Sick o'clock

Alas sais na.

Nanginginig nanaman ako. Pano, kung kelan uwian na saka naman babagyuhin kami ng bagong trabaho.

Parang kakahugas mo lang ng pwet biglang may humilagpos pa.

Nakakaasar. 

Wala ka namang magagawa. Pero dapat meron diba? Pwede namang ipagpabukas. 

Hindi naman kasama sa working hours ang oras sa bahay at ang oras tuwing weekend.

I-plug ko nalang kaya sarili ko sa cumputer. 

Tapos idownload lahat ng creativity. Tapos lump sum ang bayad.

Tapos tapos na. Retirement. Gulay mode na.

Ang pait ko talaga, bitter-bitteran. 

Pero totoo eh, ganito araw araw. 

Umuwi man ako ng 6pm, tatawagan pa rin ako.

Kahit humaharurot na yung jeep, tatawag pa rin. 

Ako naman, loka, bababa sa pinakamalapit na Burger King at magtatrabaho magdamag.

Dati pwede yon, pero ngayong may uuwian na ako sa bahay, nakakahiya na. Pati, gusto ko ng makasama ang taong yon.

Magkano ba sweldo ng ticketing agent sa mrt? 


Luca's picture

May opening daw sa MRT

entry level, 80k per month

 

 

 

 

 

 

taga-hila ng tren... 

(visit this and other jokes at http://www.manilamemorial.com)

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

game na yan

gusto ko ding pumayat eh

 

atlas shrugged