Si Lindol at Si Tsunami

arvin95's picture

Si Lindol at Si Tsunami
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong unang panahon ay may isang tao na ang pangalan ay Lindol. Isa siyang anak mayaman. Kapag naglalakad siya gusto niya na laging may nakasunod sa kanya. Iyon ay ang kanyang mga alalay. Dahil kapag ganun ay pakiwari niya sa sarili isa siyang hari at tinitingala ng mga tao.

Isang araw habang naglalakad si Lindol kasama ng mga alalay niya ng may tao na naglakas loob na si Lindol ay pagsabihan. Sinabihan si Lindol na mayabang. Nang marinig iyon ni Lindol ay nagalit siya at inutusan ang mga alalay niya na bugbugin ang lalaking nagsabi na siya ay mayabang.

Pero laking gulat ni Lindol ng ang limang alalay niya ay tinalo ng isa lang. Sa huli ang lumaban ay si Lindol. Habang binubugbog si Lindol ng lalaki bigla ay may tumulong sa kanya. Tinalo ng lalaki ang bumubogbog kay Lindol. Kumaripas ng takbo.

"Anong pangalan mo", tanong ni Lindol sa lalaki. "Tsunami po ang pangalan ko", sagot ng lalaki. Kinaibigan ni Lindol si Tsunami. Binigyan ng pangangailangan sa buhay pati na rin sa pamilya ni Tsunami. Mula noon din ay isa na lang ang alalay ni Lindol. Si Tsunami na lang.

Isang araw kinausap ni Lindol si Tsunami. "Tsunami, handa ka bang iwan ang asawa mo at anak para sa aking paglalakbay sa karagatan", tanong ni Lindol kay Tsunami. "Opo,nakahanda ako para sa iyo Lindol dahil ikaw ay aking pinaglilingkuran", sagot ni Tsunami kay Lindol. "Ngunit bago tayo umalis nais ko munang bigyan mo ako ng maraming pera para ibigay ko sa aking asawa at anak", tugon uli ni Tsunami.

Dahil mayaman si Lindol agad ay binigyan ng maraming pera si Tsunami. At iyon naman ay binigay ni Tsunami sa asawa niya para magamit sa pamumuhay nila kasama ng kanyang anak.

Sa araw ding iyon agad ay nagpaalam si Lindol sa kanyang mga magulang na siya ay aalis at maglalakbay sa karagatan kasama si Tsunami. Siya naman ay pinayagan ng kanyang mga magulang.

Dala ang maraming pera at lahat ng kagamitan at mga pagkain agad ay pumunta na sina Lindol at Tsunami sa daungan ng barko dahil nandoon ang maliit na barko na gagamitin nila sa paglalayag na binili ng kanyang mga magulang.

Habang naglalayag na ay masayang-masaya sila dahil nakikita nila ang lawak at ganda ng karagatan. Namimingwit din sila ng isda para makain nila. Minsan naman sila ay dumadaong sa isang lugar para bumili ng kailangan nila.

Lumipas na ang isang taon hindi pa rin tumitigil si Lindol sa paglalayag sa karagatan. Habang si Tsunami ay gusto ng umuwi dahil miss na niya ang kanyang pamilya. Pero ayaw ni Lindol dahil mawawalan siya ng dakilang alalay.

Isang gabi habang malakas ang ulan at kumukulog ng bigla ay tinamaan ng kidlat ang likurang bahagi ng barko nina Lindol at Tsunam dahilan para ito ay masira. Nagpanic agad silang dalawa dahil alam nilang lulubog ang barko. Unti-unti ay lumubog nga ang barko at sina Lindol at Tsunami ay lumangoy papunta sa isang isla.

"Mabuti na lang at ligtas tayo", sabi ni Lindol. "Oo nga", sabi naman ni Tsunami. Kinaumagahan ay laking gulat nila na sila lang pala ang tao sa isla. Nilibot na nila ang buong isla pero wala silang makita na tao. Mga hayop lang ang naroon. Araw at gabi ang laging hangad ni Tsunami ay makauwi na siya. Ngunit si Lindol ay hangad niya ay maipagpatuloy pa ang paglalakbay sa karagatan.

Isang araw habang naglalakad sila sa isla ng may makita si Tsunami na isang bote na may takip. Nang tanggalin ni Tsunami ang takip ng bote ay laking gulat nila ni Lindol ng bigla may lumabas na usok at naging tao. "Genie", nasabi agad nina Lindol at Tsunami.

"Maraming-maraming salamat sa inyo. Sa wakas sa loob ng mahigit isandaang taon ay nakalabas na rin ako sa bote. Bilang gantimpala ay bibigyan ko kayo ng tig-isang kahilingan. Kahit anong hilingin niyo ay matutupad", sinabi ng Genie.

Tuwang-tuwa agad si Tsunami dahil sa wakas makakasama na niya ang kanyang pamilya dahil sa Genie. Samantala si Lindol ay hindi mapakali kung ano ang hihilingin sa Genie.

Pinauna sa paghiling ng Genie si Tsunami. "Ikaw Tsunami ano ang kahilingan mo", sabi ng Genie. "Gusto ko po na makauwi na sa aming lugar dahil nais ko ng makapiling ang aking asawa at anak", sabi ni Tsunami. "Matutupad ang gusto mo", sagot ng Genie. At isang kumpas lang ng kamay agad ay nawala si Tsunami at napunta na sa kanyang pamilya.

"Ikaw lindol ano ang kahilingan mo", sabi ng Genie." Puwede po ba dalawa ang hilingin ko", sabi ni Lindol kay Genie. Nag-isip muna ang Genie at pinagbigyan naman si Lindol.

"Ano ang una mong kahilingan Lindol", sabi ng Genie. "Gusto ko po na bigyan mo ako ng isang matibay na barko na magagamit sa paglalayag sa karagatan", sagot ni Lindol. At isang kumpas lang ng kamay ng Genie agad ay nagkaroon ng isang barko.

"Ano naman ang pangalawa mong kahilingan", sabi uli ng Genie kay Lindol. Nag-isip muna si Lindol. "Ang pangalawa ko pong kahilingan mahal na Genie gusto ko pong ibalik mo rito si Tsunami dahil gusto ko na siya lang ang aking kasama para sa paglalayag sa karagatan", sagot ni Lindol sa Genie. "Matutupad ang gusto mo", sabi ng Genie. At isang kumpas rin lang ng kamay agad ay naibalik si Tsunami at bigla nawala ang Genie.

"Bakit ako naibalik dito. Nakasama ko na ang aking asawa at anak", sabi ni Tsunami kay Lindol.

"Dalawa ang naging kahilingan ko. Una ay ang magkaroon ng isang barko na magagamit sa paglalayag sa karagatan. Pangalawa kong hiling ay hiniling ko na maibalik ka rito Tsunami dahil gusto ko na ikaw lang ang aking kasama para sa aking paglalakbay sa karagatan", sabi ni Lindol kay Tsunami.

Napakamot na lang ng ulo si Tsunami. "Halika na Tsunami punta na tayo sa barko para muli ay maglayag sa karagatan", sabi ni Lindol kay Tsunami.

At muli patuloy silang naglayag sa karagatan.

 

my blog, click www.arvin95.blogspot.com


sinta isaac's picture

...

 

this is very elementary arvin. Nagsusulat ka ba sa mga librong pang elementarya?

 

effort counts man, don't worry. :)

 

 

 

 

Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/        

arvin95's picture

oo......napakadami

oo......napakadami na....ikaw siguro pang kinder garten mga sinulat mo...

reply

That is great that we are able to take the personal loans and it opens up completely new possibilities.