Si Pilipinas

| | | |

March 11, 2008
mataas na ang araw.
Monumento LRT Station.

Nakilala ko si Pilipinas. Hindi naman sa nakilala, nakita ba. Ganun.

Papunta kaming Bulacan, LRT ang ika-2 sakay. Buti na lang maaga kaming umalis, di pa jampax sa LRT, baba kami ng Monumento.

Iniwan muna kami saglit ni Mama. May binili. Kaya ako, observant mode ulit. Saya mag-sight-seeing sa baba ng stasyon ng LRT. Sana dinala ko 'yung SLR. Iba-ibang klaseng tao sana ang makukunan ko ng MALUPIT NA SNAPSHOT. Ayos di ba? Cool! May trabahador, estudyante na karamihan ay naka-uniform pang-nurse; bata, matanda, macho, bading, may forenjer pa! Jokla nga lang.

Pero isa ang nakatawag pansin sa halos lahat.

Nag-sskip, hop, stride siya. Kala mo nasa Luneta, naka-White halter dress, backless, hanggang tuhod. Siya si Pilipinas. Wow no? Pero hindi ganun ang sabi ng marungis ngunit inosente niyang mukha, ng Umbra niyang kulay, ng mga kulot at maiikli niyang buhok, ng tsinelas niyang pudpod. Siguro may isang taon, di naman siguro, isang buwan siguro, na hindi naliligo. May dala siyang puting supot at masayang naglalakad sa kalye ng Monumento. Lahat ng taong nakasalubong niya, may mga mapanuring mata [kasama yung akin dun] na sumasalubong. May mga nagsisitawanan sa gilid, may mga pasimpleng lingon pagkalampas sa kanya, may mga tingin at iwas na may halong 'yuck', 'no ba yan?' at 'Lakas ng dating!".

Normal na siguro sa'tin 'yun no. 'Yung tawanan ang iba. Manood na lang at maki-ride sa trip ng iba. Kaya kahit Pilipinas, ang Inang bayan, pinapanood na lang natin...

tingin mo?

angelica valdez

Pmel's picture

Kay lungkot isipin na parte

Kay lungkot isipin na parte na ng ating mentality ang pakikipagsakay sa mga biruan at ugali na marahil hindi naman nakakatuwa, lalo na kapag ang isang tao ay may galit sa iba na hindi niya inaamin pero halata.

Maganda ang iyong isinulat, kaibigan.

 

 

 "... my people are destroyed from lack of knowledge"- Hosea 4:6

jonsdmur's picture

Naibigan ko ang iyong

Naibigan ko ang iyong isinulat. Salamat

Jonsdmur