Si Tukmol
Si Tukmolni Jorlem Mohn
“Walanghiya kang babae ka, napakalandi mo talaga! Pati asawa ko kinakalandiri mo!”
“’Yang asawa mo ang pagsabihan mo! Eskandalosa!”
Pokpok kang hinayupak ka!”
“Kesa naman sa’yo losyang! Kaya naman naghahanap ng ibang putahe ang mister mo eh! Bilasang bilasa ka na!”
Blah…. Blah… blah…
Ang mas mainit pa sa umuusok na pandesal na awayan sa labasan ang gumising sa akin mula sa nakakaaliw kong paglalakbay sa mundo ng panaginip. Wala akong magawa, dito ako napadpad sa lugar ng mga mandirigma. Pakonswelo de bobo na lng, inisip kong libre na naman ang almusal ko. Ikaw ba naman makarinig ng mga balahurang salita mula sa mga Gabriela Silang ng Isla Paraiso.
Karaniwan na ang mga ganitong awayan sa aming lugar. Palibhasa, eksklusibo ang lugar para sa mga pinagpalang iskwater, kaya ang bawat hiyawan ay abot kahit sa bahay ng mga anay sa kani-kaniyang kubeta.
Kahapon lang, si Aling Sioning at Aling Metring ang bida sa takilya. Umuwi kasing umiiyak si Empong, anak ni Aling Sioning, at nagsumbong sa ina na hindi daw siya isinali ng anak ni Aling Metring sa tumbang preso sabay atungal kabayo. Pagkarining sa kumpisal ng anak, itong Sioning ay di na nagpatumpik tumpik pa sa pagsugod sa kalsada kung saan naglalaro ang mga bata sa pangunguna ng anak ni Aling Metring na si Taba. Kinompronta ang batang paslit. Nakita ng Metring ang eksena. Siyempre, hindi pasasapaw sa Sioning. Ayun, ang gatingang problema ng mga anak-anak nila ay pinalaki ng mga mahahaderang ina-ina. Sumbatan. Labasan ng mga baho. At ang pinagtapusan, nagbatuhan ng sandok.
Ang nakakatuwa, pagsapit ng dapit-hapon ng araw ding iyon, magkaalakbay na ang dalawang matanda at nagtatawanan habang naglalakad sa makipot na kalsada patungo kina Aling Tikya kung saan iyon ang pinaka-casino ng lugar. Doon ang laruan ng bingo, tong-its, pusoy, majong at kahit cara y cruz. Kahit sino ay mapapalingon sa dalawa sa lakas ng tawanan at ang buka ng mga bibig kita na pati lalaugan. Sa walang humpay nilang pagtatawanan, tumalsik ang pustiso ng Metring.
Hay… kakatamad pa namang bumangon… Aba teka, bakit umuuga? Putsa, may lindol pa yata. Magugunaw na nga yata ang mundo. “Oooooohhh….”
Anak ng teteng, kaya naman pala intensity 4 dito sa bahay eh. Ibang klase nga din naman ang kalibugan nitong si Tebong Taga at Inday. Limang taon ng nagsasama eh feeling yata nasa honeymoon stage pa lang sila. Wala ng ginawa kundi magkadyutan ng magkadyutan. Kung may bayad nga lamang bawat pagniniig baka naipagpagawa na nila ng magagandang bahay ang bawat pamilya dito.
Kelangan ko na talagang bumangon. Dalawang alarm na ang umistorbo sa akin. Kung itutuloy ko pa ang pagtulog ko, baka hindi ko na kayanin ang pangatlong alarm.
Anak ng butiki! Walang kape?!? Tsk, tsk, tsk…. Makalabas na nga muna ng bahay.
“I’m the king of the world!” Yahoo…! Ito ang paborito kong tambayan. Ang punong santol ni Ka Tasyo. Kapag andito kasi ako sa itaas ng puno, kita ko na ang buong iskwater area. Pakiramdam ko ay isa akong diyos na nagmamasid sa bawat nilalang dito sa aming lugar at sumusubaybay sa kanilang kaiga-igayang pamumuhay.
Nakakaaliw panoorin ang mga musmos habang naglulunoy sa ilog kasama ng mga naglulutangang napkin na pinagreglahan at mga pampers na pinaghaluan ng ihi at tae ng ilang mga sanggol sa lugar. And tindi ng mga bata. Iba ang trip. Ang mga pobreng napkin at pampers ang ginagamit sa kanilang pagbabatuhan. Ayun, sapul sa mukha si Totoy Bibo ng pampers. Para tuloy siyang si Incredible Hulk. Kulay abokado ang mukha. Teka, kilala ko ang napkin na hinagis ni Empong ah. Kay Pining ‘yun, may wings eh. Minsan kasi, nakita ko siyang nagtapon ng ganun sa ilog.
“Bakit ganyan ang kulay ng dugo?” tanong ko kay Pining habang nakatingin sa hawak n’yang napkin na may dugo na ang kulay ay nagtatalong itim at pula.
“Ah, ganito sadya ang kulay nito. Bulok na kasi eh.” Sagot niyang nakangiti. “Ako lang ang gumagamit ng ganitong napkin dito sa ating lugar. Mamahalin kasi ito. Tingnan mo, may wings,” dugtong pa niya na parang titser na nagtuturo sa kanyang estudyante.
Kahit gusto ko ng masuka sa kanyang itinuturo, pinipilit ko pa ring ngumiti kahit magkatabingi-tabingi na ang nguso ko. Kunwari naaliw ako sa mga pinagsasabi niya. Di lang niya alam, pati siya ay gusto ko ng itulak sa ilog kasama ng napkin na hawak niya.
Sino naman kaya ang nasa may likuran ng kural ni Aling Bebang? Ah, si Bentong at si Diego, ang kaisa-isang bakla sa lugar na isinunod sa pangalan ng isang sikat na baklang komedyante sa Kapuso Network. Ang sitwasyon, si Diego nakaluhod sa harapan ni Bentong na parang nagdadasal. Nakapikit siya, pero galaw ng galaw naman ang ulo. Urong sulong. Ganun ba talaga magdasal ang mga bakla? Iba’t iba talaga ang mga tao. Hmn…
Di ko na namalayan na sa aking pagmamasid sa aking kaharian eh nakaidlip na pala ako. Sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito, naglakbay na naman ako sa mundo ng panaginip. Nakita ko si Superman, kasama si Catwoman. Huh? Bakit ganun? Hindi ba dapat si Batman? Langya naman, pati ba mga superhero eh nagtataksil na din? Ano kayang gagawin ni Batman pag nalaman niya na may milagrong ginagawa ang dalawa? Batman vs. Superman. World War IV na ito!
Aba teka, ako ang naka costume na may pakpak na ‘yun ah. Wow, nakakalipad ako! Wohooo…..! Lilibutin ko ang buong mundo. Pupunta ako sa Paris at tatayo sa tuktok ng Eiffel Tower. Papasukin ko ang Louvre Museum at titingnan ang pinakamagagandang likha ng sining. Teka, dapat dito muna pala sa Asya bago ako pumunta sa ibang kontinente. Madami din naman magagandang lugar dito. Ah, kelangan dito muna ako sa Pilipinas mag-umpisa kasi ito ang aking bayang sinilangan. Hmn… San nga ba dapat ako mag-umpisa? Ah, alam ko na! Dun muna sa Mindanao! Up up and away! “Hoy, bumaba ka diyan!” Bigla akong nagising mula sa maganda kong panaginip. Anak ng teteng! Pagmulat ko nakita ko sa ibaba si Ka Tasyo. Ang laki ng dalang pamalo. Patay! Sa kaba sumala ang upo ko sa sanga ng puno. Dire-diretso ako pabulusok pababa. Pagbagsak ko, tumama ang likod ko sa nakausling bato. Ang sakit. Napasigaw ako pero walang boses na lumabas sa aking lalamunan. Sa nanlalabo kong paningin, nakita ko ang mga nagtatakbuhang tao papalapit. Wala akong boses na marinig pero kita ko ang bawat buka ng kanilang mga bibig. Hanggang sa mawala ang sakit na naramdaman ko kani-kanina lamang. Namanhid na ang buo kong katawan. At ang mga sumunod na pangyayari ay di ko na namalayan pagkat nagdilim na ang aking paningin…
‘Nga pala ako si Tukmol…
pasasalamat
salamat sa pagbibigay pansin mo sa aking maikling kwento.. ang mga tulad mo ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang ipagpatuloy ko ang hilig ko sa pagsusulat...
Nice, its a slice of life
Nice, nakuha ko yung gusto mong ipahiwatig dito. Maganda at nakakatuwa at the same time pinapalabas mo rin ang mga scenario ng ating lipunan. Mahusay jorlem. Mas mahusay kesa dun sa survey mo about SONA.
Alam mo dream ko talagang magproduce ng isang indie film tungkol sa mga buhay nating mga Pilipino. Siguro magkakasundo tayo. Ang protesta ko ay dinadaan ko talaga sa art na lang. BAka dun mas mapansin ang mga hinaing nating mga Pilipino.
Keept it up bro. Sulat ka pa!!
Ingat
Spike
reality talaga oo
nagkaroon ako ng chance dati na tumira sa squater's area dito sa aming probinsiya noon para sa community service. tabi iyon ng abandonadong riles. nice! hindi ako nakatulog dahil sa inuman at murahan ng mga lasenggo sa labas ng bahay na tinulugan kasama ng partner ko sa activity. Ang ganda rin ng good morning ko noon. may naghabulan ng itak pagkalabas ko ng bahay!
wooh... iyan talaga ang buhay eh... maganda ang kwento na ito... kaya ako, araw-araw kong pinagpapasalamat na mas maayos na buhay ang ibinigay ni Lord s akin kahit na minsan nagigipit din kami.
Kuya spike, pasali din sa paggawa ng indie film! isang documentary film palang ang nagagawa ko eh. kaya lang, wala na akong copy nun... naglaho na noong ni-reformat ang pasaway kong computer.. hehehe.
melay
I was born in the squaters...
Sa Talon ako pinanganak, ang sikip-sikip nga doon eh. Naaalala ko pa noong maliit pa ako, palagi kami mga bata madumi dahil sa mga kanal sa tabi-tabi. Ang baho-baho pa doon.
Kaya nung pumunta ako kasama ang mama at tita ko sa probinsya sa Bicol, limang-taon ako at unang lakbay ko pa no'on, takang-taka ako dahil iba ang amoy ng hangin. Noon araw pa ito. Sa mga panahon na ang mga banyo ay isang malalim na butas sa lupa. Takot na takot nga ako doon umihi eh. :P
Owss hindi nga
Sa squatter's area ka pinanganak? Hindi nga? Di ba nasa Amerika ka? (teka san ko ba nabasa yun?). Sabagay dun ka lang ipinanganak, ibig sabihn sa ibang lugar ka lumaki!
Yung sinulat di Jorlem pwede namin gawing Indie film. Mukhang okay eh, saka low budget lang talaga kami!!
Sige ingat
Spike
Oo nga nakakatuwa nga siya! ^^
Pero hindi ko masyado maintindihan... ano ibig sabihin ng Tukmol? Isip ko, isa siyang lizard/tuko or something that is hit in the head because he was taking someone else's food.
Salitang Kanto lan yun
Naku naimbento lang ata yung salitang Tukmol. Parang Epal, Kumag, Tuturyok, at kung ano ano pa. Salitang kanto ika nga, para sa taong tatanga tanga, o kaya may sayad. Basta salitang kanto lo bansag lang yan!!
Waaah!!! Sorry! Dx
Naku naimbento lang ata yung salitang Tukmol. Parang Epal, Kumag, Tuturyok, at kung ano ano pa. Salitang kanto ika nga, para sa taong tatanga tanga, o kaya may sayad. Basta salitang kanto lo bansag lang yan!!
I searched!! Tukmol means Moron. LOL! And he was up a tree spying on everyone. When this guy shouts at him to get down, he slids and falls on his back and is knocked off unconscious. Ha ha ha! And his name is Moron. ^^;
Salamat Spike! Sorry for the trouble!!
-Pmel
Seryoso ka????
Seryoso ka spike???? may dating b ung kwento ko??? Gusto mo tlga xa gawin indie film??? Wow.... isang karangalan un para sa akin... Sana magkatotoo... It's a dream come true if ever.... inform mo lng ako ah.. tnx.... here's my contact number... 09277053759/09297566133
Tnx nga pala sa pagbibigay pansin sa aking maikling kwento... mas inspire ako magsulat dahil sa mga tulad mo na mejo nakaksundo ko sa ideya...
Yup dude
Oo bro may dating talaga, alam ko naman na may gusto kang ipahiwatig dun sa akda mo. Its depicting Philippine cultures and society. Ewan ko lang kung iyun ang intensyon mo. Slice of Pinoy life ika nga. Sayang nga lang I'm here abroad, but gusto ko talagang gumawa ng Indie Film, yung mala kubrador o serbis. Kumbaga sa isang simpleng istorya lumalabas yung malalim na mensahe. I like it bro. Nakagawa na ako ng ganito, medyo naipost ko na rin sa isang site ng isang sikat na website. So magkakasundo tayo pag dating sa ganyan.
Sulat ka lang bro, magsanib pwersa tayo para makabuo tayo ng indie film pag uwi ko sa March next year. Medyo dream ko rin ang maging film maker
Ingat,
Spike
tama ka dude
tama ka dude, gnun nga ang intensiyon ko,,... ipakita ang tlgang mukha ng lipunan sa paraang nakakaaliw para naman kahit papano mabalanse ng konti... xe kung dadaanin ko pa ang istoryang ito sa mas seryoso.. baka maboring na ang mambabasa sa laki tlga ng problema ng ating lipunan... cge.. sana matuloy ang plano mo.. isang malaking karangalan para sa akin un... mas inspirado ako magsulat ngayon...
Maganda ang nilalaman ng
Maganda ang nilalaman ng kwento... nagustuhan ko din...
Sa tuwing nakakakita ako ng ganitong lugar naaawa ako lalo na sa mga batang walang ginawa kundi ang maglaro sa maruming lugar.
mahilig din akong manood ng mga indie movie... kahit hindi wholesome napapanood ko heheheh... kahit maliit ang budget ng movie napapaganda nila at maganda ang kwento.
Sana makagawa kayo ng Indie movie... kung kailangan ninyo ng artista nandito lang ako hehehehe... basta horror lang heheheh.... pwedeng pwede ako.... jonsdmur






Maganda
Hi tukmol! napakaganda, naaliw ako habang nag-babasa, magaling na baigyan mo ng buhay , this is reality na nangyayari sa ating bansa lalong lalo na yung mga nakatira sa squater area. isa lang masasabi ko nakakaaliw basahin. he he he