangat ang kanyang mga paa, doon siya napapunta sa flies trap. Dumikit ang mga paa ni Daga, pinilit niyang kumawala pero lalo lang siyang dumikit rito pati mga balahibo niya. Hanggang manghina na si Daga at nawalan na siya ng pag-asa ba nakatakas pa, siyang pagdating din ni Langgam na puno ng pagkamangha sa nangyari kay Daga.

“K-Kaibigang Daga!? Diyos ko anong nangyari?!” manghang tanong ni Langgam.

“Na-trap ako kaibigang Langgam, pakiwari ko’y di na ako makakaalis pa rito.” Nalulungkot na sabi ni Daga. “Tama ka kaibigang Langgam, mas matalino pa sa atin ang mga tao, kung sana pinakikinggan lang kita noon ay hindi ito mangyayari sa akin. Kung alam ko lang na pweding mangyari yun ay dinoble ko pa ang pag-iingat ko.” Nalulungkot na saad nito.

“N-Nalulungkot ako para sayo kaibigang Daga, nandito nga ako pero di naman kita matutulungan.” Wika ni Langgam na puno ng kalungkutan.

“Huwag kang magsalita ng ganyan kaibigang Langgam dahil tinulungan mo na ako, di lang ako naniniwala sayo kaya ito ang napapala ko. Patawad kaibigang Langgam sa inasal ko noon dahil minamaliit ko ang kakayahan mo.” Wika ni Daga na malungkot pa rin.

“Huwag kang magsalita ng ganyan, kaibigan kita di ba? Kaya tayo lang ang magkakaunawaan. ‘Wag kang mag-alala, makakarating sa mga kasamahan mo ang nangyari sayo at para balaan ko silang ‘wag magpunta rito.”

“Salamat kaibigang Langgam, ayokong madamay ang mga kasamahan ko sa nangyari sa akin, at handa na akong tanggapin ang anumang parusa ng tao sa akin.” Naluluhang sabi ni Daga, sabay tuluyan na siyang iniwan ni kaibigang Langgam para ipaalam sa iba pang kasamahan nito ang nangyari kay Daga.

Wakas!

Moral Lesson:

 

Hindi natin dapat mamaliitin ang kapwa natin kung anumang meron sila, dahil di natin alam sa pagdating ng kagipitan ay sila rin pala ang ating maging sandalan. Mayaman man o mahirap ay walang pinagkakaiba dahil pag namatay ka ay sa abo ka pa rin mapupunta.

 

Mahirap matagpuan ang isang tunay na kaibigan, kaya dapat din nating isasaalang-alang ang mga taong nagpapahalaga sa atin, ang mga taong totoo sa atin at sandalan natin kaya narapat lamang na sila’y paniniwalaan natin bilang isang tunay na kaibigan.

 

FhearL

Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na kung ano man ang mga naging mali ko sa bawat deskripsyon sa mga naging tauhan sa kwentong ito, ang lahat ng iyan ay base lang po sa aking sariling pananaw at imahinasyon.

Sana po ang kuwentong ito ay kapupulutan ng aral sa mahal nating tagasubaybay.

At sa anumang nakikitang mali n'yo sa akda ko ay handa ko pong tanggapin ang mga komento n'yo upang ito'y maging daan tungo sa ikauunlad ng aking pagsusulat.

God bless to everyone. Just keep on posting and writing to inspired everyone.

Domo Arigato Gusaimas!

C fhearl lang po ito...



jonsdmur's picture

Napakaganda ng moral lesson

Napakaganda ng moral lesson ng kwento... kahit mga hayop ang tauhan ay nabigyan ng buhay... Hindi talaga natin pwedeng maliitin ang kakayahan ng bawat isa... At sadyang mahirap din makahanap ng isang tunay na kaibigan.... salamat sa iyong kwento... mukhang dami mong kwento ha....

Dito sa shop namin marami ring daga dati... yon nahulog din sa bitag... heheheh

Keep posting! Buti ka pa nakakapagsulat ng marami....

JOnsdmur

fhearl08's picture

Weee...

Ngayon ko lang ginawa yan kz kailangan mga maiksi muna ang story ko kasi kailangan kong tapusin ung mga nobela ko na-stock na kz ung "BAMPIRA" di ko yun natuloy kasi napagtuunan ko ng pansin ngayon ang continuation ng "Sana'y Ako na Lang at ang revision ng Hanggang Kailan Maging Akin Ang Puso Mo?" ang dami kasing error dun kia kailangang ma-edit ko yun.

Anyway, thanks sa time for commenting my worksLaughing

Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusulat, malay natin, one day, we're real writers na! harharLaughingLaughing Wish ko lang mangyari sa atin yan... maybe i am the luckiest person na cguroLaughingEmbarassed

Adlesirc's picture

hi

simple lang ang kwento, madaling maintindihan ng kahit sinong magbabasa. bata man o matanda. higit sa lahat, maganda ang moral lesson.

 

 

keep posting =)

dyeppri's picture

Hello fhearl...

maganda ang pagkakasulat mo at siguro ito talaga ang linya mo--- mga kwentong pang bata (naalala ko yung huli kong kinomentuhan). Malaki na ang pinagbago mo at mahusay na.

Sa akda bilang nagsusulat din ay napansin ko lang na medyo predictable lang ang mangyayari kasi mahaba ang paalaala ni langgam. Tsaka bilang daga ay sobrang palasak  na iyon bilang deskripto na burara (ptay kang daga ka!). Bilang pang-batang kwento ay pasok ito!

Dagdag lang: hindi mo na kailangang ipahabol ang moral lesson, hayaan mong mambabasa ang gumawa noon at parte nila iyon. Ipagpalagay mo na matalino silang mambabasa at sa ganda ng kwento mo ay pihadong ma-gegetching nila ang mensahe mo (kasi kung ilalatag mo ang lesson ay mabilis nilang kakalimutan ang istorya at matutuon na lang sila duon sa mensaheng isinubo mo.) thanks! sana makatulong ito (ako lang ito, gaya ng dati). Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

fhearl08's picture

Thank you!..

Thank you very much Sir Dyepp, i try my best next time na di na ako pumalya, pero mahirap 'ata yun... Pero sisikapin ko... wala namang imposible db if u make if possibly happen...Koment q ata sau 2! har harLaughingLaughing

Thanks ulit sa pagpuna... 

ingatzkie po...

 

Ailem23's picture

Kon-nichiwa fhearl

ngayon ko lang ito nabasa... haiz. ngayon lang nagka-time eh... agree ako kay kuya dyep... baka ito na ang linya mo...kwentong pambata...

nagustuhan ko ang kwento...talagang may moral lesson...  napansin ko rin ang improvement mo... keep it up!   

hehehe.... ang tagal mong nawala sa site...worth it ang pagbabalik mo kasi may improvement ka talaga...

Ja, matane! Oyasuminasai! (feeling marunong mag-Nippongo lang po ako. hehehe.)

melay