Si Poldong Manunulat

| |
Crispulo S. Alarde, Jr.

Nagsimulang magsulat si Crispulo S. Alarde, Jr. sa mga pormang popular. Marami na siyang naisulat na maiikling nobelang romansa gamit ang pen names na Kris S. Alarde, Paola Adour, at Karissa Manuel. Sa ngayon, itinutuon niya ang pagsusulat sa mga maiikling kuwento. profalarde30@yahoo.com


squid villanueva's picture

Balanse

Admittedly, lahat naman ng writers, professional man o hindi, ay nagsimulang magsulat kasi gusto nating i-express ang damdamin natin. Pero sa punto de bista ko ngayon (palibhasa may asawa nang pinapakain), ang pagsusulat professionaly ay walang pinagkaiba sa trabaho sa call center, pagbenta ng tinapay, pagtibag ng bato, etc. You find your satisfaction with getting paid. Cynical, oo, pero marami-rami na rin akong nakitang writers na ine-expect na ang pagsusulat ng popular stories like "dime-novels" at television scripts ay balanse ng hilig at pangangailangan. I say reassess your position. Tignan ang pagsusulat professionaly as a job, not your passion. Yung passion, madali yon. Lahat tayo may passion some way or another.  Maski walang bayad gagawin mo yon. Tulad ng pagpa-publish sa website na ito. Pero yung ginagawa natin for passion, hindi bebenta yon. Sadly, mahirap ang bansa natin. Kapag ang writer puro passion, gutom yon. Mabuti sana kung wala kang pamilya. Yung gutom ng single na writer ay pandagdag sa inspiration yon. Pandagdag sa galit. Pero pag may pinapakain ka, kailangan mong magpakapokpok. Kailangang magpayaman. Dapat mabasa ang gawa mong ito ng mas marami pang writers para alam nila ang pinapasok nila. Sobrang dami kasi ang nahihibang at ine-expect na they'll get rich writing EXACTLY what they want to write, how they want to write it, and when they want to write it.

Squid Villanueva

THank you for your comments on my 1st story on this site. I do hope you will also read some of my stories on this site also soon. Just keep in touch.

 

Kris S. Alarde

a wake-up call

like i already mentioned in one of my blogs and even my articles for writing, in this country, gutom talaga mga writers, even the visual artists. i went to a play last weekend, even the theater actors also have the same fate. magagaling sana ang mga filipinos but unfortunately, we don't have the same environment like the western world which have a higher, better understanding and appreciation of art.

if we are, sana pareho na tayo ng fate ni j.k. rowlings.

but i read somewhere; all around the world, it takes time for a writer to be truly recognized and duly compensated. kaya nga may posthumous award. kasi wala na yung writer saka pa lang dumarating yung compensations.

all the writing workshops i attended, encourages the writers to explore their passion but always reminds the participants to never ever give-up their day job...

this particular article sets the boundaries between reality and fantasy. a wake-up call.

good work!

TY Meg,

Thank you for comments Meg.  I am so greatful upon reading some comments from the blog readers. To all aspiring writers like me, dont be afraid! Just write! Soon...mauunawaan din tayo nila.

Kris S. Alarde

recitation no.1

 Tunay ngang maganda ang ang kabuuan ng kwentong "Si Poldong Manunulat". Malinaw na naipakita ng may akda ang damdamin at ang paghihirap ni Poldo bilang manunulat at bilang isang haligi ng tahanan. Habang binabasa ko ang kwento, ni hindi ko naisip na ganoon ang kanyang magiging wakas. Malaking parte na siyang nagpaganda sa kwento ay ang paggamit ng may-akda ng mga salitang di-gaanong pormal at siyang ginagamit ng mga tao sa ngayon. Sa madaling salita, nasakyan ng may-akda ang mundo ng mga mambabasa kaya mas madali rin siyang naintindihan ng mga ito. Isa pang bagay na nag-uugnay sa may-akda at sa kanyang mga mambabasa ay ang mismong kwento. Ang kwentong "Si Poldong Manunulat" ay naglalarawan sa isang tipikal na pamilyang Pilipino. Si Poldo mismo ay isang tipikal na Pilipino na pinipilit imulat ang mga tao kasabay ng pagtupad sa kanyang mga pangarap. Dahil sa katangiang ito ng kwento kaya masasabi ko na sa kabuuan ay naging epektibo at maganda ang kwento.

  MELANIE JUSAYAN

   ECO511

recitation #1

Ang kwento ni poldo ay hindi nalalayo sa ibang mga manunulat at mga kapwa nating mga pilipino. Isa sya sa mga taong nais iwasto ang kamalian ng lipunan at iwasto ang baluktot na paniniwala ng mga tao. Ngunit bilang isang tao mahihirapan syang baguhin ang lipunan dahil wala syang kapangyarihan at lalong lalo na pera. Ngunit, hindi iyon naging hadlang sa kanya pero sadyang merong mga bagay na hindi natin mabago, merong plano ang dyos sa ating lahat, meron lang talagang mga bagay na kailangan nating tanggapin at baguhin ang kailangang baguhin. Ngunit hindi dapat tayo huminto sa pagsasagawa ng magagandang pagbabago sa buhay. Ang naging problema lang ni poldo ay masaydo nyang iniisip ang kanyang sarili hindi niya nalaman na kasama nya sa paghihirap ang kanyang pamilya at di nya nakayang kontrolin ang galit nya. At ang katotohanan na yan ay kadalasang nangyayari sa mga pamilya sinisisi nila o kung hindi man ibinubuntong ng ama o sinumang kumakayod para sa  pamilya ang kanyang galit at pagkabigo sa sarili nyang pamilya. Hindi nya nalaman na nandyan ang pamilya na pilit syang inuunawa at sinusuportahan. Sana bago nya ayusin ang labas ng bahay inayos nya muna ang loob ng bahay nya. At sana ganun ang gawin ng mga kapwa nating pilipino .

JOMAR A. JAVIER

A0620J

Recitation No 1

Para sa akin napaka ganda ng istorya na ito kase maganda siyang inspirasyon at simula ng isang gustong maging manunulat. Dahil dito matututo kang maghanap ng isang magandang paksa na iyong susulatin.Alam naman natin na ang pinaka magandang istorya at paksa ay ang istorya ng ating buhay ngunit hindi lamang natin ito napapansin. Dahil bulag tayo sa katotohanan na ang ibang bagay lamang ating napapansin hindi  ang mga tao sa ating paligid. Magandang simula ito para matuto tayo ngunit huli na ang lahat at saka lamang natin ito napapansin kung kelan biktima na tayo nito.

Maria Cecilia N. Serrano ECO511

reaction #1

Una, ang masasabi ko. Napaka-makatotohanan ng kwentong ito. Sa tingin ko, lahat ng manunulat ay naguumpisa sa pag-e-express ng kanilang nararamdaman dahil mas effective ang dating nun sa pagsusulat kung sinusulat mo yun dahil sa iyong nararamdaman, kumbaga, mas ma impact rin ito sa magbabasa. At dito sa kwentong ito, gusto ng manunulat na iwasto ang ating lipunan, kung iisipin natin, tama naman siya, hindi na rin maganda ang takbo ng pulitika ngayon at madaming tao ngayon ang dumudumi ang isip dahil sa mga movie na napapanood nila at sa ibang babasahin na nababasa nila, kung kaya't gusto ni Poldo na sumulat ng maayos na susulatin. Ang mali lang sa ginagawa ni Poldo, masyado na lang niya iniisip ang sarili niya hanggang sa pati ang pamilya niya, nakalimutan na niya. Dapat binalanse niya. Sana mas binigyang pansin niya yung pamilya niya kesa sa paghahangad ng gusto niyang isulat para magustuhan ng karamihan pero ang pamilya niya yung napabayaan niya.

Katherine C. Gatapia
A0620J

recitation2

               Mahusay ang pagkakagawa sa kwento. Malinaw at naisalaysay mabuti ang pagkakasunodsunod nito. Mapapansin na simple lang ang mga salitang ginamit kaya't madaling intindihin. Noong nabasa ko ang kwento naisip ko na marahil ganito rin ang napagdaanan ng panunulat sapagkat ang kwento ay parang nangyari sa totoong buhay. Makikita rin sa kwento ang nga natural naginagawa at emosyon ng mga manunulat, sa pamamagitan nito madali natin maiintindihan ang mga manunulat. Ang kwento rin ay may magandang wakas, hindi ko inaasahan na mapapagtanto ni Poldo ang kanyang kamalian.Hanga rin ako sa kanyang pamilya na umintindi sa kanya lalo na ang kanyang asawa. Maganda ang kwento ay may mapupulot na aral. 

RECTATION

ANG KWENTONG POLDONG MANUNULAT AY ISANG MAGANDA AT MAKATOTOHANANG KWENTO. NAGPAKITA ITO NG MGA PANGYAYARING NANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY, MGA TAONG BINANGGIT SA KWENTO AY HINDI FICTIONAL NA TAUHAN AT ANG MGA DIALOG NA GINAMIT AY MGA DIALOG NG MGA KARAIWNG TAO SA TOTOONG BUHAY AT HIGIT SA LAHAT NAILATHALA SA KWENTO ANG BUHAY NG ISANG KARANIWANG MANUNULAT AT ANG MGA BAGAY NA GUSTO ISULAT NG ISANG MANUNULAT NA GAYA NI POLDO.

FRITZIE ADINA

A0620J

recitation no. 1

Tunay ngang kapupulutan ng maraming aral ang kwentong "Si Poldong Manunulat."  Hindi man natin sabihin, ang istoryang ito ay nagpapakita lamang ng iba't-ibang tagpo at uring Pilipino sa ating panahon.  Si Poldo, bilang isang asawa, ama at manunulat, ay sumisimbolo lamang sa isang tipikal na mamamayan na pilit itinataguyod ang sariling pamilya kasabay ng pagtataguyod ng sariling mga pangarap kahit na napakagulo at napakalabo ng lugar na kaniyang ginagalawan.  Nasasalamin sa istoryang ito ang ilang pagsubok ng taong nangangailangan ng matinding pagtitimbang ng mga bagay-bagay upang makapag-bitiw ng isang mabigat na desisyon.  Hindi alam ni Poldo kung paano niya gagawing maiayos ang kaniyang mga akda dahil hindi tinatanggap ang kaniyang mga isinusulat dahil ayon sa editor, hindi nga tatanggapin ng mga mambabasa ang mga akda ni Poldo.  Dito natin makikita na hindi lahat ng mga bagay na gusto nating makita o ipakita ay hindi lubusang maiintindihan ng nakararami dahil may mga hadlang sa pagpapalaganap ng katotohanan sa likod ng mga pagkukulang ng realidad.  Pilit ipinapakita ni Poldo, mula sa kaniyang mga akda, ang tunay na mga pangyayari sa kanilang lugar, ngunit pilit itong hinahadlangan ng kagustuhan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng di-pagtangkilik sa mga ito.

Lamang, mas inuna ni Poldo ang pag-abot sa mga pangarap kaysa sa pagtulong sa sariling pamilya.  Bagama't haligi ng tahanan, nakalimutan niya ang kaniyang mga responsibilidad sa kaniyang pamilya maliban sa pag-iisp na sa pagsusulat niya maia-ahon ang pamilya.  Nakalimutan niya na magkaiba ang gusto sa pangangailangan.  Kailangan niyang buhayin ang kaniyang pamilya sa abot ng kaniyang makakaya bilang ama ng tahanan, ngunit, hindi niya ito nagampanan ng maayos dahil mas inuna niya ang pansariling mga kagustuhan.  Dahil dito, naharap siya sa isang matinding dagok, ang iwan ng mga pinapahalagahan.  Tunay nga, hindi nating kayang pagsabayin ang lahat ng mga nais nating gawin sa buhay, sa iisang pagkakataon lamang.  Nakikita natin sa pangyayaring ito na sa kahit anong bagay na gawin natin, may kailangan tayong isakripisyo kung nais nating magtagumpay.  Lamang, sa nangyari kay Poldo, naging mali siya sa pagbibitiw ng desisyon.  Sa bandang huli, siya pa rin ang talo.  Siya pa rin ang naiwang luhaan.

Sa kabuuan, isa lamang ang aking napagtanto sa istoryang "Si Poldong Manunulat."  Dapat tayong laging nakahanda sa anumang bagay na ating gagawin.  Hindi tayo dapat palaging sigurado sa mga desisyong ating ginagawa dahil hindi naman natin hawak ang ating hinaharap.  Nasusulat nga sa Banal na Aklat, "do not be confident on how tomorrow will be for we never know how today will end."

pampagising sa tulog na utak

Ang kwento ay masasabi ko na isang pangising sa'ting mga pilipino. dahil sa makikita sa kwentong ito ang mga iba't-ibang pangyayari sa ating mga pilipino.Masasabi ko lang pati na bago ka gumawa ng kwento ay dapat pag-aralan mo muna ang nakapalibot sa paligid mo dahil hindi natin alam na baka nasa harap na natin ang maaari nating gawing paksa. MICHAEL JOHN A. REGACHO M05202

Recitation no. 1

Ang maikling kwento na "Poldong Manunulat" ay kakikitaan ng paghihirap ng isang manunulat. Ipinakita dito na hindi madaling makag-isip ng isang sulatin na maaaring kagiliwan ng marami. Ang konsepto ng may akda ng "Si Poldong Manunulat"ay tunay na nakakabuhay sa interes ng nagbabasa hindi rin ito mahirap unawain sapagkat ang mga salitang ginamit dito ay karaniwan ng ginagamit sa araw araw at ang mga pangyayari sa kwento ay nararanasan o naranasan din ng mga bumabasa. Ang pangyayari sa wakas ng kwento ay lalong nakapagpadagdag buhay sa kwento sapagkat makatotohanan ang mga pangyayari. Makikita sa mga katagang "ang buo ay wawasakin ko at ang wasak ay bubuin ko" na nagpapahiwatig na natuto man si  Poldo ng bagong paraan sa pagsulat naging huli na naman ang lahat para sa kanyang pamilya sapagkat masyado niyang itinuon ang sarili sa pagsulat at nakalimutan niya ang kanyang pamilya na dapat sana ay binigyan niya rin ng importansiya.

Racquel P. Castillo

ECO511

recitation no. 1 EC0511

Para sakin totoong napakaganda ng kwentong "Si Poldong Manunulat".Ang kwentong ito ay may kaugnayan at ito ay nangyayari sa kasalukuyan na totoong ayaw mamulat ng mga tao sa maruming katotohanan.Kung ating susuriin ang kwentong ito,sa kagustuhan ni Poldong maging isang mahusay na manunulat ay mayroong namang asawa at mga anak na nabigo at umasang mabibigyan sila ng magandang buhay sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanilang ama.Sa mga oportunidad na dumating sa buhay ni Poldo ay kanyang binaliwala ito dahil sa kanyang pangarap at  paniniwala.Hindi naman masamang tuparin ni Poldo ang kanyang mga pangarap,pero dapat ay naiisip din inisip din niya ang mga taong umaasa sa kanya,sa mga oportunidad na dumating sa kanya e dapat gumamit siya ng isang matalinong pagdidisisyon.

Recitation 1

   Sa nabasa ko nais ipa batid ng manunulat ang pag hihirap ng mga Pilipino sa kasalukuyan.   Si Poldo ay isang Pilipino na nakaranas ng pighati sa buhay.   Ang kawalan ng interes ni Poldo mag trababo sa isang pang publikong paaralan ay dahil nasa salamin niya na walang patutunguhan ang kanyang pag sisikap umasenso sa buhay.   Ipina babatid din ng may akda na dapat natin ibukas ang ating mga mata sa mga nangyayari sa kasalukuyan dahil ito'y mag rereplika sa hinaharap.   Hindi maganda na atin ugaliin ang pag talikod sa mga problema atin nararanasan sa halip dapat natin pag tuonan pansin lahat ng suliranin para marating natin äng tagumpay sa buhay.   Dapat natin isipin ano man nais natin gawin sa buhay ay may katumbas na leksyon na dapat natin unawain.   Matuto sana tayong makontento sa mga biyaya ng Diyos at mag pa salamat sa kanya.

Joannalyn Tadeo                           

Eco511

Recitation #1 eco511

ang kwentong "Si poldong manunulat" ay isang uri ng kwento na naghahayag ng tunay na damdamin ng may-akda sa ating lipunan. Ang gusto lang naman ni poldo ay ang maging maayos ang kanyang lipunan na kinabibilangan.sinisiwalat lamang ni poldo ang dumi ng bawat tao na unting-unti na sumisira sa dignidad ng bawat isa at ito ang gusto buuin muli ni poldo.dahil sa pagkakaabala niya sa paggawa ng mga kwento ay hindi niya nabigyan ng importansya ang pamilya na laging andyan para sa kanya na handang tulungan siya.pati ang kanyang sariling pamilya ay nawasak na rin.ito dapat ang una niyang gawan ng solusyon ay kung paanu niya mapababalik ang kanyang pamilya sa piling niya.

katrine cristobal eco511

Si Poldong Manunulat

Maganda ang kabuoan ng kwentong ito.  Magandang pampagising din sa lahat ng "backyard", "closet" at "restroom" writers-- saan man tayo nakatalaga.  Marami sa atin ang hindi nakakakamit ng pabuya mula sa pagsusulat.  Totoo ring hindi mo pwedeng gawing puhunan ang iyong husay sa paglilikha ng tula o maiikling istorya lalo pa't may binubuhay kang pamilya.  Gusto mo man o hindi, mas mainam ng magsumikap sa ibang paraan o trabaho.  Kahit saang banda mo titignan, mas kikita ka sa ibang bagay kaysa sa pagsusulat.

Dito nga sa ibang parte ng mundo-- bagama't lagi naman akong sumasali sa iba't- ibang literary contests para sa mga likha kong mga tula o maiikling kwento pero hanggang "honorable mention" lang ang nararating ko.  Minsan nga, wala pa.  Ang maling akala ko, madaling manalo sa mga nationwide contests ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ako napapansin.  Mas marami ang naghihikayat na maglabas ng sarili mong aklat na tula pero mas gagastos ka kaysa kikita dahil hindi mo masisigurong may bibili, bilang pagtanaw sa iyo.  Ilang certificates na rin ang natanggap ko sa mga poetry bodies dito, may dalawang taon na rin ang nagdaan, pero hanggang "your artistry is definitely one of the best" lang ang aking nababasang kasagutan.  Pilit nila akong ini-imbita sa mga conventions sa iba't-ibang estado para mabigyan ng parangal ano man sa mga sinasabi nilang "kakaiba kong gawa"... pero ni minsan hindi ako pumayag sa kanilang kagustuhan dahil malaking pera ang hinihinging kapalit sa aking pagdalo.  Kahit saan ka man makarating, habol-habol ka pa rin ng mga halimaw sa kita!

Sa iba nating kabaro sa mismong bayang Pilipinas, hindi ko na rin alam kung sa anong paraan pa tayo makakabangon bilang mga manunulat!  May mga writers na nagpupumilit na makalikha ng mga kwentong papasa sa lokal na komiks.  Nagsisikap ang iba na baka sakaling "balang araw, mapapansin din ng ibang lahi ang ating nilikhang babasahin".  Sa larangang ito, marami noong araw ang mahusay at dalubhasang mangguguhit na nagsipagtanda o pumanaw na... at amumang mga sumunod na illustrators ay nahilig sa makadayuhang estilo at pilit iyon na ginagawang puhunan, matanggap o mabili lamang ang kanilang pinagpaguran.  Ang maganda nga lang sa ganoon ay ang pagiging adaptive nila sa kung ano man ang uso.  Sa kabilang banda, kopya pa rin ito sa iba.

Totoo-- mahirap makita kung ano man ang hinaharap mong problema... lalo pa kung pilit mong itinutuwid ang lahat-lahat na sa tingin mo'y ikabubuti ng kaanak mo kung sakaling mailusot mo nga ang sarili mong pananaw at bukal na matatanggap ng mga mambabasa.  Subalit, pawang palaisipan din sa atin kung ano nga ba ang tanggap ng buong madla na maari nating mailathala!

Sa mga maka-romansang nobela, hindi hamak na pahirapan na ang maka-isip pa ng orihinal na ideya na maaring mapagkakitaan ayon sa kakaibang likha o konsepto.  Yung posibleng kikita-- DAHIL kakaiba!  Kadalasan talaga, kung ano ang hinihingi ng pinagpasukan mong trabaho ay sila rin ang dapat mong sundin sa huli... at hindi ang ibig mo.  Ang MAPAPANSIN ang habol dito at wala ng iba pa.

Sana... hindi laging solo ang takbo ng utak o buhay natin, o kung sino pa man.  Mahirap na ang buhay noon... ano pa kaya ngayon?  Ang sumubok ng kahit anong maaaring mapagkakitaan ay hindi pagtalikod sa nakagisnang hilig o kahusayan kundi pagpapakita ng tapang at prinsipyo, alang-alang sa mga umaasa sa atin.  Bagkus, isa lamang ito na paraan para lalong makahanap tayo ng mas makapagbibigay ginhawa sa ating pira-pirasong mundo o kinabukasan.

Este... naligaw yata diwa ko dito?!  ^_^

~Roberto Cabrera (PanCit, CA)

RECITATION 1 ECO511

Ang kuwento ay hindi lamang sumasalamin sa buhay ng isang indibidwal na manunulat. Hindi lang nito tinatalakay ang iba't-ibang karanasan ng manunulat ukol sa pagbuo ng mga ideya. Inilalarawan din dito ang bawat isa sa atin. Napakadali kasi sa ating tingnan ang kasiraan ng ating kapwa pero hirap naman tayong aminin sa ating sarili na lahat tayo ay may kanya-kanya ring kapintasan. at mas mapapabuti kin uunahin nating linisin ang ating dumi kesa sa ibang tao.

RAQUIPO, DIANA AMOR D. EC0511

recitation_eco511

Kadalasan lingon tayo ng lingon nasa harap na pala natin ang problema. Nakakubli sa ating mga mata ang dapat una nating makita...at ito ang ating sariling pagkukulang. Ang problema sa lipunan na gustong isiwalat ni "Poldong Manunulat" ay paunti-unting pumapasok sa kanyang sariling pamilya. Paunti-unti, nagiging bahagi siya ng bulok na sistema ng lipunan. Ang "Korapsyon", "Seks at Romansa", “ Mga pamilya sa Ilalim ng Tulay, Bangketa, kariton at Luneta”,  “ Mga Batang Rugby”, “ Pokpok sa Mall”, “ Mga Lalaki sa Gay Bar”, “ Orgihan sa Classroom” at “ Bless Me Father…Fuck me! “ ay di lamang nagaganap sa lipunang kanyang paulit-ulit na tinutuligsa bagkus binibiktima rin ang kanyang napapabayaang pamilya...ang masaklap wala siyang nalalaman dito sapagkat siya'y bulag.

Felipe Piloneo ECO511

Ang Ayaw ni Poldo

                          Napaka emosyonal ang sinulat ng may akda. Nasabi kong emosyonal sapagkat ito'y makatotohanan sa pamilyang Pilipino na nakakalungkot talagang isipin. Naramdaman ko kasi na ako rin ay isa sa mga  tauhan ng kwento at gusto kong solusyonan ang problema ng pamilya ni Poldo. Matalinhaga kasi ang ginamit ng may akda at talagang mararamdaman na galing sa puso ang isinulat. Nakakamulat ang maikling kwento na ito sa marami. Mahahalimbawa ko na lamang mula sa kwento ang mas pinaprayoritays ng mga publisyer ngayon ang mga akda na nakakaakit na lamang sa paningin ng kabataan. Sa ginamit na pahayag ng may akda, "Mulat na ba ang lipunan ngayon? Ayaw na ba nilang magbasa ng mga katotohananna nakabalot sa lipunanag timawa?", na natamaan ako sapagkat nareyalays ko na isa pala ako sa tinutukoy ng may akda. Alam kong kulang pa ako sa kaalaman sa buhay ngunit mas inuuna ko parin ang babasahing showbiz na chismis lamang ang nakararami. Ang pagbabawal na mamalimos sa kalsada ng pamahalaan kung saan nang simula kong marinig ang batas na iyon ay di na ako nagbigay pa ng limos sa kapos palad ngunit kung ating talagang iisipin ay ang pamahalaan ang MAS namimihasa sa tao. Sa pagpapataw ng buwis. Di lamang nanglilimos, nagnanakaw pa ng kaban ng bayan. Talagang napakasarap basahin ng kwento dahil napapanahon ito sa lahat ng uri ng tao, mahirap, mayaman pulube, nasa katungkulan, at lalo na sa mga naliligaw ang landas dahil sa pagiging makasarili na naging kahinatnan ni Poldo. Maraming ipinamulat ang may akda ang kalokohan ng kabataan, ang suliranin ng bayan na makikita rin sa pinakamaliit na yunit ng mamamayan, ang pamilya. Pang-masa ang dating ng kwento. Masaya akong isa ako sa nakabasa ng kwento dahil marami akong napulot na aral. Ito ang aking tipo ng babasahin na maeexcite ako sa mga pangyayari. Ang tipong di ko mahulaan ang katapusan. Sana'y marami pang makabasa upang maibahagi naman ng mga may napakagaling na abilidad sa pagsusulat ang kanilang mensahe mula sa kanilang puso tulad na lamang ni Poldo, tulad na lamang ng may akda. =)

CALIMLIM, Jean Rosette S. PS0512

about cris alarde's poldo

prof namin yan way back 12 years ago....galing nya...

Recitation#1 ECO511

Pinapakita lang sa kwentong "Si Poldong Manunulat"ang tunay na buhay ng isang pilipinong manunulat.
Na hindi madaling kumita ng malaki sa pag susulat,hindi lahat ng nagagawa mo ay makukuha at ma lalathala. pinapakita ng may akda kung ano talaga ang buhay,hindi lamang ng mga manunulat kundi ang buhay ng nakararami.maganda ang kwento,madaling maintindihan dahil simpleng salita lamang ang kanyang ginamit.para mas tumimo sa puso ng mga mambabasa ang kanyang akda.

DELA CRUZ, Clarisse Ann G.
ECO511

Poldo=R

Payak. Simple. Sa pamamagitan ng ganitong pananlita at istilo, naipahayag ng kwentong "si Poldong Manunulat" ang isang mensaheng hindi ata naangkop sa mga salitang ito.
Sa kasalukuyan, ang pera ay isang sagisag ng tagumpay, gantimpala, kapangyarihan. At unti-unti, ito ay nagiging simbolo, katumbas na halos, ng salitang buhay. "Money makes the world go round" ika nga ng kilalang kasabihan. Makikita sa lipunan natin ngayon ang dulot ng pananampalataya sa pera. Ang sining ay isa na lamang pagkukuhanan ng kuwarta. Ang mga artista't manunulat ay unti-unti nang ipinagbibili ang kanilang mga kalulwa sa pisong halaga. Ang pamilya'y nagkakawatak-watak. Ang iisang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat ay kumakalat nang wala sa oras. Dahil sa pera. Sa "Si Poldong Manunulat", makikta natin ang dulot ng isang mundong sumasamba sa pera at ang bunga nito sa lipunang nabubulag sa kislap ng kayamanan.
IRINCO MARY JOY
ECO511 ^^

Kakaibang kuwento na nagsilbing realisasyon sa bawat tao...

Isang magandang kuwento! Sa pangunahing tauhan na si Poldo., isang simpleng tao na may simpleng kagustuhan. ang pagsusulat at ang panitikan ang kaniyang hilig. Nung nabasa ko ang kuwento, sa sobrang pagmamahal niya sa kaniyang nakahiligang gawin, nakalimutan niya ang responsbilidad niya bilang isang ama. kahit na ginagawa lamang niya kung ano ang kaniyang kagustuhan, subalit hindi sapat iyon, ang magansa sa kaniyang gustong iparating ay ang maging mulat ang mga tao sa kaganapan na nangyayari sa ating bansa ngayon, sa kasalukuyan. subalit ganun nga siguro ang mga Pilipino ngayon, sabay lang ng sabay sa agos ng buhay, kahit na hindi lam kung saan patutungo. Nakakamangha rin si Poldo dahil kahit na hindi ganun kaasenso sa buhay, gumagawa ng paraan para sa pamilya, ngunit isang araw, sa kaniyang pag-uwi, wala ang kaniyang mag-iina, iniwan siya... doon niya siguro napg-isip na kahit na mahal niya ang pagsusulat, ay mayroon siyang pamilya na dapat pa niyang mas mahalin at bigyang-pansin...

 

-Christian Paolo Magtanong(MO5202)

si poldong manunulat.. irene ec0511

ang isang manunulat ay may isang ay may kanya kanyang linya sa pagsulat... kanya-kanyang tagtangkilik sa mga babasahin.. ngunit sa panahon natin ngayn.. nadadala tayo sa mga di makabuluhang bagay,, si poldo.. isa siyang magaling na manunulat.. tiyak ako don.. nararamdam ko yon sa mga emosyon na pinakita nia.. ang problema dun ay ang mga taong di nkikita ang katotohanan,, sa buhay,, kelngan natin pakisamahan ang mga tao.. hindi lang tayo ang dapat pakisamahan.. dapat marunong din tayo makibagay,, ngunit sa pagsulat.. ang puso mo ay nandoon.. makakgawa ka ng paraan., dahil ang pagsulat ay nasa puso,, at isanag magandang biyaya galing sa Diyos..

FEDERIGAN, Irene Marie S.

ec0511

recitation #2

wala talagang pera sa pagsusulat, kasi kokonti lang ang  nakakapag-appreciate ng art at literature. at kung sino yung nakaka-appreciate, siya rin nakakagawa nito. alangan naman bilhin niya yung sarili niyang gawa. kung gusto mo magkapera magpakatanga ka sa showbiz o kaya makisali karin sa pagnanakaw ng gobyerno. kaya nga nanganganip at nadidisolve ang mga kurso gaya ng ekonomiks at literature e dahil walang may interes dito dahil hindi tayo ine-expose sa at tinuturo ang mga ito habang nasa kinder, elementary, at high school pa lang tayo. 

kasi naman poldo, sa kakaintindi mo sa mali ng lipunan di mo na namamalayan ang sarili mong mga kakulangan, lalo na sa asaw't anak mo. pero di naman lang ikaw ang ganyan, poldo. lahat tayo mabilis makakita ng mali ng iba, pero sa sarili nating pagkakamali bulag tayo, dahil abala tayo sa pangeneelam ng buhay ng may buhay o kaya naman ayaw nating aminin sa sarili natin na di tayo perpekto. alam mo...sayang. dapat ipinagtuloy mo ang pagtuturo, kasi pwede mo sanang i-expose ang mga estudyante mo sa literatura...edi sana napayaman mo ito kahit papano.

benedicto, denise lou l. ec0511

Pahimakas para kay Ginoong Lagrimas

Kawawang Poldo.

Nakakalungkot isipin na kinakailangan pa niyang umabot sa ganung sitwasyon para lamang siya makakalap ng sagimsim na siyang bubuo sa kanyang literary work.

Totoo. Hindi madaling lumikha ng isang obra. Mahabang panahon ang kailangan mong gugulin para dito...Paminsan-minsan, tulad ng ginawa ni Poldo, kailangan mong wasakin ang buo na at buuin ang wasak na. Lahat ay hahamakin mo, makalikha ka lamang.

Sa Pilipinas, walang pera sa pagsusulat. Puwera na lang kung manunulat ka ng mga blind items at ng kung anu-ano pang bagay na may kaugnayan tungkol sa showbiz at sa sex. Kaya't ganoon na lamang ang naging damdamin ni Poldo. Nabatid niya na selective mag-isip ang kasalukuyang salinlahi kaya't 'di nagiging mabenta ang kanyang mga literary work...Sadyang wala nang pagnanasa ang mga mambabasa na maging mulat pa sa mga katotohanang nakabalot sa lipunang timawa.

Tulad ko, isang idealist si Poldo. Kaya't ganoon na lamang ang kanyang determinasyon. Ngunit ang idealism ay 'di kayang bayaran ang iba't-ibang gastusin sa pamilya.  'Di ito puwedeng ihain sa hapag-kainan para gawing pananghalian o hapunan. Halatang nakalimutan niya ang mga bagay na iyon. Ngunit 'di ko rin naman siya masisisi...Marami siyang mga bagay na gustong maabot at mapatunayan sa madla, ngunit 'di na niya magawa ang mga ito.

Kawawang Poldo...Ika nga sa wikang Ingles, "I can feel his pain."

 

SARMIENTO, Carlo Benedict C.-EC0511

R2 "Pamulat sa Dalawang Mukha ng Katotohanan"

"Simple... makatotohanan... isang pamulat..."

Si Poldo ay makikita mo sa bawat isa sa atin. May layang maipahayag ang sariling nararamdaman, may mga bagay na ayaw at may pinaninindigang prinsipyo.

Masaklap mang isipin ngunit may dalawang masasakit na katotohanang ipinararating ang kwento:

  • Sa ating panahon ngayon nagiging mga bulag at bingi na ang karamihan sa atin sa mga pangyayaring nakapaligid sa atin. Maraming mga bagay ang sumusira sa ating lipunan na nais iparating sa atin ang mga katulad ni Poldo ngunit tayo ay tila nagsasawalang bahala na lamang at mas ginugusto natin ang mga bagay na wlang katuturang babasahing hatid lamang ay panandaliang kaligayahan.
  • Sa ating panahon ngayon marami ang katulad ni Poldo na hindi alam ang prayoridad sa buhay. Inuuna ang mga pansariling satispaksyon kaysa sa harapin ang mga responsibilidad natin sa buhay. Sa pangyayaring iyon sa buhay ni Poldo, makikita at mararamdaman mo ang sakit ng mawalan ng mga minamahal dahil sa sariling kapabayaan.

Ang kwentong "Si Poldong Manunulat" ay nagbabahagi ng dalawang mahalagang pamulat sa ating mga Pilipino. Huwag nating hintaying sumuko at mawala ang lahat ng mga katulad ni Poldo na may pagmamahal sa ating lipunan, huwag nating hayaang tuluyan tayong maging bulag sa mga pangyayari na naglulugmok sa aring bayan sa putikan.

Huwag rin nating hintayin na mawala ang mga mahalaga sa atin bago natin maisip kung gaano sila kahalaga sa atin at malaman natin ang katotohanang "nasa huli ang pagsisisi."

Ang mga obrang tulad ng "Si Poldong Manunulat" ang kailangan ng ating lipunan ngayon upang tayo ay mamulat sa madilim na lipunang mayroon tayo ngayon.

DIRILO, DARWIN C.

A0606K

r2, Si Poldong Manunulat

Ang buhay ng manunulat ay sadyang kakaiba, umiikot ang buhay niya sa kanyang trabaho at ang trabaho ay umiikot sa kanyang buhay. Ang Istoryang "Si Poldong Manunulat", ay maaring matawag na Fictional, ngunit eto rin ay maaring mahambing sa totoong buhay. Malamang dalawa sa sampung manunulat ay naranasan na rin ang naranasan ni Poldo; Hirap kumita, writer's block, konplik sa pamilya, at iba pa.

Ang kwento ni poldo ay hindi na bago sa pandinig, ngunit hindi ibig sabihin na hindi ito maganda, maganda ang kwento, madrama, nababagay ito para sa mga taong nagkokonplik ang trabaho sa pamilya, mapupulutan nila ito ng aral.

Ang kwento ay tumatalakay din sa kalagayan ng mga manunulat ngayon, kung pano sila naghirap sa pagbenta ng kanilang mga akda at ang transisyon mula makalumang pagsulat tungo sa post-modernism.

 

Ilunio, Ronaldo Jr. V

PS0512

R2 Filipino

Ayon sa aking nabasa,hilig ni poldo ang pagsusulat,gradwet siya bilang titser ngunit meron siyang sariling katwiran o dahilan kaya niya iniwan ang pagtuturo. Dagdag pa dito ang kakulangan niyang kita. Nais niya bilang ama na paginhawain ang kanilang pamumuhay ngunit sa hindi inaasahang pagsubok siya'y naapektuhan,dala nito ang relasyon niya sa kanyang pamilya na sa bandang huli lamang niyanalinawan.

~R2~

Ang kwento ni Poldo ay nagpapakita lamang na maraming manunulat ang gutom. Gutom sa pera, gutom sa katotohanan at gutom sa...waah!..wala na ako maisip..bsta alam ko gutom ang mga writer..

Wala silang matinong sweldo dahil hindi lahat ng writer dito sa pinas ay napapansin, nakikilala ang pangalan at nabibigyan ng parangal. Kailangan ka munang dumaan sa maraming butas para marating mo ang mga palakpak ng mambabasa, mga ngiti at luha nila, mga magagandang feedback..at kung anu-ano pang nais marating ng isang writer.

Gutom sila sa katotohanan dahil...ano nga ba? Puro ba katotohanan ang ating nababasa? Hindi lang ba iyan puro romansa at mga kwentong walang kabuluhan? Marami ang kumikita sa mga kwentong walang "sense" at pulos yugyugan lang and alam. (pls exuse my words). Yun ang masama, kung anu pa ang may sense,,iyon pa ang itinakwil nang mga mambabasa,,at ung walang sense, ung ang tinatangkilik nila. Ano ba ang aral na makukuha nila? 70% nang mga mambabasa ay mga teenagers katulad ko at kami talaga ang mga target ng mga wirter, parang sa mga advertising lang iyan eh.. ang mga gumaganap na modelo sa mga commercial ay mga teenagers..oh kaya naman isang magandang babae na naka-bikini. Mga commercial na walang "konek" sa produkto. San mo ba mai-rerelate ang isang babaeng nakabikini na gumagapang sa isang sapatos?..O kaya naman isang lalaking matipuno at isang magandang babae na lumalaban sa isang grupo nang kalalakihan sa isang sigarilyo? DUHHH!!! ano konek!??

Bulag tayo sa katotohanan..gusto lang natin ang mga magaganda..mga magaganda..Ano ba ang magaganda? ang isang walang kwentang ngiti? o ang ngiti dahil ika'y nagtagumpay sa iyong mga suliranin..Ang katotohanan ay nasa paligid lang natin, hindi lang natin ito napapansin..May mga pamilya na akala natin na sila'y masaya dahil nakakaangat ang estado nila kaysa satin ngunit hindi sila buo..walang pagmamahal..mas pipiliin ko nalang ang maghirap..mahirap kaming sama-sama at puno nang pagmamahal sa isa't isa..

Ang kwentong ito ay isang katok sa ating isipan at puso. Na dapat pansinin muna natin ang malapit sa ating paligid bago ang iba..

MCO512 Ellen Joanna Ceballos

RECITATION2

 


Ang istoryang "Si Poldong Manunulat" ay nagpapakita lamang ng kaganapan sa tunay na pangyayari ng isang tao. At ito’y nailathala ng mabuti, mabilis maiintindihan at makuha ang nais na iparating na mensahe ng may akda. Na kung tutuusin may punto ang kuwento lalo na dun sa linyang "Mas dapat palang paksain ng kuwento ng pamilya niya" at maaari itong makapagbigay inspirasyon sa ibang tao. Ipinapakita lamang na kadalasan ang mga manunulat ay sinusulat nila ang kanilang sariling buhay dahil dito naipapakita ang mga totoong pangyayari gaya ng kabiguan at sa huli ang tagumpay. Nung una’y may magandang buhay naman si Poldo ngunit mas pinili na lang niyang maging manunulat. Oo nga’t may talento siya sa pagsusulat ngunit naghirap at napabayaan naman niya ang kanyang pamilya na ang pangunahing dahilan ay ang "pera". At ang pinakamasaklap ay ang pagbaliwala niya sa kanyang pamilya at kaya’y iniwan siya nito. Bilang isang ama hindi niya pinahalagahan ang kanyang pamilya mas pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang pagsusulat.
GUTIERREZ, MARIA THERESE ANNE E.
M05202

RECITATION2

POLDONG MANUNULAT
Ang kwento ni “Poldong Manunulat ay masasabi kong interesanteng kwento dahil pinakikita nito ang pangyayari sa totoong buhay.  Sinasalamin nito ang pangyayari sa mga pamilyang may problema sa pinansyal na nagdudulot ng pagkawasak ng pamilya. Kahit maikli lamang ang kwentong ito maraming aral ang mapupulot dito. Ang pamilya ni Poldo ang isang halimbawa ng pamilya sa ating panahon ngayon. Sa aking pagkakaunawa sa kwento, hindi natin mararating ang ating pinapangarap na kaginhawahan sa buhay kung tayo’y hindi magsisikap at matiyaga. Sa panahon natin ngayon dapat maging praktikal na tayo, hindi n uso ang maging sensitibo sa mga pangyayari sa paligid. Hindi din maganda na mag antay ng pagkakataon sa propesyong napili mo dapat sumubok ka din ng ibang bagay, dahil maaaring ang napili mong trabaho ay hindi para sa iyo kahit pa naging magaling at hinangaan na tayo sa larangan na iyon. Katulad sa pag-aartista, hindi pang habang buhay ang kanilang kasikatan kaya habang maaga pa lang ay mag-isip na ng ibang propesyon o “sideline” kung tawagin. Nais iparating ng kwento na dapat nating pahalagahan ang ating pamilya dahil sila and mga importanteng tao sa ating buhay. Sa ating mga kabataan, dapat nating unawain ang nararamdaman ng ating mga magulang, lalo na ang kanilang paghihirap upang tayo’y itaguyod kahit madalas na tayo’y mapagalitan dapat natin silang mahalin at huwag magtanim ng sama ng loob sa kanila. Sa makatuwid and kwentong ito ay napakaganda at masasabi ko na lamang sa ibang kwentong nabasa ko dahil sa mga aral na napulot dito. Masasabi ko na ang pinakamagandang paksa o istorya na maaaring gamitin sa paggawa ng kwento ay ang kwento ng ating buhay. dahil maraming mababasa ang makakatama at makaka-relate ang mambabasa. Malinaw na naipahayag ng may akda ang kanyang nais iparating sa mga mambabasang katulad ko. Makatotohanan ang pagaganap ng bawat tauhan sa kwento kahit hindi ko ito nakikita ng pisikal, sa aking isip ay naisasalarawan ko ang kaganapan sa kwento, dahil sa mga ginamit na salita na madaling intindihin. Ang magandang kwento ay hindi nasusukat sa mga malalalim na salita na maaring gamitin ng isang manunulat kundi nasusukta ito sa kung ano ang nais iparating nito at kung anong aral ang makukuha mo dito.Sa kabuuan, nakagawa ng isang obra maestra ang may akda na nagpapakita ng reyalidad ng buhay sa ating bansa at naipahayag niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling kwentong ito.

ANDRES, ELISHA RAE A.

M05202

RECITATION2

Si Poldong Manunulat
          Ang kwentong “Ang Poldong Manunulat” ay may kakaibang istilo na nagbibigay kadahilanan sa mga mambabasa na tapusin ang kwento. Ito ay inihayag sa paraang kawiliwili. Bagamat maikli lamang, ito ay makakikitaan ng mga aral na maaaring magamit sa realidad ng buhay. Halimbawa ay ang pagsunod sa sinisigaw ng puso upang madama ang lubos na tunay na kaligayahan, tulad ni Poldong na hindi masaya sa una niyang trabaho na isang kawani sa munisipyo sapagkat ang pagsusulat ang siyang tunay niyang gusto. Ito ay nakaaakit basahin sapagkat ang takbo ng kwento ay hango sa mga tunay na nangyayari sa kapaligiran. Nandito ang mga bagay na kung saan ang babasa nito ay makasasabay sa takbo ng kwento. Simple lamang din ang mga slitang ginamit na kung saan ito ay madaling intindihan. Bagamat simple, malalim naman ang mga mensaheng dala nito. Sa kabuuan ito ay makahulugan at tunay na kapupulutan ng magagandang aral. Ang tunay na kagandahan ng isang kwento ay hindi masusukat sa lalim ng mga salitang ginamit o sa haba nito kundi kung paano ito tinanggap ng mga mambabasa at isagawa ang mga aral na natutunan  nila sa tunay na buhay.

CAMILLE O. TAN

M05202

sALaMin nG aTiNg pAgKataO

     Ang Poldong Manunulat ay isang uri ng maikling kwento na ang himig at nilalaman ay sumasalaysay sa kapalaran at katangian ng pangunahing tauhan. Nangibabaw ang pag-aalinlangan na damdamin kay Poldo sa paghahanap ng paksang kanyang maisusulat. Ang damdaming ito’y nagsisimula sa tauhang lubusang naghahanap ng kasagutan sa mga tanong na siya mismo ang lumikha at tanging siya rin ang makasasagot. Masasabi ko na angkop na angkop ang pamagat nito sa kwento dahil bilang manunulat, dapat makasususlat ng isang kwentong papatok sa panlasa ng kasalukuyang henerasyon. Totoong  ang buhay ni Poldo ay di malayong mangyari sa buhay ng isang manunulat. Hindi lahat ng oras ay kumakamipi sayo ang kapalaran. Hindi rin lahat ng oras ay makakamit ang tagumpay. Ang mga ito ang nagpasalimuot sa buhay ni Poldo na ninanais lamang makapagsulat. Ang kapalit ng kanyang pangarap ay ang pagkasira ng kanyang sariling pamilya. Sa pagnanais na buhayin sila sa paraan kanyang minahal, ang pagsusulat,  ito’y naging dahilan ng pagtigil ng kanilang mga anak sa pag-aaral at sa pagkakaputol ng kanilang kuryento at tubig. Napakalungkot ng buhay meron si Poldo lalu na’t nang banggitin sa kwento na, “Dapat niya palang paksain ay ang kanyang sariling pamilya.”

     Tunay ngang makikita natin ang ating sarili sa ibang tao. Malalaman natin ang kung anong buhay meron tayo sa pagtingin sa kalagayan ng mga tao sa paligid natin. Hindi na natin kailangan tumingin pa sa ibang dako at magpumunta sa malalayong lugar upang maghanap ng kasagutan dahil ito’y nasa paligid lang o kaya naman ay ito’y nasa ating puso lamang. Kailangan  lang tumigil sandali, pakinggan ang binubulong ng puso at paligid para makita ang katotohanan. Napakalungkot ng tagpuan kung saan nadatnan ni poldo na patay lahat ng ilaw, madilim ang buong bahay at wala ang kanyang pamilya. Ang kadiliman ay sumisimbolo ng kalungkutan ng buhay meron si Poldo dahil sa pagkasira ng kanyang pamilya dala ng pagmamaktol ng mahabang panahon. Marahil masisisi niya ang kanyang sarili subalit ito’y pansamantala lamang dahil kailangan niyang bumangon sa pagkakadapa at harapin ang hamon ng buhay sa kanya. Sumatotal isang napakamadamdamin at malungkot na kwento ang aking natunghayan sa kwentong Poldong Manunulat.

      Kung mabibigyan ng pagkakataon na i-reyt ang kwentong ito, bibigyan ko ng 9 para sa maayos at magandang pagkakalahad at banghay ng kwento.

Recitation # 2

Nang simulan kong basahin ang kuwento, hindi ko mapigilang mapaisip kong anong nilalaman nito lalo na ang mga kasunod na pangungusap. Hindi ko mapigilang mapaisip kasi habang binabasa ko ito parang naiimagine ko ito na nangyayari sa totoong buhay. Maganda ang bawat parti ng kuwento pero hindi napunta sa isip ko na ganun ang magiging wakas niya kasi akala ko ang magiging wakas ng kuwento ay gaganda na ang buhay nila Poldo, kasi kadalasan sa isang kuwento ang wakas ay “They live happily ever after.”

 

Ang kuwentong ito ay naglalarawan sa isang pamilyang Pilipino. Ito ay isang pamilyang naghihirap din at nabaon sa utang dahil sa kanilang ama na kahit na nagtratrabaho ay kulang parin. Naipakita ng may akda kung bakit naghirap sina Poldo, si Poldo ay isang manunulat na ang gusto ay sundin ang kanyang damdamin sa pagsusulat hindi miya iniisip ang mga gusting basahin ng mga mambabasa. Gustong niyang imulat ang mga tao sa mga kasamaan o pangit na mga bagay sa mundo kasabay ng pag-abot ng kanyang mga pangarap pero walang tumanggap sa kanyang mga kuwento hanggang sa isang arw iniwan siya ng kanyang pamilya.

 
Sa kabuuan, para sakin, ang kuwentong “Si Poldong Manunulat” ay tunay ngang maganda at interesanting basahin dahil sa magandang pagkaka-ugnay ugnay ng ng mga detalye sa kuwento at malinaw n naipakita ng may akda ang katayuan ng buhay, damdamin, pag-iisip at paghihirap ni Poldo ni bilang ama o haligi ng tahanan at bilang isang magaling na manunulat. Madali kong naintindihan at madali kong naintindihan ang kuwento dahil alam ng may akda kung pano sumakay sa gulong ng buhay sa panahong ito, nagging malaking tulong din ang paggamit ng may akda ng mga salitang pabalbal. 

poldong manunulat

bitin ang kwentong poldong manunulat ngunit sa maikling kwentong ito ay makikita na ang "sense" ng kwento. masungit si poldo at naging isang malaking hadlan ito sa relasyon ila ng kanyang pamilya. malungkot ang naging katapusan nito nang dahil na rin sa pag-uugaling ipinakita ni poldo. ang pagkakamali kasi ni poldo rito ay ang sobrang pagdadala niya sa kanyang pproblema na lahat ay naaapektuhan nang hindi niya nalalaman. maganda itong ipabasa sa mga magulang partikular na sa mga ama na nagiging "workaholic" para malaman nila na hindi lamang sila ang naaapektuhan sa kanilang mga problema lalo na kung ito ay pinapakita nila sa kanilang pamilya. ang maganda pa rito ay makikita mo agad ang nais ipahiwatig ng manunulat sa diyalogo pa lamang at sa maaaring maging epekto nito. mararamdaman mo din ang nararamdaman ng tauhan dahil sa mga tekstong ginamit at ito ay "dirct to the point".

Ang Mata ng Katotohanan

Sa lipunan nating ito, normal na natin makita ang kahirapan ng pamilyang Pilipino. Maraming aspeto sa buhay ang nakakaapekto sa pag-iisip ng tao. Sa kwentong Si Polodong Manunulat, naipakita kung paano kahirap ang kumita ng pera. At ng dahil lamang sa suliranin sa pera, pati ang ugnayan sa pamilya ay nababahiran ng kasakiman at pagkakait. Kapag ang tao ay lubos ang pagnanasa sa pera, nakakalimutan ng tao ang mga relasyon niya sa mga taong nasa paligid niya.

Si Poldo ang taong kakalimutan ang lahat, magawa lamang niya ang kanyang gustuhin. Malamang sa hirap nga naman ng buhay, sino ba naman ang hindi mag-iinit ang ulo sa araw-araw na problema. Ngunit tunay nga bang matitiis ng isang tao ang kanyang pamilya? Kailangan pa bang mangyari ang pagsisisi sa huli? Ang katotohanan o realidad na ang buhay ay isa lamang kwento na ang diyos lamang ang maaring makapagtapos. Ang kahirapan ay parte lamang ng kwento ng ating buhay.

Sa kabuuan, kailangan lamang natin imulat ang ating mga mata sa realidad na kahit anong mangyari ang pamilya mo lamang ang maari mong sandalan.Ngunit kapag sila ay nawala, magmimistula ka lamang taong mapag-isa. Mas magaan ang problema kung kasabay ang pamilya sa pagharap ng suliranin.

Kung Ano ang Nais Mo Sundin Mo

Para sa akin ang maikling kwentong Si Poldong Manunulat at isang maganda at puno ng inspirasyon. Dapat ay bigyan pansin natin ang mga nangyayari sa ating lipunan upang tayo ay magkaroon ng kaalaman at maalaman natin ang kahalagahan ng bawat nangyayari. Kaya napili ko ang paksang iyon dahil kung ano ang gusto natin yon dapat ang atn susundin upang tayo ay magng matagumpay sa ating mithiin. Dapat din nating igalang at bigyan pansin ang mga Pilipinong manunulat. Pero dapat bago tayo magdesisyon ay isipin muna natin kung maganda ba ang kakalabasn ng ating napagdesisyonsan.Dapat tayong magsikap upang magakaroon tayo ng maginhawang buhay.

Dapat din natin tandaan na mas magaan ang buhay kapag kasama natin ang ating pamilya dahl sila ang nasasandalan natin kapag tayo ay may mga problemang kinakaharap.Dahl lagi silang nandyan para tulungan at suportahan tayo...  

Justine Mae Pangilinan_29

pamilya o propesyon?

Ang kwentong "Si Poldong manunulat" ay isang obrang dapat mabasa ng bawat isa sa atin. Dapat nating malaman na hindi dapat binabalewala ang mga bagay na sumisira sa ating lipunan. Dapat nating buksan ang ating isipan sa maruming pamumuno ng mga may katungkulan sa lipunan. Sila ang lalong sumisira sa ating bansa. At dapat din nating isa-isip ang kahalagahan ng ating pamilya. Hindi dapat natin tinatalikuran ang ating responsibilidad para lamang sa pansarili nating kapakanan at kaligayahan.

Sa kwentong ito pinapakita ang mga posibilidad para iwanan ka ng mga taong mahal mo, na sa bandang huli lang natin malalaman na hindi pala mahalaga kung anong meron ka at kung anong nakamit mo, ang mahalaga pala ay may pamilya kang masasandalan mo sa oras ng iyong pagkabigo. Aanhin mo pa ng mga bagay na nakamit mo kung wala namang namamahal sayo at laging nandyan sa tabi mo.

Maray, Kristina Issah Monece G.

A0606K

recitation #1

masasaksihan natin ang ganitong sitwasyon ng mga Pilipinong manunulat sa tunay na buhay. tulad ng nasa istorya, unang isinulat ni Poldo ang kanyang mga saloobin na nais niyang ibahagi sana sa mga mambabasa, mga bagay na makatotohanan, mga kasalukuyang nagsasalamin sa kalagayan at problema ng bayan ngunit sa mata ng mga publishers, ito ay hindi tatangkilikin ng masa. dahil dito, hindi na niya napansin na may mas mahalaga syang prayoridad na dapat inuna, ang kanyang pamilya. dala na marahil ng presyur kung kaya naging mainitin ang kanyang ulo. though, tama lang na ipahayag natin lalo na ng mga manunulat ang ating/ kanilang tunay na damdamin, minsan ay hindi talaga ito pwede o hindi binibigay ng pagkakataon. maganda sana kung mapagbibigyan ang mga manunulat na katulad ni Poldo sa mga ganitong hangarin na maipamahagi ang kanilang mga ideya at saloobin.

 

richelle regular

a0620j 

recitation #1

Ang "Si Poldong Manunulat" ay isang makatotohanang kwento sa buhay ng isang tao. Napakaigsi lang ng kwento kaya natawa ako nung natapos ko agad ang pagbasa nito sa loob lamng ng ilang minuto. Si Poldo ay ang tauhan na nagsasabing ang isang manunulat ay dapat na nagsisimulang ikwento muna ang kanyang sarili bago mag-umpisa sa pagsusult tungkol sa mga nangyayari ngayon sa ating lipunan.

Ipinakita kasi sa kwento ang mga hilig ng mga mambabasa ngayon. Mga kwento na hindi na masyadong nagpapakita ng kahalagahan ng buhay. Mga babasahin tungkol sa sex, mga kalaswaan! Kaya tama nga si Poldo. Madaming kabataan ngayon ang sira ang buhay dahil masyadong mainit ang kanilang mga katawan pagdating sa pakikipagtalik. Hindi lamang ang mga kabataan, meron ding iba pa.

Ang kwento ay talaga namang isang makatotohanang babasahin. Sa palagay ko nga eh, pwede din tong gawing isang pelikula. Hindi lamang para sa mga ordinary movie goers, para rin syempre sa mga manunulat gaya ni Poldo.

Ang ayaw ni Poldo- recitation#1

    Marami ng inilalabas na mga babasahin na wala namang kabuluhan ang mga paksa, maraming kabataan ngayon ang nahuhumalig sa mga ganitong babasahin, hindi totoo na ayaw nang basahin ng mga mambabasa ang mga kwentong isinusulat ni Poldo na nagpapahayag ng katotohanan, nabubulag lamang sila dahil itinatago ng kanilang mga binabasa ang katotohanan,puro kasiyahan,romansa at sex ang tanging laman ng mga binabasa nila, hindi nagpapahayag ng katotohanan ang kanilang mga binabasa, puro pantasya at kung anu anong mga kalokohan pa ang tanging inihaharap ng mga ganoong babasahin kaya naman nagiging sarado ang mga isip ng mga mambabasa sa katotohanan, ang pagbabasa ay hindi lamang pampalipas ng oras, dapat ito ay may katotohanan.

-sigrid molino a0620j

recitation

Masasabing e2 nga ang katotohanan tungkol sa maraming manunulat. Dahil sa kanilang karanasan mas lumalawak ang kanilang kaalaman kaya't mas marami silang paraan upang makapgsulat ng mga kwento na batay rin sa kanilang buhay. Nsasabi rin d2 ang mga nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ang kinahihinatnan ng mga naligaw ng landas o mga taong kulang sa kalinga ay natukoy rin d2.

Masasabi rin na ang hinahanap-hanap na kasagutan ng tao sa kanyang mga katanungan tungkol sa buhay ay nasa paligid n nya,ngunit hindi nya lang nakikita o kaya'y nararamdaman...

Magandang kwento... ^^

-Neil Bryan G. Arrofo

[A06B09]

Recitation fil2 (poldong manunulat)

Ang maikling kuwentong “Poldong Manunulat” ay isang magandang kuwento na sumasalamin sa tunay na nangyayari sa ating lipunan.  Tulad ng tungkol sa maling gawain ng mga pulitiko.  Ginagamit nila ang ibang tao, lalo na ang mga mahihirap, para lang sa kanilang pansariling kapakanan.  Masasalamin rin dito ang tunay na kalagayan ng ibang pamilya kung saan sila ay halos wala ng makain at maipangtustos sa pang-araw-araw na buhay.  Katulad ito ng naging kalagayan ng pamilya ni Poldo na halos wala ng maipangtustos sa pag-aaral ng mga anak pati na rin ang pangbabayad ng mga gastusin sa bahay tulad ng kuryente at tubig kasama na rin ang kanilang mga utang.  Kung aking iisipin ay mapalad pa ako dahil kahit mahirap ang buhay ngayon ay nakakaahon pa rin kami ng aking pamilya sa araw-araw.
 

Si Poldo sa kuwento ay katulad ng ibang tao na mahilig nga sumulat ngunit hindi naman gusto ng mambabasa ang kaniyang sinulat.  Ayaw niyang isulat ang mga bagay na gustong basahin ng mga tao.  Kung ating susundin ang proseso sa pagsusulat, hindi siya makapili ng magandang paksa na kanyang susulatin.  Ang pinipili niyang isulat ay ang paksang siya lamang ang interesado.  Dapat niyang malaman ang kailangang  isaalang-alang sa pagpili ng isang magandang paksa.    

   

Recitation fil2 (poldong manunulat)

Ang maikling kuwentong “Poldong Manunulat” ay isang magandang kuwento na sumasalamin sa tunay na nangyayari sa ating lipunan.  Tulad ng tungkol sa maling gawain ng mga pulitiko.  Ginagamit nila ang ibang tao, lalo na ang mga mahihirap, para lang sa kanilang pansariling kapakanan.  Masasalamin rin dito ang tunay na kalagayan ng ibang pamilya kung saan sila ay halos wala ng makain at maipangtustos sa pang-araw-araw na buhay.  Katulad ito ng naging kalagayan ng pamilya ni Poldo na halos wala ng maipangtustos sa pag-aaral ng mga anak pati na rin ang pangbabayad ng mga gastusin sa bahay tulad ng kuryente at tubig kasama na rin ang kanilang mga utang.  Kung aking iisipin ay mapalad pa ako dahil kahit mahirap ang buhay ngayon ay nakakaahon pa rin kami ng aking pamilya sa araw-araw.
 

Si Poldo sa kuwento ay katulad ng ibang tao na mahilig nga sumulat ngunit hindi naman gusto ng mambabasa ang kaniyang sinulat.  Ayaw niyang isulat ang mga bagay na gustong basahin ng mga tao.  Kung ating susundin ang proseso sa pagsusulat, hindi siya makapili ng magandang paksa na kanyang susulatin.  Ang pinipili niyang isulat ay ang paksang siya lamang ang interesado.  Dapat niyang malaman ang kailangang  isaalang-alang sa pagpili ng isang magandang paksa.

            Maribelle M. de Ocampo
                 A06B09
                 Prof. Alarde

   

si poldong manunulat

hindi na bago para sa mga pilipino ang makaranas ng hirap d2 sa ating bansa katulad n lamng ng  sinasalamin ng kuwentong "si poldong manunulat".. pinapakita d2 na napakahirap maghanap ng trabaho sapagkat salat tayo. si poldo ay isa lamang halimbawa kht anong gawin niyang hirap sa pagsusulat patuloy pa rng tinatanggihan ng mga kumpanya sapagkat iba raw ang hilig ng mga tao ngayon... pinapakita lamang na ayaw nla ilabas ang kato2hanan sa likod ng mga maduming pulitika sa bansa, tayong mga pilipino ay bulag at  wlang hangad na makita ang nsa likod ng tinatagong lihim ng ating bansa. takot tayong madungisan ang ating karangyaan kht n hadlang ito sa ating ikakaunlad..

hindi ko maiwasang magisip kung bakit mas pi2liin pa nting tumahimik at magkunwaring nasisiyahan sa nangyayari kaysa isiwalat ang tagong pinapaloob ng ating bansa.. talamak ngayon ang mga krimen katulad sapagkat itanngi man natin pero tayo mismo ang kumukunsiti sa mga ito.

nalu2ngkot ako sa mga nangyayari sa atin.. sa katapusan ng kuwento iniwan sa poldo ng kanyang mga mahal sa buhay...d2 pinapakita na sa halip na tayo ay umunlad lalo pa tayong nagiging lugmok sa kahirapan, kahirapan na kailanmay hindi na mawawala sa ating mga pilipino. sabi sa huli dapat paksain ang katotohan na pilit nating tinatago.

huwag tayong bulag! maging tunay tayo sa ating nararamdaman dahil sa huli tayo rin ang magsisisi at mawawalan. ..gumising ka kapatid! isiwalat mo ang totoo... sa kabuan maganda ang ipinahihiwatig ng kuwento pra sa atin.

xena mae l. allas

a06b09

reaction:

Si Polado ay isang ama.Marami siyang na siyang napasukan na trabaho ngunit umaalis siya sa kanyang pinagtatrabahuan kapag ma nakikita siyang mali o hindi niya ito nagustuhan at ang huli niyang pinasukan ay ang pagiging manunulat hindi siyang matanggap-tanggap dahil sa ideya ng kanyang pagsusulat.Hindi niya alintana na naapektuhan na ang kanyang relasyon sa pamilya,kabuhayan at pag-aaral ng kanyang mga anak dahil sa kanyang pagnanais na makagawa ng isang magandang akda para siya ay matanggaps a trabaho.Nag siya ay nakaisip na ng akda para makuha sa trabaho siya naman na iniwan siya ng kanyang mag-iina.Siya ay naghihinayang at kanyang napagtanto na dahil sa nais niyang makahanap ng pagkakakitaan para mabuhay ang kanyang pamilya saka nila siya nilayasan.Dito natin makikita na dapat s aisang pamilya ay nagtutulungan at dapat naging responsable siyang ama nakikita niya kung ano ang nagyayari sa kanyang pamilya 

Hanna Pearl

A06B09

Poldong Manunulat

Ito ay tungkol sa buhay ng tao na nanagarap na makaahon sa kahirapan. Gustong itaguyod ang buhay ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga kwento. Ang pagasa niya na makaahon sa buhay sa pamamagitan ng pagsusulat ay gumuho. Ito ay dahil walang gustong tumanggap ng kanyang mga sinusulat. Para sa akin, ang kwento ay madaling maintindihan dahil sa akdang ginamit at dahil ang bawat isa sa atin ay "nakakarelate" sa kwentong ito. Ang kwentong ito ay napapanahon. Ito rin ay nagbibigay ng aral at inspirasyon sa mga tao.

-mica santiago A06B09

Si Poldong Manunulat

si poldong manunulat isang ordinaryong pilipino na nangarap na makaahon sa kanilang buhay. siya ay sumisimbolo sa buhay ng kahirapang nararanas ng ating bansa sa ngayon. ang kwento ay madaling sundan dahil sa pagkakagamit ng may akda ng mga salitang madaling maintindihan, hindi gumamit ang akda ng mga salitang ikalilito ng kanyang mambabasa. magaling pumili ng paksa ang may akda dahil ito ay tunay na nangyayari sa tunay na buhay, hindi lamang ito gawa-gawa ng may akda sa halip ay binatay n'ya sa kung ano ang nasa palgid nya. sa kabilang banda, may parte sa kwento na medyo nakalilito, dahil may mga pangyayaring bigla na lamang sumusulpot. ang kwento ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga taong nababaliwala at nawawalan ng lakas ng loob sa sarili. hanggang dito na lang at binabati ko ang  may akda sa paggwa ng isang obra maestra....

michael jayvee alejandro

ao6bo9