Sigaw ng Pagnanais

|

Sa paglatag ng kadiliman

sa nangangalahati

ko nang buhay.

Hinaharap ay di ko pa rin matanaw

Sa itim na ulap

na hinarang ninyo sa

aking daraanan.

Pag-iisip ay lalo

lamang naguluhan.

Saan pa nga ba ako patutungo

gayong kayo na ang nagpasya,

para sa buhay kong aba.

 

Ano pa nga ba

ang aking magagawa?

kundi sumunod na lamang

sa inyong mga nais, pagkat

ako'y walang lakas,

tapang, at paninindigan.

Upang ipagsigawan ang aking mga

ninanais.

 

Sa payak na mundong

nais kong galawan

ika'y di makasabay

kaya ako'y

winala mong kabuluhan.

Swimming Bird

formerly known as Aura.

Isa akong ibon na lumalangoy sa malawak na karagatan.